Wednesday, April 13, 2011

Ang Love Affair (ng mga Tanga)

April 27, 2008

Dear Caramel,
Kaya hayun, change status ako sa friendster... Hindi mo lang alam, para sa iyo yun. Hindi mo lang alam, isinugal ko ang lahat para lang makasama ka. Hindi mo naman ako gusto eh. Alam ko naman yun. Isinugal ko ang lahat sa isang salita. Sa "maybe" na sinabi mo sa akin isang linggo na ang nakakaraan.
Sa "maybe" na sinabi mo nung sinabi ko sa iyo na gusto kong may sumagip sa akin.
Ang bilis nga ng mga pangyayari. Isang linggo lang ang lumipas at heto na agad ang mga nangyari. Break na kami. Naka isang timba na ako ng luha. Naka isang daang yosi na ako. Ilang galon din ng kape at beer. Nakagawa ka ng isang mortal na kaaway na hindi mo kilala. At ikaw, ano na ang nangyari sa iyo simula noon? Wala ka naman. Tago ka lang nang tago. Cancel lang nang cancel. Todo effort ako, maayos na ang usapan tapos biglang mang-iiwan ka. Tapos magpaparinig ka pa na gusto mo na talaga akong iwanan. As in for good. Gago ka ba?
Kapag malungkot ako, tatanungin mo pa ba kung bakit?
Samantalang ako, tuloy pa rin ang asa. Tuloy pa rin. Lalo na ngayon. Isang minuto, okay ka. Tapos bigla akong iiwanan sa ere. Bakit mo ba ako kailangang pahirapan nang ganito?
Masisisi mo ba ako kung kumakatok pa rin ako sa pintuan mo? Ano pa ba kasing magagawa ko? Talo na ako eh. Alam ko na yun di ba? Dati pa. Noong una ko pang pinasok 'to. Yung mga kaibigan ko, pinapalakas lang nila ang loob ko. Pero alam ko na alam nila na wala na talaga akong pag-asa sa iyo lalo na't kung anu-anong mga katangahan din ang pinaggagawa mo nitong huli. Ano pa nga bang magagawa ko kung hindi kumatok muli? Nandito na ako eh. Nakatawid na ako.
Huwag kang magulo.
Kapag nalaman kong ginagaya mo ang ginawa ni Natalie Portman sa "The Other Boleyn Girl"... Hay nako. Matutuwa ako. Magaling din ako makipaglaro. Mag-ingat ka.
Pero bilisan mo. Hinahabol ako ng boyfriend ko. Ayokong bumalik sa kanya nang walang pinatunguhan ang lahat ng luha ko para sa iyo.
Kung alam mo lang, Caramel. Huwag ka na kasi magpakatanga. Do I have to spell it O. U. T. for you?
Huwag kang dense. Hindi malaki ang hinihingi ko sa iyo. Konti lang. Sumama ka lang at masaya na ako. At kung bibigyan mo ako ng pagkakataon, ako mismo ang magdadala sa iyo sa langit.
Alam mo, kung itutuloy mo lang ang ginagawa mong ito sa akin, mas mahuhulog lang ako niyan eh. Kaya kung ayaw mo, harapin mo ako. Huwag kang magtago dahil mahilig ako manghabol. It's for your own good.

Nagmamahal,
Bigas, este Bryan

P. S.
Alam mo pareho tayong tanga. Pero kapag umalis ako, hahanap-hanapin mo din akong gago ka. Magpakatotoo ka na kasi. Huwag kang magtago sa maliit na librong dala-dala mo. Alam ko ang totoo. Alam nilang lahat.
Pero sa totoo lang, nagagalit na ako sa iyo. Mag-ingat ka. Magtino ko na kasi, kahit isang beses lang para matapos na 'to kung dapat ba itong tapusin.
BAKIT PA BA AKO NARITO?
Simple lang ang sagot. Ikaw ang nagpapasaya sa akin eh. Ikaw lang.

No comments:

Post a Comment