Thursday, May 29, 2008

Chem 16 OX3

From my siz, Yanie! Para nman ma-preserve natin
:)

Chem 16 OX3 class ka kung alam mong...

1. si sir BRYAN CHRISTIAN DE LA ISLA ang BEST PROF (at friend) sa balat ng UP (yeah!)
2. madami kang natutunan sa chem, pero mas madami kang natutunan sa LIFE :D
3. ang class ay binubuo ng lahat ng klase ng tao. may freshies at oldies (haha!), may mga single, taken at married, ibat' ibang colleges at kung ano ano pa.
4. first impressions DEFINITELY never last. right?
5. may mga loveteams na nabuo. yiheee~
6. computerized dapat ang postlab. nakakadugo ng everything ang kakatype ng equations na punong puno ng subscripts at superscripts.
7. minsan naman walang postlab, basta (uy secret!)
8. kung depressed ka and you need a friend (or a tool), tawagin mo lang si ano (hahaha!)
9. may mga taong high ang entropy! pwedeng choco ube, punongkahoy or summery-citrus.
10. crush ni ________ si ally at si _________ naman si carlo.
11. merong mga taong twenty nine na pala pero hindi halata. (uuy nakangiti na yan~)
12. magaling magimpersonate si (pastor) Gino. soooper. as in 500 yoke of oxen.
13. kahit tumayo ka lang sa harap ni anna, tatawa na sya for 30 minutes.
14. highest na, social pa! yan si sister chinee.
15. isang araw may 'mystery guy' na nagsit-in sa lec at nagtatanong kung may possibility na mag split-up ang nucleus if it gets too excited.
16. sa last day ng class ay sinurprise ni ano si ano :D may mga nagselos kaya? hmm..
17. "Hi girls!" ang famous line ni RA.
18. may unggoy at zebra sa village nila carlo. promise.
19. masarap ang pagkain sa ate Fe's.
20. official meeting place na ang Ipil.
21. madaming artista sa class. andyan si Mar rivera, Ara mina, Renz verano, Carlo maceda, Gino padilla, B. Allyson, Glynel mercado at Yanie curtis :P
22. huwag mong sisirain ang mga plants or papatayin ang mga insects. baka boyfriend yun ni ano. HAHA!
23. marlboro lang ang yosi dati ng mga tao, pero tinuruan kami ni mayamang ally ng dunhill. kaya ngayon, "Marlboro? Ew."
24. precious ang "trunks pic" ni RA. madami nang 'papuri' ang naani ng picture na yon.
25. pag inipon mo ang pakalatkalat mong pera, aabot ito ng 700. (yaman eh!)
26. hindi ready si nikki nung sumama sya sa mimosa. wala syang shampoo, sabon, etc., pero may dala syang dalawang pares ng two-piece.
27. official bahay ang Burgundy place unit 605. required na makalat ang kwarto bago umalis. (Go papa ally!)
28. kulang pa sa evolution ang boyfriend ni ano. tttrrrrrrrrrr~ (yuck ansama :P)
29. masugid manligaw si migz. (go go go!)
30. deadly ang gin-sumthing mix ni ate lai. literal.
31. pwedeng chaser ng vodka ang okra. (hahahaha!) sa susunod na yung gin-talong at beer-ampalaya.
32. madrama ang rainbow's end album. pero that's it, DRAMA OVER! :D
33. gusto mo ng adobo! basta gusto mo ng adobo! XP
34. may mga 'bobong' boyfriend. (haha! go mar!)
35. sobrang sarap ni ara gumawa ng blueberry cheesecake.
36. may mga kasabihang "go lang ng go!", "keep going!", "I have it!" at ang mga word-for-the-day na Excelsior, Dense, at Always.
37. kahit magisip pa ng ibang venue, sa sarah's ka parin babagsak. or kela ally.
38. umiyak si ano dahil kay ano. (hay) pero tapos na yon! :)
39. masaya pumasok araw araw. you're looking forward to everyday. never a dull moment talaga!
40. kahit late ka pumasok, nakangiti paring maghe-hello si sir bry sayo.
41. hindi close si gly at yanie dati. sa kem lang sila nagkakilala. weh >_
46. kelangan mong makipagbreak para hanapin ang sarili mo (uy si ano to ah :D)
47. nagpapadala ng ibon ang BIR sa mga hindi pa nakakabayad ng tax. (hahahahahaha!)
48. hindi nagchecheck ng attendance si sir bry. isipin mo nalang, malulungkot sya kapag umabsent ka. (kunsensya mo yan)
49. Sun + Beer = Bronze. mahirap na chemical equation yan.
50. may sinulat kang crush sa bonus point. crush mo parin kaya sya ngayon? hihi *^_^*
51. masayang mag stop-dance/trip-to-jerusalem kapag alak ang kapalit ng mga upuan. (next time ulet!)
52. wag kang uuwi ng madaling araw 3days-in-a-row. wag kang sasama sa mga swimming2 na yan. baka lagyan nila ng gamot ang inumin mo at ma-rape ka! (haha!)
53. may kaklase kang na-pimp-my-ride at dalawa ang tv sa loob ng kotse.
54. meron din namang mga nangangailangan ng car wash (hahahahahaha! joke lang betz!)
55. dapat mong pakinggan mabuti ang sinasabi ni sir bago magexam at sure na sure, andun un!
56. may mga taong hindi nagnonotes pero naexempt sa exam, at meron ding hindi nag-aral pero top3 pa sa 2nd exam. wow.
57. wag kang magaaral with friends kasi siguradong babagsak lang kayo sa paglalaro ng monopoly.
58. may mga ---- na feeling artista. XD
59. nagwish ka na sana magbrownout nalang ulet para sa CS audi ulet ang exam (Aircon eh!)
60. si drei ang nagdrawing ng cartoon version ni sir sa cover ng rainbow's end. (ang cute!)
61. hindi lahat ng nakikita ay color red.
62. and last but definitely not the least, MAHAL MO ANG BUONG CLASS! MAHAL MO SI SIR BRY! diba? :)
syempre sobrang dami pa.. kayo na bahala magdagdag :D salamat sa napakasayang summer! ^_^

