Wednesday, April 13, 2011

Mapaglaro

June 3, 2010


Heto na naman ang panahon ng pag-iisa. Yung tipong kayang lumipas ang isang araw nang walang nagtetext sa akin. Yung tipong parang ang dami mong oras para sa sarili mo dahil wala kang gagawin pagsapit ng gabi.

Kanina, alas-3 ng madaling araw, nagyoyosi ako sa balcony ng Kamagong at nakatingin sa malayo. Oo, minsan malungkot. Haluan mo pa naman ng pakikinig sa "No More I Love You's" ni Annie Lennox sabay buga ng usok eh. Pero ayoko munang humanap ng iba. Sabi ko nga sa mga kaibigan ko, kailangan ko muna sigurong magpahinga sa pakikipagrelasyon.

Naninibago lang siguro ako. Simula 2004, hindi tumagal ang isang buwan na walang laman ang puso ko. Babae o lalaki. Lagi akong may hinahabol. Pero pagkatapos ng ginawang panggagago sa akin ni Jarth, mukhang ayoko na muna. Napagod na ako.

Noong isang gabi, hindi ako makatulog dahil sa galit ko sa kanya. Ilang beses na akong nag-daydream kung saan ginigilitan ko siya o kaya sinasaksak o kaya sinasakal. Ilang beses na rin nagplano ng revenge schemes pero sa huli, hindi ko rin ginagawa kasi hindi siya worth it pagbuhusan ng ganung kadaming effort. Gusto ko lang talaga siyang masaktan. Physically. Hahaha. Minsan hinihiling ko na sana natuluyan na lang siya noong binugbog siya sa kanto.

Pero ang tadhana talaga, mapaglaro.

Kung kailan ko isinumpang titigil muna ako at magpapakatagal maging single, biglang may darating na "pwede". At take note ha, dumating. Hindi ko siya hinanap. Ang tagal na ring panahon ang lumipas simula nung huli akong nakakita ng friend ko na gusto kong ligawan. Yung hindi siya total stranger, kagaya ng mga nakikilala ko sa internet lang.

Sa totoo lang, hindi ko pa siya masyadong kilala. Takot din ang puso ko na masaktan ulit. Once burned, twice shy daw. Paano pa kaya kung multiple times na? Sa ngayon, hindi ko pa siguro kakayanin ang makipag-date at masaktan muli. Kaya siguro ayoko gumawa ng paraan. Kaya siguro kinukumbinsi ko ang sarili ko na wala lang ito at lilipas din.

Ngunit ang pagkakataon! Paano na? Sabi ko nga, hindi naman araw-araw akong nakakakilala ng tao na parang gusto kong mahalin. Yung hindi libog lang. Yung nakikita ko yung sarili ko na sasaya ako kung mapapasaya ko siya. Hahayaan ko lang nga ba siyang mapunta sa iba? Paano kung ako din ang tipo ng lalaki na kailangan niya ngayon? Paano kung, kahit na maliit lang ang posibilidad, mapapasaya namin ang isa't isa?

Alam ko na walang mangyayari kung hindi ko sisimulan. Hindi siya lalapit sa akin. Hay ang mga insecurities nga naman. Kung alam ko lang na matatapatan ko siya, hindi siguro ako magdadalawang-isip.

Hay buhay, kailan ka ba magiging simple?


No comments:

Post a Comment