Wednesday, April 13, 2011

Pepsi

September 8, 2010



NOON: Hindi umiinom. Sinasabihan ang mga friends na umiinom: "Hindi ba masama yan? Sabi sa Bible..."
NGAYON: Parang tubig na lang ang alak. May emergency beer/gin sa drawer.

NOON: Hate ang mga nagyoyosi. Todo simangot at exagg sa pagpaparinig at pag-ubo. Sinasabihan ang tatay kapag nagyoyosi: "Hay nako, nagmamadali mamatay..."
NGAYON: Hindi lilipas ang isang araw nang walang hithit, unless may sakit. Pinuno ang fire esape ng cigarette butts na ngayon ay naging lupa na at tinubuan na ng mga halaman.

NOON: Nahihiya sa mga party at events. Low confidence at natatahimik lang sa sulok. Traumatic experiences ang parties.
NGAYON: Invited na sa mga bonggang parties sa metro. Nag-oorganize pa ng sariling mga party sa Katipunan, Tomas Morato, and soon sa Metrowalk area.

NOON: Walang leadership skills. Isang puppet.
NGAYON: Kung makapag-utos ay akala mo kung sino. Naging org at student council officer. Naging coordinator at sociocom head. Laging involved sa kung anik-anik na mga events, within and outside the college.

NOON: Hindi kayang humarap sa maraming tao. Conscious and nervous. Nasusunog sa spotlight.
NGAYON: Kung makapag-perform ng sayaw ay parang wala nang bukas. Always present sa mga dance numbers. Nag-host ng benefit concert. Nag-perform sa Hagikhikan in front of hundreds of UP people. Parang halaman na nag-ggrow dahil sa spotlight.

NOON: Zero knowledge about fashion. Nagpapasama pa sa nanay at mga pinsan para bumili ng damit kahit na college na. Walang kwentang fashion sense.
NGAYON: Napupuri na ng mga fashionable people ang style. Nasasabihang isa sa mga instructors na may sariling "porma". Tinatanong pa about fashion advice.

NOON: Tamad mag-aral pero pumapasa pa din. Madalas, mataas pa ang score.
NGAYON: Tamad lang.

NOON: Walang alam sa kape. Excited na excited nung first time mag-Starbucks.
NGAYON: May mga discount and reward cards na sa several coffee shops.

NOON: Pinagtatabuyan ng mga high school friends dahil masyadong clingy.
NGAYON: Sobrang daming friends na kahit tabuyin ng iba marami pa din.

NOON: Nobody sa campus.
NGAYON: Notorious and popular! Minsan umaabot sa mahigit 10 past students ang nakakasalubong araw-araw. Pinag-uusapan ang personal life, kahit ng mga PhD's. Nakakalaban ang Quezon Hall.

NOON: Hindi sporty.
NGAYON: Hindi pa din. Hanggang jogging lang.

NOON: GC. Competitive pagdating sa grades at standing.
NGAYON: Competitive pa din pero hindi na grades. Experience na.

NOON: Habol nang habol para sa pagmamahal. Tila ba uhaw sa pag-ibig.
NGAYON: May mga humahabol na din, kahit paano.

NOON: Walang konsepto ng accessories.
NGAYON: May hikaw na at tattoo.

NOON: Medyo lalaki, konting bading. Trauma kapag tinutuksong bading.
NGAYON: Bading. Out kung out! Once in a blue moon, lalaki.

NOON: Tinatakbuhan ang mga "suggestions" at "hit ons" ng kapwa lalaki sa CR, MRT, etc
NGAYON: Napick-up sa Ministop. Sumama.

NOON: Model ng humility. Kukunin na ni Lord.
NGAYON: Model ng kayabangan, este, honesty.

NOON: Walang sex life.
NGAYON: Hihihi.

NOON: Walang alam sa buhay. Sheltered at nasa comfort zone.
NGAYON: Sobrang dami nang napagdaanan at pinagdadaanan. Isang self-proclaimed na guru about life and love.

NOON: Baby
NGAYON: Lady

At higit sa lahat...

NOON: Addict sa love life. Hindi tatagal ang isang linggo nang walang nilalandi. Laging may dinadalang kung sino-sinong lalaki sa faculty room.
NGAYON: Kaya ko na na walang love life! Yeah! Nasa kamay ko na ang sarili kong kaligayahan!



No comments:

Post a Comment