Psst! May tanong ako sa iyo. Minsan ba nararamdaman mo na kakaiba ka? At nung naisip mo ba yun, naisip mo din ba na naghahanap ka ng katulad? Yung naghahanap ka ng taong katulad mo lang mag-isip. Kindred kumbaga. Meron nga ba talagang ganun?
Yung na-imagine ko parang kapag nakilala mo siya parang bigla na lang may spark. Yung magkakatinginan na lang kayo tapos maiintindihan niyo yung isa't isa. Yung hindi mo na kailangan talagang tapusin yung mga sinasabi mo kasi gets niya agad? As in titigil yung oras kasi pakiramdam mo ito na yung pinakahihintay mo sa buong buhay mo.
Ang weird lang kasi minsan. Kasi ang buong akala sa akin ng mga tao "open" ako. Kasi wala akong kahihiyan sa pagkukuwento. Totoo naman iyon. Pero siguro hindi nila naisip na kaya ko nagagawa yun kasi may "inner self" pa ako na hanggang ngayon, wala pa ding nakaka-discover. Hay sa totoo lang, sinusubukan ko naman din na i-share yun kaso baka masyado lang talagang weird. Di lang sila interesado. Or baka sobrang taas lang ng expectations ko kaya feeling ko wala lang din silang paki.
Tapos hindi din nakakatulong ang pagtaas ng "automatic guard" ko depende sa kaharap kong tao. Hindi naman sa nagpapanggap ako pero para kasing ganun talaga ako kapag sila ang kaharap ko. Kunyari tatanungin nila ako kung kaya ko pa ba tapos sasabihin ko, "Kaya!" kasi yung feeling ko kaya ko naman din pero deeper inside gusto ko na lang humagulgol. Tapos hindi ko kayang gawin iyon sa kanila kasi alam ko na sa huli, wala din naman silang maitutulong.
Lahat ba ng tao naghahanap ng tao na kagaya nila? Kasi yun nga, feeling ko minsan masyado na akong weird. As in out of this world holy heaven repapips na kawirduhan. Kaya tuloy wala akong mahanap. Dapat siguro sa mental ako maghanap? Haha! Nakakatawa na sa sobrang ayoko na maging ordinaryo, nagng sobrang unique ko naman yata na wala na kong makahanap na ka-level.
Kasi sa totoo lang mare at pare nalulungkot din ako. Minsan gusto ko lang ng balikat.
Hay lahat na naman ng drama ilabas na! This is it! Hahaha naloloka na naman si Sir.
Sana ano... Sana may taong dumating. Tapos sasabihin niya, "Tara yosi tayo" tapos sasama ako tapos hindi niya tatanungin kung ano ba ang iniisip ko kasi hindi yun ang paraan ko at alam niyang hindi ko din masasagot yung tanong. Yun lang, mag-yoyosi lang kami tapos titingin lang siya at ngingiti tapos ganun din ang gagawin ko tapos yun, nagkaintindihan na kami.

No comments:
Post a Comment