Madalas akong kumain ng dinner sa Philcoa o sa KNL mag-isa. At dahil medyo matagal na din akong naninirahan dito sa may UP, madalas ding may makakita sa akin. Mga kaibigan ko, o kaya mga naging estudyante. Lalapit yan sila sa akin, mangangamusta. At lagi nilang tatanungin, "Bakit mag-isa ka lang?"
Lagi akong natitigilan kapag tinanong nila iyon. Laging dadako sa isipan ko na "Bakit, kailangan ba lagi akong may kasama?" bago ako makasagot. Laging kukunot ang noo ko kasi hindi ko lubusang maitindihan yung saysay ng tanong. Itataas ko lang ang balikat ko at mapapatingin sa baba na para bang iniisip ko nga din talaga kung bakit nga ba ako nag-iisa. Ang maisasagot ko lang, "Wala eh" o kaya, "Umm, dinner lang naman ah...". Mabuti na yun. Kesa naman maging emo ako at sumagot na "Hindi ko din alam..."
***
Pasakay ako ng trike nang may nakita akong gwapo. Actually, una kong nakita yung shirt niya. Ang ganda kasi. Nung lumingon siya, dun ko lang napansin na ang gwapo pala niya. Uupo sana ako sa likod ng driver pero nauna nang gumalaw yung paa ko para tabihan siya sa loob.
So ayun, magkatabi kami. Masikip sa loob at nakadikit ang braso ko sa kanya. Sinusubukan kong pakiligin ang sarili ko. Para lang maiba naman. Sinubukan kong magpadala sa kathang-isip na kunyari boyfriend ko siya. Pero lumalaban yung puso ko. Tinatanong na "Eh ano ngayon kung gwapo siya, mahal ka ba niya? Pagkatapos niyo gawin iyon, ano na?" Kaya iyon, imbis na makapag-focus ako sa kanya, napatingin na lang ako sa malayo.
***
Kakagaling ko lang sa Mercury Drug nang may nakasalubong akong mama. Tumawa ako at may sinabing salita na hindi ko na maalala ngayon. Tumawa lang ako, na para bang gusto kong ibahagi ang saya ko. Hindi ko siya tinawanan dahil nakakatawa siya o anuman. Nakalampas na ako ng ilang metro bago ko naisip na weird pala yung ginawa ko. Natakot ako sa sarili ko.
***
Gabi at nasa Philcoa overpass ako nung biglang dumaan sa harap ko yung isang tambay. Halos magbungguan na kami sa lapit niya. Nakita ko sa ngiti niya na gusto niya sana makipagkilala. Pero dumerecho lang ako sa paglalakad. "Wala eh..." naisip ko. "Wala na..."
Nakangiti na lang akong bumaba sa hagdan pero malamig ang pakiramdam ko.
***
Sa faculty room, makikipagkwentuhan ako kay Thommy tungkol sa aking crush. Itatago namin ang aming mga ngiti at hihinaan ang aming pagtawa. Pareho kaming kikiligin at i-eencourage niya ako. "Go Sir!" sasabihin niya.
Mamaya lalabas na ako sa fire escape para mag-yosi. Iisipin ko si crush habang nakikinig sa "Hummingbird Heartbeat" ni Katy Perry. Maya-maya, mawawala na lang yung ngiti ko kasi alam kong sa loob-loob ko ay nagpapanggap lang ako. Kunyari meron. Kunyari kikiligin ka nang todo. Pero ang totoo ginagawa mo lang yun lahat para lang may maramdaman ka ulit kasi parang namatay na nga talaga yung puso mo.
***
Tinanong ko ang sarili ko ngayon kung ano ang synonym ng "magmahal". Ang sagot ko ay "masaktan".
***
Senti na kung senti. Cheesy kung cheesy. Sumuka ka at wala akong pakialam. Nagpapakatotoo lang ako. Na pagsikat ng araw, sabay tayong tatawa sa sinulat kong ito. Pero sa ngayon, hahayaan ko munang umalingawngaw sa isip ko ang kantang ito:
"Wansapanataym
Sa aking buhay
Napawi ang lumbay
Napuno ng kulay..."

No comments:
Post a Comment