Grade 1 pa lang ako noong una akong nanligaw. Benilda ang pangalan niya. Maputi siya at sobrang kapal ng buhok. Kung tutuusin, hindi naman siya ang pinakamaganda o pinakamabait sa klase. Wala pa siguro akong ganung konsepto dahil sobrang bata ko pa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko nga ba siya niligawan. Basta na lang nangyari. Oo, friends naman kami. Pero sa dinami-dami ng iba kong mga kaibigan na babae, hindi ko talaga maintindihan kung bakit siya nga ang napili ko.
Minsan, nagbakasyon sa amin yung pinsan kong magaling mag-drawing. Gumuhit siya ng picture ng the Simpsons at binigay niya sa akin. Sinubukan kong kulayan yung drawing niya pero pangit ang pagkakulay ko kaya si Bart lang na nasa gitna ng drawing ang may kulay. Walang pagdadalawang-isip na nagdesisyon akong ibigay kay Benilda ang kaisa-isang drawing ko na iyon. Inilagay ko siya sa envelope na nakuha ko kay Mommy. Tapos nilagyan ko ng bulak na may pabango na naka-tape dun sa may bukasan. Binigay ko siya kinabukasan.
Katapat ko ng table si Benilda at ibinigay ko kaagad yun bago pa magsimula ang klase.
"Ano 'to?" sabi niya. Sabay bukas at tapon ng bulak na may pabango. Nasaktan akong tiningnan ang pinaghirapan kong idikit na bulak na nilipad na ng hangin.
Natuwa naman siya at tinanong kung sino ang nag-drawing. Siyempre, nakita yun ng iba kong mga kaklase at naghingian din sila sa akin ng drawing. Dahil din dun, nagsimula na ang tuksuhan sa aming dalawa.
Naalala ko minsan bago mag-flag ceremony, pinaikutan kaming dalawa ng mga kaklase namin. Hawak-kamay silang lahat habang tinutukso kami. Ang naaalala ko sa reaksyon ni Benilda, hindi siya natutuwa. Maski ako, naguguluhan.
Di naglaon, nawala na din yung phase ko na iyon. Ang weird talaga kasi ang naaalala ko sa ngayon, ginagawa ko lang yung panliligaw dahil "instinct" ko lang kumbaga. Alam ko hindi ko siya mahal. Siyempre ang bata ko pa nun.
***
Noong Grade 1 din ako, una akong nakakita ng komiks tungkol sa mga bading. Siyempre, hindi ko pa iyon naintindihan noong una. Punit lang siya na papel na may drawing ng dalawang lalaking topless at nakahiga sa isang kama. Nakalimutan ko na yung mga salita. Pinaglaruan namin ng kapatid ko yun, kunyari TV ng mga tau-tauhan namin. Makalipas ang ilang araw, nakita yun ng Mommy ko. Nagalit siya at tinanong kung saan namin napulot yun. Sabi ko, nilipad lang ng hangin. Basta nakita ko na lang yun sa bakuran namin. Hindi ko maalala kung umiyak ba ako noong tinapon niya yun. Siyempre, hindi ko naintindihan kung bakit niya ginawa yun. Pero hanggang ngayon, hindi ko makakalimutan iyong drawing na iyon ng dalawang lalaki sa kama. Kasi kahit noon pa man, natutuwa na akong tingnan siya.
***
Mahilig magpatugtog ang mga magulang ko ng musika. Maraming koleksyon ng cassette tapes si Daddy, at madalas niyang pinapatugtog (bukod sa walang sawang Beatles) ay ang Carpenters at Boney M. Di ko makakalimutan yung isang gabi na sinubukan kong sundan yung lyrics ng mga kanta sa booklet ng cassette tape. Tuwang-tuwa ako sa konsepto nun. Di naglaon, ako na mismo ang pumipili ng papatugtugin. Nagkaroon na ako agad ng mga favorite classic songs kahit Grade 1 pa lang ako.
***
Sabi ng mga magulang ko, hindi daw ako iyaking bata. Pero ang alam ko, umiiyak ako kapag nakakabasag ako ng baso o plato habang kumakain. Isang beses, bigla na lang dumulas ang baso ko na may Coke at nabasag sa sahig. Nagsimula na akong umiyak pero bigla kong tinanong ang sarili ko, "Bakit nga ba ako iiyak?" Simula nun, hindi na ako umiiyak kapag nakabasag ako ng mga bagay na hindi ko naman sinasadyang basagin.
***
Longganisa ang ulam namin noon. Dahil makulit akong bata, tinanong ko kung ano nga ba ang longganisa sa tatay ko. Sabi niya, itlog daw yun ng baboy. Grade 1 ako nun at naguluhan ako dahil hindi ko maisip na nagingitlog nga ang baboy. Maniniwala na sana ako pero tinanong ko sa tatay ko kung nasaan sa longganisang nasa plato ko yung "baby" ng baboy. Tumawa siya at sinabing biro lang, hindi nga itlog ng baboy ang longganisa.
***
Una akong nakagawa ng sarili kong mundo noong Grade 1 ako. Literal na mundo dahil gumawa ako ng mapa sa isang piraso ng papel. May mga bansa at capitals. Kinulayan ko ang mga ito ng parang nakikita ko sa mga atlas. Yung mga pangalan nakuha ko sa pagbunot ng random letters mula sa mga letra ng scrabble. Naalala ko pa yung iba dun. May bansang "Vonbee" at "Sueivon". Hahaha! Walang kwenta lang. May mga flags pa nga din pero ang naalala ko ang papangit ng nagawa ko kaya hindi ko na tinuloy. Naaaliw ko na yung sarili ko habang tinitigan lang yung mapa ko, at iniisip na totoo nga sila.
***
Kinukumpara ko yung sarili ko ngayon at noong Grade 1 pa ako. Noon, talagang ahead ako sa iba. Ibang level talaga ako mag-isip. Weird kung weird. Ngayon, napag-iiwanan na ako. Pasaway na sa acads. Sa responsibilities. Pero tuloy pa din naman ang pag-iisip ko. Tuloy pa din naman ang paggawa ko ng sariling mundo. Pero bakit nga ganun? Kung tuloy pa din naman ang pag-iisip ko, bakit parang hindi ko na kayang makipagsabayan sa mundo?
Hays.

No comments:
Post a Comment