Wednesday, April 13, 2011

Pakialam

April 23, 2008

Wala akong pakialam. Kung hindi mo man ako gusto. Ang gusto ko lang naman ay gawin ang gusto kong gawin. Wala akong pakialam kung anuman ang sasabihin nila. Basta ako, gumagawa ako ng paraan para maipakita ko kung ano ang nararamdaman ko.

Wala akong pakialam. Kung teacher man ako at student kita. Wala akong pakialam. Kasi alam ko na kahit teacher ako, tao pa rin ako. Nagpapakatotoo lang naman ako. Sabi nila, trabaho kung trabaho. Pero kung wala naman akong ginagawa na ikasasama mo, bakit ako magpapapigil sa kanila? Ang gusto ko lang naman ay tulungan kita. Ano bang masama dun? Sino ba sila? Mas mahalaga ba sila sa akin? Ikaw ang gusto ko, walang hahadlang sa akin. Uunahin ko ang kaligayahan ko. Kaysa trabaho ko. Kaysa kung ano ang iisipin nila.

Ano ba ang gusto mo pang gawin ko? Sinabi ko na naman sa iyo, gusto ko lang maramdaman yun. Sinabi ko naman sa iyo, lahat gagawin ko basta mapasaya lang ang tao na iyon. Kung manhid ka, wala akong pakialam. Ang alam ko lang, ikaw ang gusto ko. Kahit na hindi mo alam. Kahit na ayaw nila. Kahit na masaktan ko siya. Ikaw ang gusto kong makasama at walang pipigil sa akin na maipakita ko iyon sa iyo.
Mali na kung mali. Wala akong pakialam. Ang alam ko lang, kung maayos ang lahat, hindi ako dadating sa lugar na ito. Ang alam ko lang, kung kuntento at masaya talaga ako, hindi ka darating at hindi mangyayari ito sa buhay ko.

Wala akong pakialam. Kung umiyak man ako pagkatapos nito. Wala akong pakialam. Kung iwanan man ako ng boyfriend ko ngayon, alam ko na hindi kami para sa isa't isa. Bakit kailangan ko magpanggap? Bakit ko kailangang magkunwari kung hindi tama ang nararamdaman ko? Kailangan ba talagang tama ang lahat?

Kung iiwanan man niya ako, wala akong magagawa. Dahil ito ang pinili kong gawin. At kung iiwanan man niya ako, alam ko na hindi ako para sa kanya. Alam ko naman, kahit ngayon, na may darating pa sa buhay niya na makakapagpasaya sa kanya. Yung hindi gagawa nang ganito sa kanya. Kasi ako, alam ko na gago talaga ako. Gago na kung gago. Pero alam ko na titigil na ang kagaguhan kong ito kapag nakilala ko na ang taong nararapat sa akin.

Kilala ko ang sarili ko. Kung mahal ko ang tao, marami akong kayang ibigay. Kahit na hindi man ako suklian ng pagmamahal. Kahit na hindi ako pansinin. Martir na kung martir. Ang ayoko lang , yung nagpapanggap.
Kung ikaw man ito o hindi, wala akong pakialam. Ang sa akin lang, at least nasubukan ko. Iyon lang naman iyon. Bakit ba hindi mo makita? Ano pa ba ang gagawin ko?

Wala akong pakialam, kung lolokohin mo man ako pagkatapos nito. Ang sa akin lang, naipakita ko na gusto kita. Yun lang. Ang alam ko lang, kung ikaw nga ang gusto ko tlaga... Kung natagpuan ko na ang katapat ko sa pagkatao mo, hahayaan lang kita. Kasi kaya kong maging martir. Kung ano ang nararamdaman ko, yun pa rin ang gagawin ko. Wala akong pakialam sa kanila.

Oo na, ikaw ang gusto ko. Oo na, natamaan ako sa iyo. Hindi ko ikakaila kung tanungin mo man ako. Oo na, umaamin na ako. Nasa iyo ang puso ko. Pisilin mo man at itapon, ayos lang basta nahawakan mo.

Alam ko na, kahit ngayon, na hindi mo ko magugustuhan. Alam ko na naman, na maiiwanan akong luhaan at sasabihan ng tanga ng lahat ng mga kaibigan ko dahil pinakawalan ko siya para lang sa iyo. Ikaw, na hindi ko kilala. Ikaw, na hindi man lang ako pinapansin. Masakit, pero wala akong pakialam! Kung kailangan ko mang masakan nang ganito para mapansin mo lang ako, kakayanin ko kasi ikaw ang gusto ko.

Tanga na ako. Oo alam ko. Pero wala akong pakialam kasi hindi ikaw ako. Hindi mo alam ang mga napagdaanan ko. Hindi mo talaga alam ang mga pangangailangan ko. Wala kang karapatan na pigilan ako kasi ayokong kalabanin ang sarili ko. Alam ko ang gusto ko, at walang pipigil sa akin.

Kahit na alam kong sinasaktan ko ang sarili ko.

Kahit na alam kong nagbubulag-bulagan ako.

Kung gusto ko, gusto ko talaga, at walang makakapigil sa akin.

Hindi ako duwag na masaktan. Hindi ako playing safe. Dahil alam ko, na may mas ikakasaya pa ako kaysa sa ganito. At hindi ako bibitiw hanggang hindi ko nakukuha iyon. Kung hindi man sa iyo, e di sa iba. Lalaban ako at lalaban.

Kung mapagod man ako at hindi na maniwala na may darating pa para sa akin. Kung mapagod man ako at magsawa sa ganitong klaseng buhay... Nandyan naman ang blade. Nandyan naman ang lason. Wala akong pakialam kung sabihin mo mang duwag ako dahil hindi ako ikaw. Wala kang masasabing matino kasi wala ka sa sitwasyon ko. Hindi mo ko kagaya na puro utak lang ang ginagamit. Hindi ako natatakot na mamatay dahil kung hindi ko man nakukuha kung sino ang gusto ko, ano pa ang silbi ng paniniwala ko sa mga pangarap ko?

Ano pa ang silbi ng buhay ko?

Naniniwala ako. Ano man ang mangyari sa akin dahil sa iyo, naniniwala pa rin ako.

Dahil ganito ako. At hanggang hindi dumarating ang taong nararapat para sa akin, magiging ganito pa rin ako.

No comments:

Post a Comment