Wow grabe, 50th entry ko na to sa blog ko! Naka-average ako ng about 8 blogs for the past six months. May makakatalo pa ba sa akin? Nagsimula ako mag-blog nung October last year. Yung unang entry ko pa nga "Excelsior" ung title. Wala lang...
For a change, hindi muna ako magpapaka-coño sa pag-eenglish. Hoy teka lang ha, huwag nyo namang sabihin na ang trying-hard ko sa pag-Eenglish. E kasi, ganun talaga ako pag seryosong bagay ang pinag-uusapan. Mas sanay ako na English ang gamitin. Kahit sa written journal ko, o kapag nagtetext ng seryosong bagay... Sabi ko nga sa iba, kunyari mananakawan ako, ang una kong masasabi ay - "Hey, that's mine!" At siguro hindi yun maiintindihan ng magnanakaw kaya tuloy lang sya sa pagtakbo. Unless UP student ung magnanakaw (kagaya nung kumuha ng celfone ko, putang ina mo! Kapag naging student kita, hindi ka na makakalabas ng classroom nang buhay. Kulong na kung kulong!)
Un din pala. Minsan, iniisip ko na may tendency akong pumatay ng tao. Kasi sa totoo lang, may pagka-violent talaga ako kahit nung bata pa. Kaya nga siguro nabaliw ung kapatid ko sa kakapukpok ko sa ulo nya nung bata pa kami. Masama ako noon e. Ay, hanggang ngayon din pala. Di ba kaya ko ngang pumatay ng tao?
May pagka-morbid ako. Naisip ko na kung paano papasok ung knife ko sa katawan ng papatayin ko. Kung paano tatalsik ang dugo. Kung paano siya sisigaw at lalaban, at kung paano ako tatawa dahil wala na syang kawala. Minsan, kung baril ang nais kong gamitin na weapon, naiisip ko kung paano tatagos ang bala sa katawan nila. Kung paano na lang silang biglang mamamatay at makikita ko ang kanilang mga huling facial expressions. Pero mas preferred ko ang knives kasi mas makalat at madugo.
Alam niyo, isa siguro sa mga unconscious (o conscious since nasabi ko na dito) ambitions ko ay ang magkaroon ng power. Kapangyarihan. Control. Magic. Para mas madami akong magawa sa mundo na 'to. Kung gusto kong tapusin ang buhay ni ganito, e di sige. Kung ayaw kong pumasok e di walang pasok. Kung gusto kong saktan ka, e di sasaktan kita! Hwahahaha! Pero un ay kung bad mood lang ako. Kung good mood, bibigyan ko lahat ng ice cream ang friends ko. Kahit lahat ng tao pa. O kaya pwede ding bigyan ko kayo ng orgasms! Multiple orgasms para sa lahat! Hehehe...
Bakit nga ba ako nag-blog ngayon? Kakabasa ko lang kasi sa comment ni Ching dun sa "My Speech", tapos nasabi nya na, un nga, ang drama ko daw. Well, totoo naman un. Hindi ko idedeny. Alam ko minsan, ung iba sa inyo, pag nabasa ang iba kong blog entries, naiinis lang or naaasar. Kasi parang wala na akong masabi kundi kalungkutan at kahibangan. E anong magagawa ko kung minsan talaga madrama ako?
At least, hindi naman ako palaging nagdradrama. Most of the time lang sa blog. Kasi ganito un, kailan ka ba naghahanap ng outlet? Kailan ka ba nasasaktan na parang kailangan mo na ng karamay? Hindi ba kapag malungkot ka? Iyon ang dahilan kaya karamihan sa mga entries ko dito ay puro duguan at luhaan ang laman. Ayoko naman magblog na wala namang nilalaman ang sinulat ko. At hindi naman ako nagbloblog para lang magpapansin sa inyo no. Excuse me.
Minsan nga kung napapaisip ako na bakit ang lungkot ko, naiisip ko din kung bakit ko tinatanong kung bakit ang lungkot ko. Kasi for one thing, ang dami ko nang friends - lahat ng former students ko. Andyan si Chiyo, na ang tiyaga at walang reklamo sa isang monster na katulad ko. Kung baga sa SIms, ok naman ang "Social", "Fun", at "Comfort" bar ko. E paano ung iba? (Quick, change topic!)
Grabe ang weird naman ng summer ngayon. Umuulan pare! Wow tsong! Paano kung nasa beach ako ngayon tapos umulan. Aba'y putang ina nag-beach pa ko. Sayang naman ang aking get-up man! (Na-discover ko na ang aking latest talent - ang mag change topic.)
Okay, seryoso na nga. 'Di ba, kung tutuusin, madami akong dahilan para magsaya. Basahin mo pa lang ung mga messages ng students ko, feeling mo pwede ka nang mamatay sa fulfillment. Pero ganun kasi talaga ang tao, hinahanap niya lagi ang wala siya. (Hmmm.. so ang conclusion ba nito ay tao ako? Matutuwa ba ako or hindi? Kasing level ko lang ba kayo...?! Hehehe. Matutuwa ba kayo or hindi?)
Lahat tayo naghahanap ng kasiyahan. Looking for happiness (if ever binabasa ni Fauve ang aking blog, at least may maiintindihan siya kahit paano). Or lahat nga ba? Baka marefute ang aking careless assumption. Ako, most of the time lang na looking for happiness. May pagka-masochistic nga din ako.
E ano ngayon kung pinag-uusapan natin ang kasiyahan dito? Anong connect? Wala lang. Gusto ko lang naman sabihin sa inyo na hindi lang ako puro drama. Na may mga moments na hindi ako umaakyat sa rooftop para magdrama. May mga moments din na umaakyat ako dun para i-appreciate ang view. Maramdaman ang lamig ng hangin. Or simply makipagkwentuhan lang sa mga kasama ko sa rooftop. At syempre lahat iyon habang nagyoyosi.
Masaya din ang buhay ko. Kahit papaano. Alam mo kung bakit? Kasi nandito ka, binabasa mo ang blog ko. (Shit ang drama na naman!) Hehehe. Actually hindi talaga iyon ang dahilan. Bakit ako masaya? Kasi masaya lang talaga ako minsan. Hindi ko na kailangang i-analyze pa!
Quote: "Kung may lungkot, may ligaya", sabi ni Tita Anne ko nung naglayas ako. Nung wala na akong mapuntahan... Ooops, that is a story for another blog entry. Mag-abang ka na lang! Kitams, ang saya ko ngayon no? Sana sumaya ka din kahit papaano sa pagbasa ng blog entry ko na to.