Opinyon ko lang naman ito pero hindi ako naniniwalang ang panliligaw ay isang laro na may mga rules na kailangang sundin. Huwag daw ganito, huwag daw ganyan. May mga listahan ng perfect na "the moves", meron ding mga "no-no's". "Best foot forward" at "don't be too eager". Parang napaka-plastik kasi. Puno ng pagpapanggap. Paano kung hindi naman iyon ang nararamdaman mong gawin, susundan mo pa din?
Naniniwala ako na hindi mo kailangang magpanggap para lang magustuhan ka ng isang tao. Hindi mo kailangang gumawa ng game plan. Bakit hindi ka na lang maging natural kapag kasama mo siya? Hindi ba mas maayos yun dahil makikilala ka niya kung paano ka talaga sa "totoong buhay"? Ang dami ko nang narinig na mga kuwento na si guy nagbago bigla after sagutin ni girl, kaya yun, problemado tuloy ang relasyon nila ngayon. Ganun ba kapangit ang totoo mong ugali kaya ka dapat mag-"best foot forward"? Ganun ba kababa ang tingin mo sa nililigawan mo? Na lalamunin niya lahat ng ipinapakita mong pagpapanggap at iisiping iyon talaga ang pagkatao mo?
Siguro nga, kung may plano ka, mas lalaki ang chance na magiging kayo. Siyempre, mas mabilis siguro mahuhulog yung loob ng nililigawan mo kasi puro ka gifts at sweet nothings. Pero hindi kasi ako naniniwala na ang objective lang ng isang panliligaw ay maging "kayo", kundi kung magiging masaya ba kayo na "kayo". Yung iba siguro iniisip na saka na gagawan ng paraan yun after niyo maging kayo. Na parang hindi na naman makakawala yung niligawan mo kasi kayo na. Ang pangit naman nun.
Siguro hindi din naman ako natatakot na ma-basted kung masyado ba akong mabagal o dahil kulang ako sa "the moves" o may mga nagagawa akong sobrang nakakahiya sa paningin ng iba. Eh ano? Kung ganoon talaga ako, ano bang magagawa nila? Ang paniniwala ko ay kung gusto talaga ako ng tao, matatanggap niya kung paano talaga ako. Nakakahiya man ang mga ginagawa ko o hindi, basta alam niyang kaya ko nagagawa iyon ay dahil gusto ko nga talaga siya. Kung ayaw niya sa akin, mas mabuti nang nalaman ko bago pa lumalim ang lahat di ba? Kung ayaw niya sa akin, at least naipakita ko sa sarili kong paraan kung gaano ko siya ka-gusto.
Ayoko ng tipong nagbibilang ng mga naging jowa. Para sa akin nasa quality yun. At kahit na ganito lang ako, proud naman ako na lahat ng naging relasyon ko ay seryoso at may lalim at hindi ko ibababa ever ang standards ko. Kung ayaw man sa akin ng nililigawan ko, e di hindi lang siya yung talagang para sa akin. Alam ko ang halaga ko at ang kapasidad ko. Ilang beses man akong ma-basted, walang makakakuha sa akin ng kasiguraduhan ko sa sarili ko na balang-araw makikilala ko din kung sino talaga ang para sa akin. At magiging kami sa paraan na hindi ko kakailanganing maging ibang tao o gumawa ng mga convoluted na plano.
"Kung kayo, kayo talaga," sabi nga ni Tsong.
Hindi kailangang isipin. Hindi kailangang paghandaan. Mangyayari na lang ang dapat mangyari. Manalo o matalo, naging totoo ako sa sarili ko. At higit sa lahat, naging totoo ako sa tao na gusto ko.
Opinyon ko lang naman.
:p

No comments:
Post a Comment