Wednesday, April 13, 2011

Huwag Mo 'Kong Tawagin Na 'Sir'

December 15, 2010


Tatakbo ako. Aakyat ako sa hagdan. Sumusunod ka. Malapit ka na. Tatakbo ako.

Nasa gitna na ako. Paakyat ka pa lang. Pero sumusunod ka. Di ko din alam kung bakit ako nagmamadali. Baka kasi natatakot ako. Kasi andito ka na naman. At napapabalik mo ako.

Ayoko na bumalik. Kasi wala namang babalikan. Pero ikaw yun eh. Ikaw 'to... Mahuhulog ulit ako. Mahuhulog! Kaya aakyat ako. Lumingon ako at umaakyat ka na. Ayoko! Mauuna ako!

Kahit na gusto ko tumalon papunta sa iyo. Gusto ko tumalon ulit! Sabi ko hindi ko na kaya pero kung ikaw yun, kakayanin ko! Iba kasi talaga eh. Iba pa rin! Ikaw kasi 'to...

Gusto ko sana tumalon papunta sa iyo. At pakiramdam ko sasaluhin mo naman ako. Hindi dahil gusto mo ako saluhin. Pero dahil pakiramdam mo na dapat mo lang ako saluhin. Tapos ibababa din at iiwan sa hagdan habang tuloy ka sa pag-akyat.

Tapos kapag umakyat na muli ako, pwede mong sabihin na sinusundan kita. Pero pwede ko ding sabihin na pareho lang kasi tayo ng pupuntahan.

Darating din ang panahon. Mag-aabot din tayo.


No comments:

Post a Comment