March 20, 2010
Ala-una na kami nakauwi sa dorm ni Bart galing sa Technohub. Sobrang pagod na ako at dalawang gabi na nga akong puyat. Inisip ko na ngang hindi na lumabas sa balcony ng dorm for my usual midnight yosi fix at derecho tulog na.
Maghapon kong ka-text si J**** (this is a new character in my life para sa mga sumusubaybay) noong araw na iyon. Alas-dos na ng madaling araw at patulog na ako noong sinabi niyang:
J: Wala akong magawa. Gusto kong lumabas ng bahay.
B: Ano naman ang gagawin mo sa labas ng bahay?
J: Gusto kita makita.
B: Seryoso?
J: Kahit sandali lang. Tapos bukas ulit.
B: Gusto din kita makita kaso sobrang puyat na ako. Baka matulugan lang kita.
J: Hay.
After 30 minutes...
J: San ka na?
J: Andito na ako.
J: Nakatulog ka na hindi ka na pupuntaaa
B: Sorry nasa trike kasi ako. Papunta na ako. Ano suot mo?
Magkatabi lang kaming nakaupo sa wavy benches ng Technohub hanggang sunrise. Tama pala ang sinabi nila. Mahahanap mo din ang katapat mo. Hindi ko ma-explain. Basta. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nangyari at napag-usapan namin. HIGIT PA ITO SA LAHAT.
Dumaan kami sa Philcoa overpass at nagpaalam sa ilalim ng bukang-liwayway.
***
6:30 pm, the same day. Technohub.
B: Andito na ako. Asan ka?
J: Andito na.
Nag-dinner kami sa KFC kung saan nakita siya ng classmate niya. Bumili ng sundae sa Mini Stop na kinain namin sa wavy benches. Pinatong ko ang kamay ko sa bench. Nagulat ako ng hinawakan niya ito.
Tapos holding hands na talaga kami.
In front of the whole wide Technohub.
At nagulat na naman ako dahil hindi ko inakalang mangyayari ito sa akin.
J: Gusto mo ba ako?
B: Oo naman.
Ngumiti siya.
***
Hinatid ko siya pauwi ng Bulacan.
Nagholding hands kami sa bus. Ayos lang kasi doon kami umupo sa likod. Inilapat niya ang ulo niya sa balikat ko. Tinanong ko na naman ang sarili ko kung paanong nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay. Ako na yata ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo.
J: Gusto mo ba ako?
B: Oo.
J: Huwag mo ako iiwan ha?
Tinitigan ko siya at umiling ako. Nag-kiss siya sa balikat ko.
J: Basta minsan mainitin lang ang ulo ko... Yun lang naman ang problema sa akin...
Nagtaka ako. Bakit niya ito sinasabi sa akin? Kami na nga ba?
Maya-maya...
Nilipat niya ang kamay ko dun sa may thing niya.
J: Ok lang ba na hawakan mo?
Grabe hindi ko alam ang isasagot ko.
J: Pasensya na ha? Ang tagal na kasi eh...
B: Ok lang.
After a while, ako naman ang hinawakan niya. But no, pumasok sa loob ang kamay niya.
J: Pwede ko bang makita? Patingin lang.
B: Sige
Buti na lang mabilis ang takbo ng bus. Maya-maya yumuko na siya at... Mahika!
J: Masarap ba?
B: Oo.
J: Pasensya na ha. Ok lang ba talaga?
B: Ok lang. Ganoon kita kagusto.
At hinalikan na naman niya ang balikat ko.
B: Pwede ka bang pumunta sa party ko sa 29?
J: Kung gusto mo na nandun ako.
B: Siyempre naman.
Grabe sobrang ngiti ko nun.
B: Pwede ba akong matulog sa inyo?
J: Hindi nga eh. Pero kung pwede lang, lagi kitang papapuntahin dun.
Muntikan na kaming lumampas sa bababaan namin. Pagtayo ko, nagpasalamat ako dahil medyo mahaba ang shirt ko noong araw na iyon.
Sumakay kami ng jeep tapos trike. Nakaupo kami sa likod ng driver.
Medyo liblib yung area nila. Mapuno. Tumingin ako sa langit habang nilalasap ang sariwang hangin.
B: Wow ang daming stars.
J: Oo marami dito. Sa Maynila wala.
Nakangiti lang akong nakatingin sa langit ng ilang minuto habang niyayakap niya ako.
Bumaba kami sa napakadilim na lugar. Puro mga bakanteng bahay ang nandun. Mga model houses daw.
Sinusubukan niyang buksan ang mga pinto nung mga bahay.
Naka-lima na pero sarado lahat.
Yung isa, basag ang bintana. Binuksan niya yun tapos pumasok siya sa loob. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang dilim. Hindi kami nagsasalita.
Umakyat siya sa second floor. Hinila niya ako sa corner.
J: Sabihin mo lang kung natu-turn off ka sa ganito ha? Ang tagal na kasi...
B: Ok lang
Niyakap ko na siya.
Maya-maya...
Pababa na kami ng hagdan. Tumigil siya sa gitna. Pinahawakan niya sa aking yung cap niya.
Hinubad niya ulit yung shirt niya. Tapos sinuot niya ulit.
J: Baliktad kasi.
B: Haha.
***
Habang binabaybay ng bus ang kahabaan ng Commonwealth, hindi ko pa rin maabsorb ang lahat ng nangyari. Wala pang 24 hours iyon at ang dami ko nang bagong naranasan.
Grabe talaga.
Grabe.
This
is life!
No comments:
Post a Comment