Wednesday, April 13, 2011

LoSIR

October 19, 2010


Masaya ako kapag nasa harap ako ng klase. Kasi kapag nandun ako, parang tama ako palagi. Pinapakinggan. Pinapahalagahan. Natutuwa ako kapag natutuwa sa akin yung mga estudyante ko. Feeling ko kasi may nagagawa akong mabuti sa mundo kapag ganun.

***

"Anong sinabi ni Dr. *******  tungkol sa proposal ni Bry?" tanong ni Friend #1.

"He was joking when he said it pero tinawanan niya... Super trivial daw." sagot ni Friend #2.

Napayuko na lang ako at napatahimik. Aminado naman akong crap yun. Pero siyempre, masakit pa din.


***

Lagi kong sinasabi sa klase ko na dapat huwag nilang kalimutan yung buhay sa labas ng classroom. Na dapat maging balanse sila sa lahat ng bagay. Na hindi lahat ay nasusukat ng grades.

***

Meeting ng Chem **. Wala ako.

May naghanap sa akin.

"I think he overslept again. He was supposed to meet me for his thesis but he overslept... Chuva chuva blah blah blah" sabi ni Dr. *******.

***

Lagi ko ding sinasabi sa klase na huwag kalimutan ang kanilang mga love life. Na dapat alagaan nila ang kanilang mga puso. That they deserve nothing but the best. Be steadfast, at darating din yung para sa inyo. Na hindi sila dapat maging dependent sa relasyon. Kung meron, good. Kung wala, good pa din.

***

Nag-message ako sa ex ko, sabi ko gusto ko sana siyang makausap. Mahigit tatlong linggo na at wala pa din siyang maibigay na date.

---

Ka-chat ko yung isa ko pang ex one night and pinabasa ko yung blog ko na "An Answered Prayer". Sa halip na matuwa, sinabihan niya lang ako na ang bagal ko sa proposal ko.

---

Yung mga friends ko na bading, lagi yang may mga bagong lalaki. Ako, wala. Masaya ako at masaya sila. Minsan lang, mas na-eemphasize yung lungkot... Ako itong si nagmamagaling kung paano dapat ang isang relasyon. Kita mo, ako naman ang wala.

---

Nag-text ako sa kanya. Hindi siya nag-reply. Kibit-balikat na lang ako. Kelan ko nga ba matatanggap na wala naman akong pag-asa?

***

Ang saya-saya ko noon nung semender party namin. Ikot dito. Sayaw doon. Ang dami-dami kong bagong friends. Basta ibang level talaga ang saya. At nung moment na iyon, pinaniwalaan kong isa ako sa pinakamasayang tao sa buong mundo.

Kahit dito sa facebook, ang saya ko kapag nagiging bonded talaga ang mga students ko. Kahit na yung pagdadala nilang ng pangalan ng House nila, napakalaking bagay na sa akin. Yung tipong ilang taon na ang lumipas pero naaalala pa din nila yung Houses nila. Ang saya-saya tingnan ng mga pictures nila at comments na nag-enjoy sila sa class at nagkaroon ng maraming friends.

***

Sa loob ng klase, pakiramdam ko tama ang mga sinsasabi ko tungkol sa buhay. Pero kung tama ako, bakit ganito ang buhay ko ngayon? Bakit ako patapon? Bakit ako nag-iisa? Bakit wala na akong magawang tama? Bakit hindi ko na kaya? Bakit hindi ko maramdaman ang kaligayahan?

Paano kung mali pala lahat ng pinagsasabi ko sa mga estudyante ko?

Masaya ako at nakakapagpasaya ako ng ibang tao pero sino ang magpapasaya sa akin?

Wala! Wala naman! Hindi din naman nila kaya talaga...


No comments:

Post a Comment