Sunday, May 25, 2008

I Want My Life To End

There is nothing left for me to do but write... There is nothing more that I can do to make him feel this.

When I'm hurting and hurting and hurting and hurting...

I am left with nothing...

My life going on in circles...

And it's all my fault

Everything my fault



Always the loser

Always



And tears aren't enough to get me through



I wish for the end



I want my life to end



I am always hurt



Sometimes you just don't care



About friends



Or family



Who cares?



I want this to end



I want my life to end



I am spiraling down into the dark



And the one I want to save me



Has deserted me



So who do I have left?



I've given all



I never lied



There is nothing left to lose



Please



Let this all end



Let my life end



It was all my fault



I will end what I had begun



Anyone?



Pull the trigger



Please?

Friday, May 23, 2008

1000 Oceans

Hay. Ang gulo-gulo na ng buhay ko ngayun... Kaya tuloy hindi ako makapagsulat ng matino. Kaya heto na lang, magpopost na lang ako ng lyrics... Maganda itong song na 'to...



TORI AMOS
1000 Oceans




These tears I've cried
I've cried 1000 oceans
And if it seems
I'm floating in the darkness
Well, I can't believe that I would keep
Keep you from flying
And I would cry 1000 more
If that's what it takes
To sail you home
Sail you home
Sail you home

I'M AWARE WHAT THE RULES ARE
BUT YOU KNOW THAT I WILL RUN
YOU KNOW THAT I WILL FOLLOW YOU
Over silvery hill
Through the solar field
You know that I will follow you

And if I find you
Will you still remember
Playing at trains
Or does this little blue ball
Just fade away
Over silvery hill
Through the solar field
You know that I will follow you
I'm aware what the rules are
But you know that I will run
You know that I will follow you

These tears I've cried
I've cried 1000 oceans
And if it seems
I'm floating in the darkness
WELL I CAN'T BELIEVE THAT I WILL KEEP
KEEP YOU FROM FLYING
So I will cry 1000 more
If that's what it takes
To sail you home
Sail you home
Sail you home
Sail
SAIL YOU HOME

Thursday, May 1, 2008

Ang Sagot

PAUNAWA: Para sa mga pwedeng
makakilala sa tao na tinutukoy ko dito, sana huwag kayong mag-ingay
dahil ayoko sanang guluhin pa ang buhay ko. Pinagkakatiwalaan ko ang
mga kaibigan ko dito. Aamin din ako pero hindi pa ngayon
dahil alam niyo naman na hindi pa talaga pwede. Huwag niyo sana akong
pangunahan. Gusto ko lang mailahad ang lahat ng ito dahil kailangan ko
ang aking mga kaibigan.


