DE LA ISLA, BRYAN CHRISTIAN
Philippines
Email: bndelaisla@gmail.com
Tel: 0906*******
RESUME SUMMARY
So hayun, lumabas na nga ang resulta ng compre exam namin at bumagsak nga ako. Isa lang daw mula sa apat ang ipinasa ko. Kung tutuusin, dapat siguro malungkot ako nang todo dahil pwedeng mapabalewala lahat ng mga pinaghirapan ko para sa PhD Chem program na kinukuha ko nitong nakaraang anim na taon. Pero kahit papaano, masaya pa din ako dahil konting points na lang sana ay tatlo na ang ipinasa ko dun. Hehehe. Imagine mo yun, sa lagay ng pag-aaral na ginawa ko eh ay muntikan ko pang maipasa sana yung compre. Hehe. Akalain mo nga naman ano. Bumagsak na nga ako e nagawa ko pang magyabang. Hahaha!
Tinanong ko kay Dr. N kung ano ang dapat kong gawin, at sabi niya pwede daw akong gumawa ng letter of appeal para ulitin ang exam sa June. That is, kung gusto ko pa daw bang makuha ang MS degree ko mula sa UP. Natural siguro para sa iba na gumawa ng letter of appeal. Ako, napapaisip pa tuloy. Gusto ko pa nga ba makuha yun? Mag-aaral na naman ako nito panigurado. Parang ayoko na nga din. Napapagod na ako.
EMPLOYMENT HISTORY
Ang mas ikinalulungkot ko ay, well, aalis na nga talaga akong UP. Sabi kasi sa akin ni Dr. D na pwede pa naman sana akong bumalik bilang instructor kung maipapasa ko ang aking MS. Siguro naisip niya na hindi pa naman ako ganun kapatapon. Na pwede pa naman akong maisalba. Kaso naisip ko, kung ganun lang din ako itratrato ng ibang PhD's eh parang huwag na lang kaya. Medyo nasasaktan kasi ako na heto, #44 ako sa Top 100 UP Profs last year tapos hindi naman ako napapahalagahan. Sabi nga ng kaibigan kong si M, bakit ko pa daw ipagpipilitan ang sarili ko dito kung hostile na naman daw ang environment sa akin. Ewan ko. Siguro ang naiisip ko ay hindi naman dahil sa kanila kung bakit gusto ko talaga magturo dito sa UP. Na kaya ko namang tiisin lahat ng sinasabi nila sa likod ko basta magawa ko lang nang maayos ang trabaho ko.
Kaya nung na-confirm ko na nga ang resulta, gumawa ako agad ng account sa Jobstreet. "Totoo na 'to", naisip ko. "Goodbye UP na talaga. Wala nang pag-asang makabalik pa ako sa UP nitong June."
ACHIEVEMENTS
So ayun, kinailangan kong gumawa ng resume, at hindi ako sanay dahil parang first time ko lang talaga itong gagawin. Sa pagsusulat ko, kailangan ko tuloy balikan lahat ng mga experiences at achievements ko, at kahit papaano ay natuwa ako kasi in fairness pala, marami rin akong na-achieve nung mas bata pa ako. Na parang hinahangaan ng sarili ko ngayon yung sarili ko dati. Parang ibang tao na nga yun eh. May mga nakuha din pala akong academic awards kuno before. Hehehe.
RESPONSIBILITIES
Kung tutuusin pakiramdam ko marami din naman akong nagawa sa tinagal ko bilang instructor dito sa UP. Bumalik sa alaala ko yung pagiging coordinator ko ng Chem 16 lab agad (as in 1st sem of teaching ko bongga na hehe). Naalala ko din yung pagiging Chem 16 lecture coordinator ko na parang "Wow! Naka-level ko pala ang walang kapantay na kasipagan nila Louie, Gillian, at Melai?" Naalala ko din yung pagiging Sociocom Head ko, yung dami ng meetings all over UP na napuntahan ko para sa kung anik-anik na mga events. At siyempre naka-ilang official dance numbers na ba ako sa IC? Hollaback Girl, Gotta Be You, Long Way To Go/So Excited/Give It To Me, Radar, All I See, The Way I Are, Dancing Queen, If U Seek Amy/Paparazzi, LoveGame, Three, Take It Off, I Want You, Lucky, Blow, at hindi ko na maalala pa yung iba. At syempre yung hindi na natuloy na Tinikling dahil nga nasunog na yung Chem nun.
OTHER QUALIFICATIONS
At siyempre nandun pa yung IC posters sa may Pilar yung ginawa namaing tarp ni Gillian. Swear, naka-limang balik talaga ako sa pagawaan ng tarp dahil sa revisions. Hehehe! Yung pagbili ko ng bulaklak para sa birthday celebrants ng IC. Yung pagpunta at pagtawag sa mga caterers, paggawa ng tickets, at kung ano-ano pang event-related chores. I know, hindi lang naman ako ang gumagawa nang mga ganito at wala ding silbi na maging "bitter" dahil hindi naman ito ang basehan ng pagkaretain mo bilang instructor. Masaya na lang ako na kahit wala man akong nagawang research (dahil hindi na ako pinag-propose at di ko alam kung bakit talaga) ay may naitulong naman ako. Na hindi naman ako naging totally useless para sa IC.
