Wednesday, June 27, 2012

Idol Ko Si Holden Caulfield (Bakit, May Angal Ka?)

Nakaka-sulasok na minsan. Nakaka-irita. Nakaka-imbyerna dahil heto na naman ako. Madalas naman, alam ko ang mga posibleng mga reaksyon ng mga taong nakakabasa ng mga ihinahayag ko. Pero hindi ko din maipaliwanag nang matino kung bakit. Ang masasabi ko lang ay ganito lang talaga ako. Kailangan ko lang talagang mailabas ang mga ito. Parang tae lang. Kailangan ko lang talagang tumae minsan.

Minsan dumarating lang talaga ako sa puntong pakiramdam ko ay nagpupumiglas mula sa akin ang espiritu ng kaartehan. Gustong kumawala ang frustrated na artist an hindi ko inakalang meron ako in the first place. Frustrated writer. Frustrated producer. Frustrated director. Frustrated photographer. Frustrated philosopher.

Nakakasuka na. Minsan ayoko na din talaga. Pero kusa naman siyang dumarating at kung hindi ko siya ilalabas ay mawawalan ako ng bait. Kailangan ko itong i-tae. Paunti-unti.

Na-iirita ako dahil madalas akong nagmumukhang vainglorious cyber bastard without meaning to be one. Gusto ko sabihing hindi porke't sobrang aware ako sa sarili ko at sobrang acute ng perception ko minsan sa bawat detalye ng feelings ko ay sobrang egocentric ko na. Well, baka nga. At pawang pag-jujustify lang ang buong walang kwentang blog na ito. Malay ko. Wala naman akong pakialam dun. At dahil din sa kamanghaan ko sa mga ganitong bagay ay ninanais ko silang ibahagi. Para lang may nakita akong rainbow tapos sinasabi ko lang na "Uy amazing o, tingnan niyo." Ang punto ay ang rainbow. Hindi ako, bilang nakakita ng rainbow.

Minsan, as in, gusto ko nang maging anonymous. Dahil kasi nakukulayan na masyado lahat nang sabihin ko dahil lang ako ang nagsabi. Bago ko pa ibuka ang bibig ko, yung iba, may judgment na agad. Naiintindihan ko naman. Sa tingin ko lang mas magiging effective siguro akong catalyst kung hindi alam ng mga nakakarinig sa akin na ako ang nagsasalita. Para hindi na naman nila isiping kabastusan na naman iyan. Ka-emohan. Kawalang galang sa diyos. Or just plain ol' bullshit.

Nakakapagod maging ganito. Nakakapagod maging self-proclaimed hero of real life. Kung pwede lang ikimkim lahat nang natutunan ko sa akin lang at hayaan ko kayong magkadausdos sa mga pagkakamaling mapipigilan ko sana. Kung puwede lang akong maging truly selfish minsan, yung walang pakialam talaga sa world, siguro gagawin ko yun. Pero hindi eh. Parang ganito na talaga ako.

"Oo!" narinig ko ang paghuhumiyaw ng iba. "Oo manahimik ka nang gago ka!" salmo ng iba. Pero puta parang hindi ko kasi kaya. As in. Siguro kailangan mong sumapi sa akin para maintindihan mo ang kalagayan ko. Kailangan ko ito. Hindi lang ito kaartehan. Hindi lang ito pagpapakitang-tao.

Argh! Hindi ko alam! Nakaka-bwisit. Nakakapagod. Para lang 'tong klase eh. Sobrang na-strestress ako sa mga students ko. Kasi masyado akong nag-aalala kapag mabababa grades nila. E kung pwede naman akong magwalang pakialam sana. Yung walang emotional na hugot.

Pwe! Walang kuwenta. Nakaka-sulasok at sinayang ko lang ang oras mo sa pagbasa nito. Oo alam ko, ang sarap ko sapakin minsan. At ginagawa ko yun like now na, figuratively.

Sana minsan wala na lang akong pakiramdam. Sana minsan wala na lang akong pakialam.

Nakakapagod. Nakakapagod kasi.



No comments:

Post a Comment