Paunawa
sa aking mga estudyante ngayon. Dito sa Friendster, hindi ako teacher.
Normal na tao lang din ako at nakakadama rin naman ako, kahit na hindi
man ito wasto.


Hindi
ako nagbibiro. Please. Tumahimik na lang kayo. Kung gusto niyong may
kausapin, huwag iyong hindi pa nakakaalam. AKO ang kausapin ninyo.


***


May 1, 2008
12:30pm
Sa kuwarto ko sa dorm


Ang
saya-saya. Super excited. Kabadong-kabado. Nakaupo sa kama at hawak ang
celfone. Naghihintay. Papunta na daw siya. Hindi ako mapakali. Sa buong
buhay ko, noon ko lang naranasan ang ganung pakiramdam. Papunta na daw
siya. Ilang araw ring hinintay. Ilang gabi ring iniyakan at ngayon,
ilang minuto na lang mangyayari na din.


Wala
akong ibang iniisip. Siya lang. Hindi ko naisip kung masasaktan ba ako
o hindi, Ang naisip ko lang, papunta na siya, at siya ang unang-unang
nagpapasaya sa akin nitong mga huling araw.


***
1:30pm
Sa lobby ng dorm


Nakita ko siya. Nasa labas. Hindi ko muna siya tinawag kasi kinakabahan din ako. Sign out sa log book.


"Huy!"


Nagulat siya. Halatang kinakabahan. Naalala ko pa yung text niya: "Tau lng b?"


Inisip
ko, bakit naman kaya siya kinakabahan? Ano bang gagawin namin? Ano bang
inaakala niyang gagawin ko? Siguro alam niya. Siguro.


Ang init ng araw. Sobra. Nauna ako maglakad. Hindi masyado nag-uusap dahil sa sobrang init. Nag-abang ng taxi.


Ang
tagal. Ang init. Ako ang tumatawag sa taxi. Hinayaan lang niya ako.
Naghihintay ako na siya na lang ang tumawag pero hindi niya ginawa yun.
Ayos lang naman. Ako naman ang mas matanda.


***
1:45pm
Sa taxi


Dun ako umupo sa likod. Hindi siya tumabi. Nag-isip ako. Bakit ayaw niya tumabi?


Pero
ayos lang din dahil tuloy ang pag-text ko sa mga kaibigan ko. Para
hindi niya mahalata. Heto na. Andito na siya. Huwag na akong mareklamo.
Wala naman talaga kaming gagawin.


Sinabi
niya kanina sa waiting shed na papuntahin ko daw si "Nega". Naasar ako.
Ano bang masama kung kami lang? Bakit siya kakabahan? Wala naman akong
masamang gagawin. Bakit ba siya kinakabahan nang ganun?


***
2:00pm
Somewhere


"Magyoyosi lang ako. Hindi pa ako nagyoyosi ngayong araw."


Lumayo
ako sa kanya. Ayaw niya ng usok. Pero ok lang daw naman. Naisip ko na
wala naman siyang magagawa dahil ako ang kailangan niya. Hindi niya
lang alam kung gaano ko rin hinintay ang araw na iyon. Hindi niya alam
kung ano ang ibinayad ko para lang makasama ko siya.


Tensyon. Naninibago. Konting tanungan tungkol sa gagawin namin. Naubos ang yosi at lumapit ako. Simula na.


Tinitingnan
ko siya. Lumalapit ako. Nagkakahawakan kami minsan. Nagkakatamaan.
Kinikilala ko ang taong gumulo sa buhay ko nitong nakaraang linggo.


