Naka-ilang click na ako sa "Older Posts" ng wall mo. Binabantayan ko ang petsa. Mga ilang buwan na din ang lumipas simula nung dinelete kita as contact dito. May gusto lang naman ako malaman. Wala naman sigurong masama.
Nakakaasar na kailangan ko pang makita lahat ng mga bago mong pictures. Parang patunay sa akin na heto ka, buhay at paniguradong lumalandi na naman ng iba. Piliin ba namang main pic itong picture mo na nasa kama. Kama ba nino yan? At mukhang may bago ka nang fone. Kanino mo kaya nahuthot yan? Naisip ko kung ano ang sasabihin mo kapag nandito ka at nagagalit ako sa iyo: "Bitter bitter" sabay tawa. Siguro nga. Aminado naman akong cute pa din hanggang ngayon.
Click lang nang click. Nakikita ko pa mga pangalan ng inadd mo na new contacts. Mga comments nila sa posts mo. Nakakaasar pero binasa ko pa din. Siyempre yung sa mga lalaki lang. Ilang araw kaya ang lumipas bago ka nakahanap ng iba? Na-miss mo naman ba ako? Gusto ko lang naman malaman. Masama?
Heto na. Nasa June na ako. Earlier pa. Earlier. Hanggang sa makarating ako sa araw na iniwan kita.
“You never know what you have till you lose it. and 'once you lose it, you can never get it back'"
June 7 at 2:49am
Ano 'to, para sa akin ba ito? Ang tinutukoy mo ba ay ang pera ko? Yung mga kain natin sa labas? Yung celfone? O...
O baka ako?
***
B: After all ng nagawa ko para sa iyo, ito isusukli mo?
J: Sino ba kasing gustong umalis?
B: Hindi ba nag-usap naman tayo na kung ayaw mo sa akin, umalis ka na at hahanap ako ng iba. Do I deserve this?
J: Never.
B: So bakit? Bakit ka pa din nag-stay kung gaganituhin mo lang din naman pala ako.
J: Kasi gusto din naman kita. Hindi ko lang kayang magbago.
***
Nakatingin ako sa picture mo. At hanggang ngayon, naluluha pa din naman ako. Kasi dati naging masaya naman tayo. Kahit papaano. Dinala mo ako sa langit. Pinatunayang pwede din naman pala mangyari sa akin yung mga 'fairy tales'...
Dati kaya kong humiga sa balikat mo, kagaya ng paghiga mo sa balikat ko tuwing umiiyak ka. Dati kaya kong kurutin yung mga pisngi mo kasi ang kulit mo. O kaya kilitiin yung bewang mo habang gumugulong tayo sa kama dahil sa kakatawa. Dati kaya kong hawakan yung kamay mo sa bus habang kinukuwentuhan mo ako. Dati kaya kong humiga sa dibdib mo at pakinggan ang tibok ng puso mo habang iniisip ko na sana hindi na tumakbo ang oras at maiwanan tayo doon sa panahong iyon...
Pero heto, ang laptop ko na lang ang nakahiga sa dibdib ko ngayon. Sana lang umabot sa facebook page mo yung tunog ng tibok ng puso ko.

No comments:
Post a Comment