May nagsabi nga sa akin na friend na siguro, kulang daw ako sa charms kaya ganito kasaklap ang nangyari. May nagsabi din sa akin na siguro dapat daw namulitika ako para maka-close ang mga powerful, lalo na't mainit dati ang pangalan ko sa kanila. Hay. Siguro nga dapat ganun, pero hindi kasi ako talaga sipsip by nature. Hindi naman ako snob, pero hindi din naman suck-up.
PERSONAL PARTICULARS AND PREFERENCES
Anyways, so hayun, naghahanap na nga ako ng ibang schools na pwedeng pagturuan. Tapos yun pa, puro religious ang mga pangalan nila. Hehehe! Ikinakatakot ko yung mapipilitan akong magsimba o anuman (dahil sayang sa oras) at binibiro pa nga ako ni Rhay na ako pa daw yung mag-lead ng prayer o yung magbabasa ng Bible verses. Hahaha! Kaya ko sigurong manahimik, pero sana lang hindi nila ako pilitin dahil lalabanan ko sila. Sisante na kung sisante, alam ko namang tama ako. At kung blacklisted at excommunicated man ako sa Pilipinas (hilarious!), andyan pa naman ang Europe.
Ngayon lang din nagsisink-in kung gaano nang nasa dugo ko ang kultura ng UP. Na parang this is where I truly belong. Love na love ko ang "no religious activities" stand ng UP. Love na love ko na walang uniform. Love na love ko na walang lesson plan. Love na love ko na keri lang magkwentuhan sa klase basta matapos niyo naman ang kailangan niyong gawin. Well, on second thought, mas radikal pa nga ako kumpara sa karamihan dito eh. Yung IC nga hindi ako kinaya. Hihi. (Yuck, sipsip? Nag-hihi?)
Hindi ko din masyadong matanggap na sa ibang school ako mapupunta kasi para bang may La Traidora effect. Na parang UP ang tumulong sa akin tapos sa iba ko ibabahagi ang natutunan ko? Although kapag naiisip ko kung gaano ako namali, gusto ko magtayo ng rival school (UP II?). Hahaha! O kaya naisip ko na na sobrang galingan sa bago kong school para kami na yung maging bagong Center of Excellence. Hahaha!
EXPERIENCES GAINED
Hay, oo nga... Siguro nalulungkot nga talaga ako. Siguro tinatanggap kong nagkamali ako ng priorities. Siguro, hindi ko talaga na-appreciate kung gaano ba talaga kahalaga at ka-prestigious ang maging isang guro ng UP. Siguro tama naman ang point of view ko tungkol sa buhay, pero sana lang kinaya ko din ang mga dapat ko sanang kinaya. Pero mas masaya lang sana kung mas naramdaman kong mahalaga ako sa IC para siguro mas pinag-igihan ko. Hindi yung talagang sinalpak sa mukha ko na "Ayaw na namin sa iyo!"
Ayan, naiiyak na ako. Kasi, alam niyo yun, gusto ko naman talagang magturo. Na gusto ko talaga sanang mas gumanda pa ang IC. Na kung sa dedication siguro sa pagtuturo, di naman ako nagkukulang. Konting sablay ko lang, nakalimutan na nila ang lahat...
CAREER OBJECTIVE
Hay. Hehe. Masaya na naman ako ulit. Kasi ganito naman talaga ang buhay. Amazing nga eh. Alam ko naman din kasi na ito na din ang dapat kong ma-appreciate: ang career. Na parang nitong nakaraang anim na taon, nag-focus ako sa individuality at sexuality ko (kasi sobrang nayurakan yun nung high school haha) tapos ngayon na super confident na ako dun, yung career ko naman ang nawala kasi ito naman ang kailangan kong pahalagahan. Siguro iisipin ng ibang tao na hindi naman talaga kailangang mawala sa iyo ang isang bagay para lang mapahalagahan mo ito nang todo, pero ganun nga kasi ako eh. Gusto kong namnamin yun. Para tumatak talaga siya sa buhay ko at makapag-move on naman ako sa ibang aspeto ng buhay ko.
Malungkot at na- "shigibells" ako sa UP, pero siguro panahon na para iba naman ang ma-develop ko sa sarili ko. Sana physical appearance na ang isunod ko 'no? Nakaka-miss na ding maging heartthrob eh. Hahaha!
ADDITIONAL INFORMATION
P. S.
Siguro iisipin ng iba na kailangan kong magmadali kasi failing my compre (or possibly not bothering to pick up my MS anymore) will be a huge lag against my favor. Kung napansin niyo, hindi ko ito nabanggit at all sa main body ng blog na ito. Iba kasi ang tingin ko sa buhay ko eh. Para bang inaayos ko muna yung foundation ng buhay ko, samantalang yung iba puro pataas lang ng pataas. Siguro kasi, hindi rin buo ang pagkatao kagaya ng iba kaya kinailangan ko talaga munang ayusin iyon. Siguro din hindi ko kayang mag-multi task kagaya ninyo pagdating sa mga ganitong bagay. Oh well, kung ano man, huwag kayong mag-alala kasi I'm okay. I'm right on track.
No comments:
Post a Comment