Higop siya nang higop sa caramel frap niya. Uhaw na uhaw. Hindi pa kami nagsisimula at ubos na yung sa kanya.


Akala
ko noong una, kakabahan ako, pero kalmado pala ako. Ako naman ang
nagdadala ng sitwasyon. Tawanan nang kaunti. Hanggang mag-biruan na.
Ilang minuto lang at gumaan na din ang loob niya. Buti naman. Siguro
nawala na ang mga duda niya.


Ang likot ng mata niya. Ng ulo niya. Tingin nang tingin sa labas. Lingon nang lingon.


"Ano ba tinitingnan mo?"


"Wala."


Tatawa na lang ako.


"Huy nakikinig ka ba?" tanong ko kapag mukhang lost na siya sa ibang mundo, na nangyayari bawat limang minuto.


"Oo. Sige, next."


Sa totoo lang, puro ako tawa nun.


Narealize
ko nung panahon na iyon na tama ako. Sabi ko na, kapag gusto ko, gusto
ko talaga. Hindi ako nagkamali. Para bang may nagsasabi sa akin na tama
ang pagpili ko. Isang tingin pa lamang noon at alam ko na.


Ang
kulit niya. Nakakaloko. Para talagang bata. Magsasalita ako at sisingit
siya. Nagsusulat ako at aagawin niya ang ballpen. Kapag hindi niya
alam, sasabihin niyang hindi talaga. Hindi siya nagdadahilan. Sinabi pa
nga niyang mangongopya na lang siya bukas.


"Hindi ka ba nahihiyang sabihin iyan? Nandito kaya ako."


"Mabait ka naman eh."


Tumawa na naman ako.


Sabi
niya noong una, kailangan ko daw magpasensya dahil mabagal siya
umintindi. Pero hindi naman iyon ang napansin ko. Isang paliwanag ko
lang at kaya na naman niya. Siguro minsan, kailangang ulitin. Pero
kapag hinayaan ko na siya, kaya na niya.


Isang beses, nakuha niya yung tamang sagot.


"Yes!" sabi niya, sabay power-up ng bisig.


Napangiti na lang ako.


"Kaya pa?" tanong ko.


Tumango siya.


"Sige, yung mahirap naman."


"Sandali lang, yosi muna ako."


Kinuha niya ang libro at hindi na mapakali.


"Sandali lang nga. Break muna ako." Nagsindi ako ng yosi.


Kinuha niya yung lighter ko at pinaglaruan.


"Uy blue flame!" sabi niya.


"O, baka picturean mo na naman iyan ha."


Nagsimula na akong magsalita ulit. Nagsusulat. Ilang segundo lang...


"Ano ba, huwag mong sunugin yang papel!"


Titigil siya. Ilang segundo lang, susunugin ulit ang papel...


"Akin na nga iyang lighter. Mag-focus ka kasi..."


Itinago ko ang lighter ko sa bag. Kunya-kunyaring galit pero sa loob-loob ko tuwang-tuwa ako sa kanya.


***
4:00pm
Somewhere


Nagligpit na siya nang gamit.


"Ayoko na, pagod na ako. Wala nang pumapasok."


"Sige, hintayin na lang natin si Nega."


Heto na. Sabi ko. Dito na magkaka-alaman.


Kaya nag-usap kami.


"Ikaw, kamusta ka naman?"


"Ha?"


"Kamusta ka?"


"Heto..."


Nalaman
ko ang mga pangarap niya. Na gusto niyang maging ganito. Na gusto
niyang magtayo ng ganito. Yun daw ang ipapang-suporta niya sa pamilya
niya balang-araw.


"Para sa pamilya ko," sabi niya. "Ikaw, pwede ka pa rin namang magkapamilya kung gusto mo."


Hindi
ako sumagot. Nakakatawa pero nalungkot ako nung sinabi niya yun. Hindi
pala ako kasama sa kinabukasan niya. Malamang hindi naman talaga dapat.
Pero naramdaman kong wala akong puwesto sa buhay niya.


"Ano naman ipapangalan mo sa itatayo mong restaurant?"


"Rainbow's End"


Pinigil ko na lang na mapaluha.


