Kumakain ako ng Jollly Spaghetti nang may biglang umupo sa harap ko. Naka-yellow siya na shirt at may plastic siyang ipinatong sa mesa. Napansin ko siya kasi ang gwapo niya. Hindi naman talaga "ang gwapo" na mahulog-panty. Gwapo lang. Hehe. Lumingon siya sa akin at nakita niyang nakatingin ako sa kanya. Ako naman, deadma lang. Casual lang naman na tumingin ah. Bakit ba? Pero narealize kong mas gwapo siya kapag side view. Pero gwapo pa din talaga siya.
Inilabas niya ang Jolly Hotdog mula sa plastic at nagsimulang kumain. May samting sa braso niya, sa may wrist at inuusisa ko iyon nang biglang nahuli na naman niya akong nakatingin. Nakita ko na tattoo pala iyon. Ang ganda ng design. Tapos may ibang mga maliliit na tattoo pa pala siya sa kabilang braso. Ang gaganda lahat. At lalaong mas astig kasi hindi siya yung ineexpect mong machong taga-kanto na maraming tattoo. Hindi naman kasi siya ganun kalaki. Basta. Dalang-dala niya. Bagay sa kanya. Yung tipong ang cool pero ang hot din.
Tuloy pa din ang pagtingin ko sa kanya habang iniikot ko ang spaghetti gamit ang tinidor. At nakakatawa dahil parang hinuhuli niya ako kung nakatingin nga ako sa kanya. Yung bigla siyang lilingon sa akin. As in yung exaggerated na biglang lingon. Ako naman napapatawa lang nang pigil. Pero hindi ko pa rin maiwasang tumingin. One time nginitian ko siya habang nakatingin siya para ma-try lang. Bakit? Masama ba?
Paubos na ang spaghetti ko kaya nag-focus muna ako sa pagkain. Paglingon ko ulit, wala na siya sa upuan niya. Tapos bigla na lang may flash of yellow sa gilid ko. Papunta pala siya sa CR na nasa may likod ko. Gusto ko sana siyang abangan paglabas niya pero na-distract yata ako. Wala na siya. Umuwi na. At medyo nalungkot ako.
Kaya inabangan ko na lang ang paglakad niya sa labas, palayo sa Jollibee. Pero wala pa din. Nasaan na ba siya nagounta?
Ilang segundo ang lumipas nang biglang nakita ko ulit siya. Nasa labas na siya. At laking gulat ko nang tumigil siya sa bintana sa harap ko. At nakatingin siya sa akin! Walang duda! Nilabas niya ang kanyang celfone at hindi niya inaalis ang tingin niya. Naghihintay siya.
Dahil ako si tanga, yumuko ako. As in sobrang yuko na halos parallel na yung leeg ko at yung plane ng mesa. Alam kong namumula na ako nung mga panahon na iyon pero kinakabahan kasi ako. Pwede naman akong sumama di ba? Pucha, ang gwapo niya kaya! Walang masama sa pakikipagkilala. Pero naisip ko si Kantatero at naisip kong dapat faithful ako, kahit na hindi pa kami. May pagkatanga dun, alam ko. Pero... Pero...
Pagtingin ko ulit sa bintana, wala na siya. Tapos na din naman akong kumain so kinuha ko agad ang bag ko at nagmadali akong lumabas. Nasaan na siya?
Pero wala na siya. Wala na. Minsan lang ako makipaglandian at kung kelan mukhang naka-jackpot ako, pinakawalan ko pa. Siguro nagustuahn niya lang ako kasi maganda yung porma kung nung araw na iyon. Siguro kasi malayo siya, o kaya malabo ang mata niya kaya akala niya gwapo din ako. O kaya siiguro callboy pala siya. Siguro homophobic serial killer siya. Yun lang yun, sigurado ako.
Naglakad na ako papuntang Philcoa at nakihalubilo sa mga tao. Pero tuloy pa din ang paglingon ko sa paligid. Nasaan na kaya siya? Nasaan?
Pero hindi ko na siya nakita. Wala na siya.

No comments:
Post a Comment