Bukas. Aamin na ako. Bukas. Sabay kami breakfast. Bukas. Magkakaalaman na. Kahit na sa ganitong panahon, gabi at lasing na naman ako, alam ko na ang sagot niya. Hindi na naman ako uumaasa na magiging kami. Ang dami na niyang earlier commitments. Wala na akong espasyo sa buhay niya.
Pero bukas, magkakaalaman na nga. Handa na ako.
Ano man ang mangyari, alam ko na wala akong masamang hangarin. hindi ko siya pipilitin. Masaya na ako at makakasama ko siya kahit sandali lang... Breakfast. Bukas. Sa philcoa.
Alam ko na, mga kaibigan, na hindi naman magiging kami. Nakipaghiwalay ako para sa wala. Pero para sa akin, mas mahalaga yung nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.
Sige na, umaamin na ako. Umaasa ako kahit papaano. Kasi pagkatapos nito. Kapag lumipad na siya pauwi, hindi ko alam kung saan na lang ako pupulutin. Pero masaya ako dahil bukas makakasama ko siya. Na kaming dalawa lang. Kahit sandali lang.
Masaya na ako dun.
At least, nagawa kong maging malapit sa kanya.
Putang-ina,
Ang hirap talaga magmahal.
Kahit sarili mo, nakakalimutan mo na.
Basta masaya lang siya, masaya na din ako.
HEHE
Nakapag-blog ako kahit lasing ako.
Hehehe.
No comments:
Post a Comment