"Bakit mo pa kasi pinapaalala yan? Nalulungkot tuloy ako..."


Maya-maya...


"Kayo pa ba ng boyfriend mo?"


"Hindi na nga."


Katahimikan.


***


"Bakit ba kasi hindi ka sumasama sa amin?"


At
iyon nagpaliwanag siya. At habang nagsasalita siya, nakita ko sa kanya
ang sarili ko. Naramdaman ko na may parte ng aming mga pagkatao na
pareho kami. Naramdaman ko na isa siya sa mga taong makakaintindi sa
akin.


Kagaya ko siya.


Pero mas magaling pa siya sa akin.


Akala
ko noon, kapag nakilala ko na siya, mawawala din ang pakiramdam kong
ito. Na kapag nakilala ko na siya, matatawa na lang ako at maiisip kong
hindi kami bagay.


Pero hindi...


Hindi ganun.


Nalaman
ko na kahit mas bata pa siya sa akin, marami na rin siyang alam. Na
kaya kong makipag-usap sa kanya ng mga malalalim na bagay at
maiintindihan niya. Na kaya niyang tumanggi kung yun talaga ang
nararamdaman niya. Nalaman ko na totoo siya. Na simple ang buhay niya.
Na parang bata siya kumilos pero marami siyang alam. Nalaman ko na
malalim siya at magkakaintindihan kami. Hindi lang lalim ng utak. Lalim
ng puso. Isa siya sa mga taong akala mo ay mababasa mo lang sa mga
libro.


Siya
yung tao na mas marami ang kayang gawin kaysa sa akin. Siya yung taong
kayang mag-liwaliw at matauhan pagkatapos. Yung tipong maghahagilap ako
para sa oras niya sa dami ng ginagawa niya. Siya yung tao na magtuturo
sa akin ng mga bagay na hindi ko kayang gawin. Siya yung tao na
magpapamukha sa akin na wala akong buhay. Siya yun. Hinahangaan ko
siya. Tinatanggap kong mas mataas siya kaysa sa akin. Siya yung taong
NAKAKADAMA at hindi lang PURO UTAK! Siya yung tao na tinatrato ako
bilang kapantay. Bilang katapat. Kahit na limang taon ang tanda ko sa
kanya.


PUTANG-INA! SIYA ANG GUSTO KO!


Pero narealize ko na wala akong puwesto sa puso niya. Na planado na ang lahat para sa kanya.


Oo gusto ko siya.


Gustong-gusto ko.


Pero alam ko na masisira ko ang buhay niya kapag ipinagpilitan ko ang sarili ko.


Masisira ko yung "innocence" niya.


Na sa sobrang paghanga ko sa kanya, naisip kong hayaan na lang siya. Na hindi nararapat sa kanya ang isang taong kagaya ko.


Dumilim ang langit. Kumulog. Nagulat siya nung kumidlat at napatingin sa langit.


"Ang weird naman ng panahon, summer tapos uulan," sabi ko.


"Para mag-emote ka"


Hindi ko lang ipinapakita sa kanya pero nakalabas na ang puso ko.


"May alam akong song. Ipaparinig ko sa iyo kapag patapos na ang sem," sabi niya.


"Ano iyon? Sabihin mo na para maisali ko sa album"


Ayaw niya sabihin nung una.


"Alam mo yung "Keep Holding On?" tinanong na rin niya.


"Avril Lavigne?"


Hindi siya sigurado. Maya-maya...


"Ah oo. Avril Lavigne nga."


"Oo. Alam ko iyon. Avril Lavigne pa! Fan ako nun. Actually iniisip ko nga kung isasama ko yun sa album eh."


Pinatugtog niya yung song. Nabigla ako kasi marami rin namang tao dun. Nilakasan pa niya.


"May ibibigay ako sa iyo pagtapos ng sem. Maiiyak ka," sabi niya.


"Ano yun?"


"Hindi mo ba napapansin, pinipicturean ka namin sa class."


"Ah. Hindi masyado."


Tuloy
pa rin ang musika niya. May isang song, "Say Goodbye" ng S Club 7.
Dinidictate pa niya sa akin ang lyrics. Wala siyang pakialam kahit na
lumilingon na yung ibang mga tao.


