Wednesday, April 13, 2011

Basura

February 23, 2010

Malapit na. Bibigay na. Ayoko na. Di na kaya.

Ilang araw pa. Ilang buwan pa. Ayoko nang mapag-isa.

Kailan ba ako sasaya? Kailan ba ako liligaya?

May mga darating. Aasa ka. Tapos biglang mawawala.

Pag di mo inaasahan. Sasaya ka.

Pero sa isang iglap. Di mo na mahagilap.

Ayoko na. Malapit na. Bibigay na. Di na kaya.

Paulit-ulit lang naman. Lahat walang kahihinatnan.

Tinatanong ko na lang ang sarili. Kahit na di kulang sa landi. Bakit lagi na lang talunan? Bakit laging iniiwanan?

Ayoko na. Ayoko na. Bibigay na. Di na kaya.

Bukas pagpasok sa eskwela. Lahat makikita, ako ay masaya. Ngiti dito, pagbati dyan. Pag-uwi sa dorm, iyak sa unan.

Kapag nakita ko mga kaibigan. Kilig na mga kwento, sila'y pauunlakan. Pero wala na yun kinabukasan. Tapos na yun, wala pang isang buwan.

Sige na, ako na ang basura. Sige na, tapakan niyo pa. Lahat naman binibigay ko. Pero lagi na lang akong natatalo.

Idaan na lang sa tawa. Idaan na lang sa tula. Na kahit na masakit ang aking puso. Nagawa ko pang gumawa ng ganito.

(At bakit ko ba kayo sinusulatan nang ganito? Hindi naman kayo mga gwapo.)

No comments:

Post a Comment