May 10, 2008
Ang dali sanang tumalon mula sa 6th floor condo unit ni Ally. Ang dali sanang lumipad para matapos na ang lahat ng kaguluhang ito. Tamag-tama kasi lasing ako. Tamang-tama kasi sabog ako. Hindi niya ako tinetext at hindi siya makakapunta - sapat na dahilan para lumipad. Nakakaakit ang mga anino ng mga puno sa baba. Parang tinatatwag nila ako na pumunta na sa dilim para sumaya na ako nang tuluyan. Madali lang naman sana kasi ako lang mag-isa sa balcony.
Ang gulo ng buhay ko ngayon. Ang gulo-gulo ko. Hindi na nga ako makapagtrabaho nang matino. Napabayaan ko na ang career ko sa chemistry dahil hindi ko naasikaso ang mga papeles ko para makapag-PhD, ang aking tax problem, ang dorm renewal. Hindi ako makapag-check ng formal reports.HIndi na nga ako kumakain kasi wala talaga akong gana. Sinasabi ko lang na wala akong panahon dahil 10 to 5 araw-araw ang sked ko pero palusot lang iyon. Ayoko lang talaga. Nahihilo na kasi ako.
Pag-uwi ko sa dorm, derecho higa sa kama. Walang ginagawa. Nakatunganga lang. Maraming dapat asikasuhin pero hindi ko kaya pang kumilos. Makikinig lang ako ng musika, lalo na yung mga isasali ko sa "Rainbow's End." Kapag tumugtog na si Sarah McLachlan o si Damien Rice, mararamdaman ko na lang na basa na naman yung unan ko. Mamayang hatinggabi o madaling araw tatawagin na naman ako ng dilim kaya lalabas ako ng dorm para humithit muna ng sigarilyo.
Wala nang mas gaganda pa sa pagtaas ng usok ng yosi papunta sa langit, lalo na kapag gabi. Yung mga swirls and spirals na naiilawan ng dilaw na ilaw ng poste sa labas ng dorm. Ang ganda. Nakakaiyak pagmasdan lalo na't kasaliw ang magandang musika.
Kanina magkasama kami ng ex-boyfriend ko. Nagkita kami ng alas-3 ng umaga. Lasing ako. Puyat siya. Sinagip niya ako sa sarili ko nang ilang oras. Sa wakas, may sumagip din sa akin. Matatapos na din ang lahat. Babalik na din ang nawala kong pag-ibig para sa kanya.
Pero hindi pala. Nagkamali ako. Kasi hindi ko pa mapaalis ang bagong taong nakatira ngayon sa puso ko.
Putang-ina
Putang-ina talaga.
Napapamura na lang ako sa sakit at sa sarap ng mga pinaparamdam sa akin ng tao na ito ngayon.
Simula ng magkita kami nung Labor Day, nasundan pa ang aming mga pag-uusap. Langhiya, tinamaan talaga yata ako ngayon. Nagsuot pa nga ako ng dilaw na gumamela sa tenga ko nung isang araw para lang mapansin niya ako.
Putang-ina nabaliw na yata ako.
Tapos ngayon hindi niya ako tinetext.
Anyway, bawat araw na lang mas nahuhulog ako sa kanya. Bawat araw na kaming dalawa lang ang magkasama, mas nakikilala ko siya nang husto. Malabo pa rin. Walang kalinawan kung ano ba siya talaga at kung may pag-asa ba ako sa kanya. Minsan, pakiramdam ko alam na niya. Minsan pakiramdam ko may ipinapahiwatig siya.
Pero alam niyo, putang-ina ang pagkasarap ng pakiramdam kapag kasama ko siya. Yung tipong kaya ko nang mamatay basta andun lang siya. Ang sarap niya kasi kausap. Yung parang ang pakiramdam ko ay kung ano ang kulang ko, meron siya nun.
Kapag mag-isa na ako, putang-ina naman ang sakit. Kasi naiisip ko na hindi pa talaga siya handa sa ganitong klase ng relasyon. At sinasabi pa niya na masaya na naman siya na single. Gumuho yung pangarap kong sagipin siya at dalahin sa langit. Kasi parang andun na naman siya ngayon. Hindi ko matanggap yun. Pakiramdam ko may itinatago siya. Kung papaniwalaan ko yun, para saan na lang ang pag-iwan ko sa boyfriend ko? Saan ako lulugar ngayon? Ibig sabihin ba walang silbi ang hirap na idinulot ko sa sarili ko?
Aba putang-ina
Hindi ko matatanggap iyan. Ang layo na nang narating ko. Ginusto kong maging malapit sa kanya at nagawa ko nga iyon. Bakit hindi ko pa ituloy-tuloy? May mawawala pa ba sa akin e ibinigay ko na nga ang lahat para sa kanya?
***
"Bakit ako?"
"Bakit hindi?" ang sagot niya.
***
Kanina, habang nanonood kami ng "Ploning"...
"Sabihin mo sa akin Bryan," sabi ng boyfriend ko. "Sabihin mo sa akin na ayaw mo na sa akin dahil mas gusto mo si ***. Ikaw ang makipag-break..."
Nung una, hindi ko kaya. Kasi...
Kasi...
Maya-maya nasabi ko na rin.
"Break na tayo... kasi mas gusto ko si ***."
Naiwan ako sa sinehan na mag-isa.
***
At ngayon hindi sumasagot si ***...
Sino ngayon ang naiwan na mag-isa?
Sino na naman ang talo at tanga?
"I WILL LEAVE THIS MAN JUST TO OCCUPY ONE MINUTE OF YOUR TIME"
-Ingrid Michaelson "Corner of Your Heart"
Hayun.
Iniwan ko nga.

No comments:
Post a Comment