Kakapanood ko lang ng videos na kinuha ko noong nagpunta tayo sa Bigoli sa Annex at Razon's sa Technohub. At nalaman kong naging bulag pala ako. Akala ko noon, ayos pa tayo. Pero nakita ko sa videos na iyon na sinusungitan mo na ako. Noon pa man. Iniisnab. Tinatarayan nang walang dahilan.
Pinaulit-ulit kong pinanood yung mga eksenang kinukuhanan kita, at nakita ko sa iyong mga mata na para ba talagang may galit ka sa akin. Malayong-malayo sa samahan natin noon. Ang bulag ko pala. Hindi ko napansin iyon. Naisip ko na kung mas malinaw lang ang pag-iisip ko noon, may karapatan talaga akong magalit din sa iyo sa pagtrato mo sa akin.
Alam mo ba iyong pakiramdam na binabalewala na walang bigla na hindi mo alam ang dahilan? Kung hindi mo alam, sana maramdaman mo iyon. Kung hindi ngayon, sa hinaharap.
Aminado ka namang ikaw ang may kasalanan. Dahil kung ano man ang ayaw mo sa akin ay hindi mo sinabi. Naiwan ako sa ere, alam mo ba iyon? Nag-iisip at nagtataka. Ilang beses ko ding hindi pinansin at inisip na wala lang iyon pero nagbago ka na talaga.
Aminado akong may panahon na hindi rin ako nakasundo ng circle of friends mo noong una. Pero noong nalaman ko na medyo may ganun na palang isyu tungkol sa akin, ginawan ko naman ng paraan. Humingi ako ng patawad. At hindi ko na inulit yung pagkakamali ko simula noon.
Natutuwa ako dahil para sa akin ay may halaga ka pa rin, otherwise, hindi ko ito maisusulat. Pero nalulungkot din ako dahil sa ngayon, wala na akong pakialam kung magka-ayos man tayo o hindi. Para bang naipon na lahat ng sakit na idinulot mo sa akin at hindi magiging ganun kadali na mawala iyon. Hindi ako gagawa ng paraan, at hindi ko sinasabing ikaw ang mauna dahil wala na nga akong pakialam.
Minsan iniisip ko na sana hindi na lang tayo naging close. Na sana nakilala muna kita ng husto. Kasi ikaw yung tipo ng tao na ayoko maging kaibigan. Yung tao na bigla na lang mang-iiwan. Bigla na lang iiwas. Kaya din iniisip ko na kung magiging magkaibigan muli tayo, alam kong hindi ka naman magbabago. Mang-iiwan ka pa din. So huwag na lang. Tapusin na ito. Ayoko na.
Siguro hindi ko sa iyo naikwento nang husto pero dalwang beses na nangyari sa akin ito. Noong una dun sa elementary classmate ko. Noong nalaman niyang may gusto ako sa kanya, iniwasan niya ako. Taon ang lumipas bago kami nagka-ayos. Yung pangalawa, yung sa student ko. Ganun din ang nangyari at taon din ang lumipas bago kami nagka-ayos. Trauma na sa akin ang ganito, kaya sana kahit papaano maintindihan mo ako dahil alam kong sasabihn mong OA ako at mali ako. Ayos lang.
Para sa akin napakahalaga ng pakikipagkaibigan. Mas mahalaga sa acads. Mas mahalaga sa personal kong oras. Kung kaya kong samahan ang kaibigan ko, sasamahan ko talaga. At pinaparamdam ko naman na mahalaga sila sa akin. Alam nila iyan. At siguro alam mo din. Kung hindi mo pa nakakalimutan.
Naaalala ko pa iyong mga panahon na kaya nating magsama na tayong dalawa lang.Yung mga moments natin sa Techno. Yung uupo lang tayo sa gitna at mag-eemo. Yung pag-dance revo natin. Mga moments with Timezone guy. Yung pumunta tayo sa Trinoma tapos sinamahan kita bumili ng damit sa Penshoppe. Yung sinamahan mo ako sa Trinoma para bumili ng brief dahil naubusan na ako. Yung mga jogging moments natin. Or minsan lakad lang. Yung pag-jajamming natin. Yung Hagikhikan na feeling natin mga artista tayo. Hay, ang dami pang iba...
At kung ano man ang nagawa kong kasalanan at umiwas ka, enough na ba iyon para kalimutan mo iyong mga masasayang pagsasama natin? Siguro may kasalanan din ako pero hindi ako deserving ng cold treatment na ginawa mo sa akin!
Masakit kasi, alam mo ba iyon? Na heto ako, nakaantabay sa iyo. Na lagi akong bumibisita at nagpapapansin sa cubicle mo dahil namimiss kita. Na umiinit ang dugo ko kapag may umaaway sa iyo. Na todo-suporta sa love life mo. Na kapag nag-text ka lang, napakasaya ko na dahil finally, naalala mo din na may kaibigan ka ding "Sir Bry" ang pangalan.
Kung magalit ka at baka sabihin ng mga tao na masama kang kaibigan, e di patunayan mo na hindi. I-jujudge ka ba nila base lang sa salita ko kung hindi naman ganun ang tingin nila sa iyo? Tinatanggap ko naman kung mali ako.
Nga pala, kung papatunayan mo, sa iba na lang. Alagaan mo yung mga kaibigan mo. Huwag mong gawin sa kanila yung ginawa mo sa akin. Huwag mo nang patunayan sa akin dahil huli na ang lahat.
Ayos lang iyon. Kung kailangan man na mawala ako sa buhay mo para lang matutunan mo ang lesson na ito about friendship, worth it naman I think. Yun na siguro yung huling magagawa ko sa iyo bilang kaibigan.
Hindi naging madali sa akin ang mga nakaraang buwan. Bukod sa pressure ko sa trabaho at acads, nahirapan din ako sa vow ko na maging single at hindi humanap ng lovelife this sem. Hindi ko inakalang daragdag ka pa pala dun. Pero heto lang masasabi ko, kung nakaya ko at kinakaya ang mga iyon, kakayanin ko din ang kawalan mo sa buhay ko.
Papatunayan ko sa iyo na kaya ko kahit wala ka.

No comments:
Post a Comment