"Pinapa-emote nga kita eh..."


Hindi ako sumagot. Umuulan na.


"Gusto ko maalala mo ako na ako yung nagpaiyak sa iyo..."


PUTANG-INA KUNG ALAM MO LANG!!!! NAGAWA MO NA IYON AT PAPATINDIHIN MO PA!

***
5:30pm
Somewhere


Mag-isa na lang ako. Nagyoyosi.


Nag-iisip. Nakikinig sa "Keep Holding On" na ipina-bluetooth ko sa kanya.


Iniisip ko yung sinabi niya kanina:


"Alam mo, ang pangarap ko, yung maging selfless"


"Selfless? Ano yun? Paano ba talaga yun?"


"Yung hindi mo na iniisip yung sarili mo... Parang service... Pero hindi ko pa rin magawa hanggang ngayon eh... Kasi..."


Nalungkot siya.


"Siguro,"
sabi ko, "kailangan mo muna maging selfish nago ka maging selfless para
maranasan mo na muna yun. Parang ako, bago ako mag-settle down,
kailangan ko na muna dumaan dito. Para kapag ready na ako, ready na
talaga ako..."


Hindi na siya sumagot.


***
9:00pm
Computer shop


Nag-iisip ako.


Ngayon lang ako nakakita ng tao na kagaya niya. Wala pa akong hinahangaan na tao na kasing taas ng paghanga ko sa kanya.


Nakakatawa
pero pakiramdam ko parang... Parang may konek kami. Pakiramdam ko na
may itinatago siyang kadiliman na alam ko at kaya ko sanang punan...
Lahat na lang ng gawin niya, o sabihin niya, nakakatuwa para sa akin.
Siya na nga ang hinahahanap ko. Alam ko. ALAM KO, SIYA NGA ANG HINAHANAP KO


Pero...


Pero bakit ngayon na nakakilala ako ng taong gusto ko talaga, saka pa ako mapanghihinaan ng loob...


Hindi ko kayang sirain ang buhay niya. Ang paniniwala niya...


Gusto
ko siyang makilala. Gusto ko siyang pasayahin kasi sabi niya
nalulungkot siya parati... Gusto ko siyang alagaan... Ewan ko ba.
Ngayon ko lang naramdaman 'to sa buhay ko...


Pero pakiramdam ko, kailangan ko siyang pakawalan...


Para din sa ikabubuti niya...


Putang-ina...


Ganito ba ang pagiging selfless?

***
SAY GOODBYE
S Club 7

Sometimes goodbye, though it hurts in your heart,
is the only way for destiny
Sometimes goodbye, though it hurts,
is the only way now for you and me
Though it's the hardest thing to say
I'll miss your love in every way
So say goodbye
But don't you cry
'Cause true love never dies




   

Sunday, April 27, 2008

Kung Naghahanap Ka ng Latest

...ay wala kang mapapala kung babantayan mo ang blog ko dito sa Friendster. Nasa Multiply na lahat. At hindi mo mababasa yun unless... well, alam mo na

Sunday, April 20, 2008

Heroes & Thieves

Well, disaster it strikes on a daily basis
I'm looking for wisdom in all the wrong places
But still want to laugh in disappointed faces
But you can't help me
I'm blinded by these


Heroes and thieves at my door
I can't seem to tell them apart anymore
Just when I've figured it out
Well darlin' it's you I'm without


Well I'm stubborn and wrong
But at least I know it


I keep moving along until I can get through this
But maybe this song is the best I can do it
So I'm patiently waiting on these


Heroes and thieves at my door
I can't seem to tell them apart anymore
Just when I've figured it out
Well darlin' it's you
Darlin' it's you oh,
Darlin' it's you


I'm without your comforting logic


Like these days are the ones I'll miss
And I see a solitude that I can't find without you



Well, it seems like I'm getting closer somehow
A flicker of peace that I've finally found
Thank you for believing in me now
'Cause I do need it


Well, give me a year or two
And I'll mend my ways and see these mistakes and
When I see the truth
Well, darlin' trust me
When I can't see
I'll be coming back


