Wednesday, April 13, 2011

My Life is Like A Movie 2 (This Time with Drama)

March 24, 2010

Naglalakad na kami ni J**** pauwi sa bahay niya. Madaling araw na at wala nang trike, kaya tuloy wala kaming choice kundi maglakad. Holding hands kami habang nakatingin sa mga stars. Minsan magkaakbay din. At ang best thing ay minsan siya mismo ang kumukuha sa kamay ko para hawakan.

B: (titingin sa kanya at tatawa)

J: Bakit? (sabay ngiti)

B: Wala... (ngingiti din)

At ise-sway niya ang magkahawak naming kamay.

Napunta kami sa area na kung saan ang daming aso. Kinakahulan kami ng bonggang bongga. At shet, natakot talaga ako at pinagpawisan ako ng malamig, lalo na kapag tumatakbona yung mga aso papunta sa amin at halos maramdaman ko na ang kanilang hininga sa binti ko. Pero buti na lang matapang si J****. Sabi niya, sige lang lapit kayo. Kayo kakagatin ko eh! Na-comfort naman ako.

J: Huwag ka na maglalakad pabalik ha? Mag-trike ka na.

Nakahinga ako nang maluwag.

Pagkatapos ng aming detour sa mga abandonadong model houses, sinamahan niya akong maghintay ng trike pabalik. Naisip ko na nun ang mga sinasabi ng mga tao dito sa Multiply. Na lust lang daw ito. Na hindi siya seryoso sa akin. Pero andun pa din siya, halos isang oras nga kaming naghintay ng trike na masasakyan ko. At hindi niya ako iniwanan.

Nakatingin lang kami sa langit. Nag-abang ng shooting stars. Nagbilang ng alam niyang constellations. Maya-maya may lumabas na lalaki mula sa gate ng village niya.

J: Shet! Kuya ko!

Nabanggit niya nonng araw din na iyon na hindi siya "out" sa pamilya niya at takot siyang malaman nila na bading siya. Tipong may pagka-religious kasi sila. At mas hindi pwedeng mag-out dahil lahat ng ibang family members niya ay kabilang ng frat at soro. Pati mga magulang niya.

Tumalikod siya bigla pero nakita na siya ng kuya niya at nagkaroon ng drama slash away sa kalsada. Sobrang tindi ng awkwardness on my side. Naipit ako sa gulo!

Kuya: Ang galing mo din J**** L** ha?! Anong oras na?! Lakas ng loob mo na umuwi nang ganitong oras ha?!

Tahimik lang si J**** at hindi mapakali sa pagkakatayo niya.

Kuya: Sino yang kasama mo?!

J: Kaibigan ko. Taga-UP.

All along, nakatalikod si J**** sa kuya niya. Naawa ako sa kanya kasi napahamak siya dahil sa akin.

Kuya: Talagang nandyan pa kayo sa dilim ha?! Anong ginagawa niyo?!

J: Nag-aabang kami ng tricycle.

Medyo madilim pero nakikita kong nakatingin lang sa langit si J****. Naaninag ko ang mukha niyang nahihirapan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't tumingin na lang din ako sa langit at umasang lilipas din ang eksenang iyon.

Tatawagin ng kuya niya ang atensyon ko pero hindi ako makasagot. Titingin lang ako kay J****. Hindi siya makatingin sa akin.

At lumipas nga. Naglakad na ang kuya niya papunta sa town matapos ang ilang mahahabang minuto kung saan walan bumagsak na falling star. Hindi ko naisip na sumabay na lang sa kuya niya maglakad. At buti na lang dahil sabi niya:

Kuya: Ayusin niyo yan J**** L** ha?! (with more frat threats)

Nung mawala na ang kuya niya, tinanong ko agad kung ok lang si J****.

B: Mapapagalitan ka ba?

J: Siguro...

At napayuko na lang siya. Hindi ko din alam ang sasabihin ko. Gusto ko lang sana siyang yakapin noon.

Finally, may paparating na na trike.

J: May 3 ka na lang na natitirang text. Text mo ko kapag nasa Muzon ka na. Kapag nasa Tungko ka na. Tapos last kapag nakauwi ka na.

Na-touch ako nun. Bakit niya gagawin yun kung wala siyang pakialam sa akin?

***

Kaninang umaga, sinundo ko siya sa kanila. Naglakad lang siya hanggang Muzon dahil wala talaga siyang pera. Na-appreciate ko ulit iyon and woe to all haters.

Nag-lunch kami sa Jollibee kung saan nabanggit ko ang plano ng adviser kong papuntahin akong Germany maybe next year. Hindi lang ako nag-imagine pero nagbago talaga yung mukha niya nung sinabi ko iyon. Bakit niya gagawin iyon kung hindi siya seryoso?

Nung nasa bus na kami papuntang UP, hinawakan niya ang kamay ko. Wala siyang pakialam kung makita man kami ng konduktor o ng ibang pasahero. And take note, hindi lang laging ako ang nangunguna sa pag-holding hands.

J: Ikaw talaga. Iiwan mo ako ng1 to 2 years... Mahirap yun ah...

Hindi na lang ako nakasagot sa tuwa na naisip niya yun. Na kinonsider niya na kami pa din until then samantalang nililigawan ko pa nga lang siya.

