Nagyoyosi ako sa likod ng Bahay ng Alumni. RakChemRol noon, at nag-break muna ako sa paghohost. Nasa likod din yung mga banda peeps. Andun lang sila, nakaupo at nag-uusap. Naghihintay bago mag-perform. Sa totoo lang, nakaka-starstruck sila. Para bang natupad ang isang pangarap ko noon - to rub shoulders with all these artsy people. Hehe.
Maya-maya dumating si Meryl at sinamahan niya ako mag-yosi. Sinabi ko sa kanyang hangang-hanga ako sa kanya at kilala niya lahat ng mga tao dun. Siya kasi yung may ideya sa buong event na yun. Pati kay Meryl, na-starstruck na din ako. Pinaalala niya sa akin na huwag ko daw kalimutang pasalamatan sa stage si Manix Abrera dahil siya yung nag-drawing ng poster para sa event. Nung malaman ko yun, halos mahimatay ako sa inggit na friend niya si Manix at kung banggitin niya ang pangalan niya ay... well, parang friend lang talaga.
May kakarating lang na lalaking naka-black na shirt at lumapit si Meryl para kausapin siya. Kinutuban akong baka si Manix na nga iyon dahil may narinig akong "drawing" habang nag-uusap sila. Mukhang humble lang yung guy. Mukhang mabait. Nung nilapitan na ako ulit ni Meryl sinabi nga niyang si Manix daw yun. Na-excite ako. "OMG!" inisip ko.
Nung pumasok na ako dahil malapit na ulit akong mag-host ulit, patago kong tiningnan si Manix. "Siya," inisip ko. "Siya ang gumawa ng lahat ng mag intelektwal, pilosopikal, at kung ano-anong pa-deep na kachuvahan sa Kikomachine. Sa utak niya nanggaling lahat ng iyun!" Nakahinga na lang ako ulit nang maluwag nung malayo na ako sa kanya.
Hangang-hanga talaga ako sa Kikomachine Komix. Sa tingin ko kasi, medyo magka-wavelength kami ng humor ni Manix. Yung tipong dumadanak sa ka-emohan minsan, yung mapanlait sa sarili, yung sobrang baluktot at komplikadong pag-iisip, yung talaga sobrang out-of-this-world lang talaga. At pareho kami na kahit na may gusto siyang iparating na matinong mensahe, idinadaan na lang niya sa pagpapatawa. Basta. Astig! Enjoy na enjoy ako lalo na't UP at sa loob ng classroom ang madadalas niyang mga setting.
Kakatapos ko lang basahin ng Volume 6 kagabi at maya't maya ay bumabalik ako sa first page kung saan isinulat niya ang aking pangalan. "BRYAN" nakalagay doon sa balloon. "HWOOH! ASTEEG!!" tapos may drawing ng taong naka-rakenrol sign. Hinahawakan ko pa yung autograph niya minsan kasi hindi ako makapaniwalang... yun, may autograph nga niya. Hindi ko alam kung maaalala niya ako nung RakChemRol kahit na ilang beses kong binanggit onstage ang pangalan niya. Hihihi! Sa totoo lang, crush ko siya.
Alam mo yun, like kung friend ko siya, tutunganga na lang ako at titingin sa kanya at iisipin kung ano ang iniisip niya. Siguro maghihiritan kami. Mag-aasaran tapos makakakuha siya ng ideya mula dun. Ewan ko kung paano nga ba siya magsulat. Basta. Mamamangha lang talaga ako sa kanya.
Gusto ko siyang makausap about buhay-buhay, pag-ibig, mga isda sa Tawi-Tawi, Venn Man, at karne-karne. Ang astig lang ng mga ideya niya talaga. Resonate kung resonate sa wavelength ko.
Tapos naisip ko din, na feeling ko hindi niya ginagawa ang lahat ng ito para lang sa pera o sa kasikatan. Feeling ko gusto lang niya i-share yung mga ganitong thoughts. Gusto lang niyang may mamulat sa pulitika, o may madiri sa mga labas na bituka ng kanyang mga drawing, o may mapakunot ng noo sa lalim ng mga abstraktong konsepto, o may humagikhik na lang sa kakatawa sa pagka-wirdo ng lahat. Ewan ko. Hindi ko naman talaga siya kilala.
Sana balang-araw maging parang Manix din ako na makakapag-share ng mga ideya niya sa ibang mga tao. Kaya siguro nagustuhan ko din maging teacher kasi nagagawa ko yun sa trabahong ito. Kaya siguro ako mahilig magsulat ng mga blogs kung saan-saan o kaya mahilig gumawa ng albums. Gusto ko lang mag-share ng mga revolutionary ideas. Malakas ang drive ko na mag-iwan ng samting sa mundong ito. Malakas ang paniniwala kong kahit sa mga munting paraan kagaya ng pagsusulat ko, may makakakuha ng konting bits of knowledge about life, love, sex, o whatever at kahit papaano, makakatulong iyon sa buhay nila.
Ang tingin ko sa sarili ko kasi minsan para akong aktibista. Pero hindi yung mapulitika kagaya ng karamihan sa UP kasi aminado akong wala naman akong sapat na kaalaman at karanasan tungkol dun. Ang maibabahagi ko lang ay yung mga sarili kong napagdaanan at kung ano yung mga natutunan ko dun. Siguro corny para sa iba, pero kasi di ba, paano mo masisimulang ayusin ang paligid mo kung sarili mo mismo hindi mo pa naiintindihan? Haha. Sorry. Ayoko namang magmagaling dahil alam kong marami pa akong hindi alam. Siguro lang, sa pagsusulat ko tungkol sa mga life topics, nakakapagpataas ako ng awareness na huwag din natin kalimutang pag-aralan ang mga ganitong bagay. Puro na lang kasi acads minsan. Puro na lang trabaho. Paano naman yung sarili mo? Yung mga bagay na walang magtuturo sa iyo?
Wala lang. Lahat naman tayo siguro may pagnanais na mapabuti ang mundo. Ito lang siguro ang napili kong paraan para makatulong dun. May mas malalaking problema na mas relevant pero di ba, lahat tayo may pagsisimulang spot.
Hehe. Buhay-buhay. :)

No comments:
Post a Comment