Wednesday, April 13, 2011

Usapang Bastos

December 11, 2010


Minsan wish ko sana maging bastos na lang ako. Bastos in a way na puro sex lang ang hanap. Kasi sa mundo namin, tipong yun ang paraan para lumigaya. Marami sila na puro yun lang ang hanap. Kaya siguro pakiramdam ko hindi ako makasabay kasi hindi nila ako kagaya.

Siguro yung iba matatawa dito kasi iniisip ninyo bastos nga ako. Ok lang kasi natatawa din ako kapag iniisip nga ninyo yun. Siguro porke't mahilig ako magkwento about sex, o open ako sa mga kakaibang bagay akala na ng iba yun na ang buhay ko. Well, mali kayo. Di nyo ba napapansin na sa bawat kwento ko about sex may kasama lagi yun na "moral lesson"? Sinusubukan ko lang naman talaga ang mga readers ko eh - kung maiintindihan nga ba talaga nila yung saysay ng aking sanaysay. Di ko na kasalanan yun kung mababaw ang interpretasyon ninyo.

Kakagaling ko lang sa O Bar. Medyo napaaga kami ng uwi. Ang daming naghahalikan kanina dun. Malapit na kasi siguro ang pasko. Ako naman, todo sayaw lang. Although hindi ako si "Mr. Pure Energy" this time. Siguro pagod lang ako. Siguro kasi may iniisip lang ako.

So hayun, as usual nagparang-wallflower ulit ako. Pinaka-exciting O Bar ko na pala yung last birthday ko. Kasi at least dun may nakalandian ko. Ngayon wala.

Oo exciting nga yun kapag meron kang ka-flirt. Exciting kasi bago. Kasi hindi mo pa siya nakikitang nakahubad. Pero pagkatapos kasi nun tatanungin mo lang ang sarili mo, "O ano na? Wala na bang mas hihigit pa dito?"

Gusto ko sana yung matinong pag-uusap. Yung makikipagkilala nang maayos. Tapos walang mangyayaring sekswal. Pero sadly, madalang yung mga ganun. Hindi ko din maintindihan kung bakit mas marami talagang mga bastos at puro laman lang ang hanap.

Malungkot pero ayoko namang baguhin ang sarili ko para lang makisabay sa kanila.

Kaso ang mas matinding problema ko ngayon, kahit na matinong pakikipag-date ayoko na eh. Kasi parang naubusan na ako ng maibibigay. Parang pagod na kasi ako magsimula ulit. Paulit-ulit lang naman kasi. Mahuhulog ang loob mo tapos ayaw niya sa iyo. O kaya gagamitin ka lang. O kaya papaasahin ka lang. O kaya gagaguhin ka. Ayoko na sa ganun. Masyado na ako nasaktan.

Dati hindi matagal bago ako magkaroon ng bagong boyfriend. Naghahanap kasi talaga ako. Effort kung effort at yun, may nakikilala naman akong pwede. Pero sa ngayon ayoko na eh. Pagod na nga ako. Malungkot dahil mag-isa, pero hindi ko na kayang sumabak ulit sa mundo ng sugalan ng puso. Siguro maghihintay na lang ako. Bahala na.

Sa totoo lang ayos pa naman ako. Natutunan ko na naman na kayaning mabuhay mag-isa. Kaso problema din yun eh, kasi unti-unti na akong nasasanay dun. Minsan parang ayoko na nga talagang magka-relasyon. Mas nakakatakot pa ngang may makilala ka tapos magiging kayo tapos forever ka nang mag-iisip kung tatagal nga ba kayo. Forever ka na matatakot na maghihiwalay din kayo. Mapaparanoid ka bawat konting away ninyo. Siguro mas mabuti nang walang ganung problema di ba?

Akalain niyo 'no, si "Mr. Loverboy" napagod din sa pag-ibig.

Totoo pala yung song na "Way Back Into Love". Minsan nagsasara talaga yung puso mo.

Kaya siguro maraming bastos sa amin. Siguro sarado na ang mga puso nila at yun na lang yung paraan para kahit papaano may mayakap, may mahawakang kamay... Kahit papaano may makatabi sa pagtulog, may ma-kiss sa cheek...

Siguro konting panahon pa na ganito ang sitwasyon, magiging bastos na nga talaga ako kung hindi ko ulit bubuksan ang puso ko sa pag-ibig. So ano kaya ang tatahakin ko? Ang masaktan muli o ang mawalan ng halaga sa sarili?

No comments:

Post a Comment