***

Sa faculty room, iniwan ko na muna siyang nag-iinternet dahil marami akong trabaho. Nung libre na ako, binalikan ko na siya at nakita ko ang ilang mga mensahe niya sa chat. Merong isang hot Korean young actor (I am not making this up) na nakilala niya before at tinatanong kung magsesex ba sila. Meron din isa pa (hindi Korean) na tinatanong kung may place ba siya, at dapat daw nag-meet sila nung Sabado...

Gumuho ang mundo.

"Heto na," sabi ko sa sarili ko. "Heto na ang catch. Hindi pwedeng perfect ito for me."

Obvious na nanlulumo ako nung sinabi kong

B: Magyoyosi muna ako sa fire escape ha?

Tumingin lang siya sa akin. Parang di niya ako narinig.

B: Yosi lang ako.

At habang nagyoyosi ako, naisip kong sanay na naman ako sa mga twists and turns ng makulay kong buhay. Narealize kong nakapag-prepare na naman ako ng mga safety nets.

Pumasok ulit ako sa faculty room at nilapitan ko siya.

B: Tara punta tayong Sunken...

Umupo kami sa ilalim ng puno. Hindi ako nagsasalita dahil sobrang lungkot ko.

J: Ang tahimik mo

Ngingiti lang ako. Maya-maya, hindi ko na ma-take ang tension. Inisip ko na bad manners naman kung aawayin ko siya samantalng siya ang guest ko noong araw na iyon. Ako ang nag-aya sa kanya na samahan ako sa trabaho.

B: Gusto mo ba talagang pag-usapan?

J: Oo.

At sinabi ko na nabasa ko yung mga chat messages niya. Sinabi ko na nalulungkot lang ako pero wala akong karapatan na diktahan siya kung ano ang mga dapat niyang gawin. I mean, tama naman di ba? Hindi pa kami and he is free to do it with other guys.Wala akong say about that.

Na-weirdohan ako sa reaction niya dahil napangiti siya. Para bang relieved na iyon lang pala ang kinatatampo ko.

J: Huwag mong isipin yun...

At pinaliwanag niya kung sino-sino nga ba talaga yung mga iyon. Somehow, napaniwala niya ako na hindi ako dapat mag-selos sa kanila.

***

Sa fire escape...

B: Marami bang nanliligaw sa iyo?

J: Dati... As in madami.

B: Asan na sila?

J: Yun. Nag-gigive up din after ilang months.

B: Ano feeling mo kapag ganun?

J: Siyempre masakit. Kasi magugustuhan mo na din sila tapos biglang mawawala at makakahanap ng iba...

Naikwento niya yung ka-date niyang gym instructor na gwapo, maputi, at matangkad. And given na na perfect ang katawan di ba? Shet, ano pang laban ko dun?

J: Kapag ako ang nag-text sa kanya, hindi mag-rereply. Pero kapag ibang number ang gamit ko ang bilis sumagot. Ano iyon di ba?

Napangiti na lang ako.

J: Tapos sasabihan kang "I miss you" pero after niyp magkita, hindi na ulit mag-tetext.

At dun ko na nafigure out ang panglaban ko sa mga gym instuctors na iyan. Parang ako lang si Harry Potter. Kaya kong magmahal.

[And speaking of muscles, shet L na L talaga ako kay J****. Posible pala na all the time na kasama mo siya ay may hard on ka kasi busog na busog ka sa katawan niya. At siyempre nahahawakan ko pa iyon di ba? Nakakalokah...]

B: Marami ka bang mga ka-text ngayon?

J: Wala

B: So excluded ako?

J: Siyempre ikaw lang yun di ba?

But the weirdest thing of all was ang pagplaplano namin. Na maghahanda din siya ng paraan para makasama din siya sa Germany. Hindi ko kinaya.

Alam kong hindi kapani-paniwala ang mga ito... Pero heto na lang ang sasabihin ko sa inyo.

1. Hindi ako sinungaling o delusional kung magsulat.

2. Nararamdaman ko naman ang sincerity niya. Hindi lahat ng napag-usapan namin ay naaalala ko para isulat.

3. Either seryoso talaga siya or napakagaling lang niya mambola.

***

Pauwi na. Back to the abandoned model house (kanina lang)

Nakaupo siya sa taas ng hagdan.

J: Mamimiss po kita. (sabay yakap sa akin)

May mga bagay na sobrang sweet na hindi mo kayang isulat nang maayos kaya't hindi ko na susubukan pa.

J: Alam mo, noong sinabi mo sa Jollibee na aalis ka... Nalungkot ako... Kasi iiwan mo ako...

B: Di bale, gagawa tayo ng paraan

J: Hindi, ok lang yun. Para naman iyon sa pag-aaral mo eh...

***

Pabalik na ko sa dorm ng nakasalubong ko si Dan, ang aking ex. Ang laking gulat ko di ba?

May iniwan daw siyang gift para sa akin at paalis na daw siya. Niyakap niya ako nang mahigpit out there in the open bago siya nagpaalam. I think I might've been a bit rude to him kasi naman I can only accomodate so many surprises in a day.

Pagpasok ko sa dorm, may inabot yung guard sa akin. White rose with a tinge of blue.

At nareceive ko na ang last text ni Dan... That he will finally erase my number from his fone. That he was saying goodbye for good. That I should be happy because so may people love me.

At napaisip ako.

Minahal talaga ako ni Dan. Until the end. Pero alam ko din na hindi ko kayang i-reciprocate yun hindi dahil may iba na ako, kundi dahil wala na talaga akong feelings for him.

***

Nag-yoyosi ako kanina at nag-reflect about sa lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon.

May natapos. May nagsisimula.

No comments:

Post a Comment