Bry: Guys, nag-gygym na ako!
Others: (Shocked na shocked, pero pipigilan ang pagtawa. Akala nagjojoke ako, pero looking at my expression... mukhang seryoso nga ang loko) Wow! Good for you! (Dont forget the forced smile... Pero sa loob-loob iisipin na baka nagpapatawa pa din ako.)
Ang hirap pala mag-gym. Disiplina kung disiplina. Bukod sa mahirap na talaga ang maglift ng weights at ang pag-subject sa sarili sa malalaking torture machines, kailangan mo siyang ituloy-tuloy. Wala pa nga akong one week sa gym e naka-dalawang cancel na ako. Ang hirap kasi gumising sa umaga. Tapos biyahe pa din for me.
Buti na lang talaga kasama ko si LE sa gym. Nahihiya kasi ako sa katawan ko dun. Parang one-half lang ako nang ibang tao dun. Yung iba pa nga, one third lang siguro ako. Karamihan kasi, gusto yatang mag-lose ng weight. The rest, ok na ang mga katawan at nagtotone na lang siguro. Ako lang ang nag-iisang patpatin. Pero bakit ba? Alam ko payatot ako kaya nga nag-gygym e. At least I'm doing something about it.
At syempre hindi lang naman gym ang ginagawa ko. Sinusubukan ko ding mag-gain ng weight. Ang weird nga e. Kasi nung tinimbang ako sa gym, aba gumaan pa ako! Wow! Magka-weight na nga kami ni LE...
Ang hirap pala kumain nang madami. Hindi kasi talaga ako mahilig sa food. Kahit anong sarap pa ng food na iyan, kung busog ako at hindi ko feel kumain, ayoko talaga. Pinipilit na lang nga ako ni LE kumain minsan. Pinapabili niya ako ng maraming food tapos hindi niya ko tatantanan hanggang hindi ko nauubos iyon. Sabihin ko "Oo, kakainin ko mamaya...'. Pero sasabihin niya, "Hindi, now na! Kainin mo iyan! You don't know how hard it is for me! Ako gusto kong kainin iyan, pero pinipigilan ko lang sarili ko" Hehehe. Sabi nga namin, kaya kami bestfriends e dahil pareho kami ng weight. Kapag bumigat na ako, at gumaan na siya, magdridrift apart na din kami.
Natutuwa ako sa gym. As in yung gym place. Maganda kasi. Amoy eucalyptus ang hangin tapos pwede pa manood ng TV habang nagtretreadmill. Naalala ko pa nung una akong nag-treadmill... Tinawanan pa ko ni LE... Pakshet.
Astig din yung locker room. Puro salamin, pati yung lockers. Nung una nagulat ako nang bigla na lang may naghubad sa gilid ko. Well, kebs naman ako. Eventually hindi ko na naiisip kung may ibang tao ba kung magpapalit ako ng damit.
Tiba-tiba ang mga gays sa wet area. Isang tanggalan lang ng curtain at voila! Kitang-kita nila in all their glory ang kanilang mga type na hunks. Hehe. Buti na lang nung nag-shower ako wala akong kasabay. Otherwise, baka may iba nang nangyari.
Ang weird naming mga bisexuals 'no? You can't place us anywhere. We defy your rules. Ilagay mo man kami sa men's area or sa women's area, jackpot kami lagi. Kahit na may separate section na "Wet Area for Bisexuals", aba tiba-tiba pa rin kami! Dapat meron kaming individual na area para walang malisya.
Baka isipin niyo naman malibog ako. Hindi yata oi! (Ilang percent sa inyo ang maniniwala dun?) Nilalagay ko naman sa lugar. Kung gym, gym lang. Kung sex, sex. At hindi ko naman na-consider na manilip or kung anuman dahil baka mabugbog pa ako dun at ma-evict sa gym. And in any case, I'm taken. Yikes! Wehehehe...
Which leads me to the question... Why now? Why get physically healthy now? Una, dahil nagkataon na may promo yung gym na yun kaya nakamura kami ni LE. Pangalawa, may motivation na ako. May goal na akong pinatutunguhan. Dati talaga, I didn't care much about how I look kasi wala naman akong pinopormahang tao. Hindi talaga ako nag-eeffort. Kung poporma man ako, hanggang damit lang kasi nga hindi masyado nakakapagod iyon. Bili lang nang bili. Sinasabi ko pa nga dati na ang vain ng mga taong yun. Look who's talking now? Ngayon, nalaman ko na talaga ang purpose ng pagpapapogi.
Yun na nga lang ang iniisip ko e, habang nagwowork-out. Kahit na ang hirap na talaga, at nangangatog na ang mga muscles ko in protest. Go pa din! Kaya ko 'to! Para 'to kay Cookie! Aaaaargh!!! Rest lang ng ilang moments tapos sige pa! Rip daw ang muscles. Sige rip pa! Rip me!!! Waaah!
Pag-uwi ko sa apartment, derecho higa na ako sa pagod. Kinabukasan masakit ang chest, ang arms, masakit abs ko, pero gusto ko nga iyon kasi at least may nangyari sa kanila. Pahinga ng isang araw tapos sabak na naman sa gym.
Tapos, after all pala, hindi din ako magugustuhan ni Cookie 'no? Wow sakit 'nun. All that effort for nothing? Ouch! Pero hindi ko naman ginagawa ito dahil sinabihan niya ako. Ginagawa ko ito para sa kanya. Para hindi niya na ako sabihan ng Skeleton Warrior. After some time Cookie, sasabihan mo din ako ng "I love you, my hunk."
Haay ang saya talaga mangarap.