I'll be coming back to you


These heroes and thieves at my door
I can't seem to tell them apart anymore
Just when I've figured it out
Well, darlin' it's you
Darlin' it's you
Oh, darling it's you I'm without


***


by Vanessa Carlton

Monday, April 7, 2008

Electrique Turns to Fantasy for the Upcoming 11th Album, 'Rainbow's End'

After the very successful (wow sino nagsabi?)
launch of Electrique's tenth album, "The Ice", music-album-compilation
fanatic Mr. Aldasiel now turns his attention to the upcoming summer
album. Here's a sneak preview on the reviews about "The Ice" as well as
snippets on Electrique's eleventh offering!




Q: Congratulations on your launch!




A: Thank you very much Q!




Q: I've heard rave reviews about the launch. It was so much fun (daw)! But how was the reception of the album itself?




A: Good enough. The response wasn't as many as those I received for
"Light", but they were good enough criticisms. Honestly, I didn't
expect much for "The Ice" since it was a fun-fun album and I know that
there are few pop music fans remaining in this world.




Q: So does it mean that it wasn't good enough for your standards?




A: No. But one problem about it is that it sounds rather unsure. It's
not a pure dance album, but it can't be considered a non-dance album
either. Well, it was my first attempt at a dance album so I cannot
blame myself if I ended up in the middle...




Q: There are rumors that the next album will be another dance album
called "0 K (Zero Kelvin)". Is that true? Your albums are getting
colder and colder!




A: No. I will not be doing another dance album this summer. Perhaps my
12th or 13th one. But this time, I assure my listeners that this future dance album will be more daring and danceable than "The Ice" was.




Q: There are also rumors that your 11th album will be the last one.
Your first album was called "Eleven" and some say that it dictates how
many albums you will produce. Also, I've heard that financial
constraints are becoming too hard to bear. Is there truth in that?




A: This will not be my last album (cheers from all over the universe were heard) but it may be my second to the last (millions of people jumped to their deaths upon hearing this).




Q: Umm... What did your listeners say about "The Ice"?




A: Those that replied liked it. I only wonder what those who kept
silent felt about it. One of my critics told me that she liked how I
arranged the songs - that I took songs from random sources and somehow
made it whole. I'm very happy she noticed that. It took me at least ten
trials before the final lineup.




Q: What were their favorites?




A: Those they mentioned include the album's carrier single Britney
Spears's "Break the Ice", A-Teens's "Closer to Perfection", Spice
Girls's "Never Give Up on the Good Times", Ace of Base's "The Sign",
and Ne-Yo's "Can We Chill". My critic positively went mad over Kylie
Minogue's "All I See". The latter is probably my favorite song in the
album as well.




Q: You've gone ethereal on "Reason" and jumpy on "The Ice". How do you
plan to reconcile these two albums for your greatest hits album this
summer?




A: Yes, I am faced again with difficulties. The past two albums do not
sound anything alike at all. In fact, they can be placed in opposite
sides of the musical spectrum. But then, after a lot of thinking on the
two, I figured out that they still have one thing in common.




Q: And that is?




A: Dreams.




Q: Dreams?




A: Yes. "Reason" is about a dream lost while "The Ice" is about a dream
come true. And aside from the similarity in theme, that dreamy or
magical sound can connect the two.




Q: Oh, I see. So are we expecting Enya and the likes for this summer album?




A: I don't know about Enya but I'm currently doing research on songs
with a "dreamy" feel. I'm looking on J-pop and fantasy movie
soundtracks at present. It will be a fantastic album this summer!




Q: Wow, that's a new idea. Will it be a happy album?




A: Not all the way, but listeners can expect a happy ending for this one.




Q: So Electrique is again up and running for this album?




A: Yup. The release date for this album is only a month away. I really
want to do well on this one. I don't want another "Forca"...




Q: "Forca" wasn't that bad.




A: But it is one of my worst albums.




Q: Do you have a working title for this 11th album?




A: "Rainbow's End"




***




"Rainbow's End" is to be released on May 2008. Electrique is currently
accepting song suggestions for this album. The theme is: magical.