Wednesday, April 13, 2011

Kantatero

February 22, 2011


Pinanood kita sa Youtube at nakita kitang kumakanta. Nasa likod mo ang iyong banda at nasa stage ka, patalon-talon. Kinabahan ako. Dahil ang astig mo.

Ka-text kita buong araw. At kahit na alam kong "kantatero" ka nga, hindi pa din talaga nag-sink in sa akin iyon hanggang nakita at narinig na nga kitang kumakanta sa video.

Naalala ko noong nag-host ako ng RakChemRol at kung papaano ako namangha sa mga banda doon. Tapos ngayon, nakilala kita, isang vocalist ng isang banda na kilala somewhere. At sabi mo bibigyan mo ako ng pagkakataon para makilala ka. Para makasama ka. Pero kinakabahan ako, kasi baka hindi kita kaya. Sino ba naman si Bryan de la Isla kumpara sa isang kagaya mo?

Alam ng mga kaibigan ko ang pagkahilig ko sa musika at ang paghanga ko sa mga musikero. Tapos heto na. Andito ka na. Ikaw na nga ba ang para sa akin? Ikaw na ba? Napapamura na lang ako sa sobrang kaba.

Putang-ina!!

Napa-ilusyon na lang akong kunyari katabi kita sa kama tapos kakantahan mo ako. Putik sa tamis!! Tapos naalala ko ang pagkatuwa mo noong sinabi kong marunong din naman ako mag-gitara kahit kaunti. Sabi mo pwede tayong mag-jamming, at pinaaral mo pa sa akin ang chords ng kantang favorite mo ngayon. Nag-ilusyon na naman akong mala-pelikula na naman ang buhay ko.

Malakas ang kutob ko na masasaktan lang ako. Pero sabi ko nga sa iyo, gagawin ko ang makakaya ko. At sabi mo nga din, umaasa ka doon.

Putik talaga! Putik! Sana hindi ko na lang pinanood ang video mo! Ang cute cute mo putang-ina... Lalo na kapag nagsasasayaw ka sa stage. Dinownload ko na nga ang mga videos ng banda mo. Para mapanood kita at mapakinggan nang paulit-ulit.

Haist.

Atheist na ako ngayon, oo. Pero napapasigaw mo pa din ako ng "Lord, please!"

Lintek na buhay 'to leche!

Putang-ina!

Ayokong ma in-love!



No comments:

Post a Comment