Monday, March 24, 2008

t = Au

Alam niyo, nitong sem na 'to, pinakanaramdaman kong talagang tumatanda na ako. Una, kapag nagkukuwento ako sa mga students ko sa class, pakiramdam ko parang iba na ako mag-isip. Parang hindi na nila ako nagegets. Parang yung mga iniisip ko ngayon ay hindi pa nila iniisip o di nila planong isipin forever. Oh my gulay. Totoo pala yung age gap.



Pangalawa, minsan hindi ko na feel magkuwento at all! Kakaiba! Ako ba 'to? Ewan ko ba. Parang I've grown out of that phase. Dati kasi, kailangan ko ng karamay sa mga problema ko nun. Nung summer nga umiyak pa ko sa class ko once (or twice yata). Ngayon, hindi ko na ma-imagine gawin yun...



Tapos minsan nararamdaman ko na wala na akong maikuwento. Dati kasi medyo fresh pa yung issue about dun kay "O" tapos kay "alpha". Eh ngayon na natapos na, parang pointless na kung babalikan ko pa yun. Ang weird.



Yung mga iniisip ko pa ngayon, yung pagiging independent sa family ko. Gusto ko na mag-sarili. Noong unuwi ako nung bakasyon hindi ko na feel na home ko nga yung inuwian ko. Mas at home na ako sa dorm eh. Gusto ko na na mag-livein na kami ng baby ko. Alam mo yun...



Tapos 'di ba, kung napansin niyo, hindi na ako adik mag-blog. Parang wala na akong masabi sa inyo.



Akalain mo. Nagbabago din pala ako. Iniisip ko kasi dati forever na akong ma-emote. Forever na magsusulat o magkukuwento sa class o kaya makikipag-friends (minsan more than friends.. joke!) sa students... Masaya na kasi talaga ako ngayon. Kuntento na ako. Napuno na yung mga kakulangan ko dati kaya feeling ko hindi ko na kailangan ng atensyon at pakikinig ng iba. Parang wala na akong problema masyado...



Pero alam niyo, nalulungkot ako na hindi na ako nagsusulat masyado. Kasi kapag sinusulat mo nga iyong mga nangyari sa buhay mo, parang nagiging makabuluhan siya. Naaalala mo yung mga pangyayari sa buhay mo noon. Kung wala kang record, para bang ang bilis ng panahon. Parang naghahalo-halo na yung mga araw na kapag binalikan mo tuloy yung panahon na iyon, wala ka nang masabi about that period. Isang taon ang lumipas at walang nangyari kundi tumanda ka lang. Yun na yun.



Nakakalungkot. Kasi gusto ko pa man sana na isulat ang buhay ko. Lahat ng mga mahahalagang nangyari... Pero kasi, hindi naman ako makapagsulat kung wala akong paghuhugutan na emosyon. Mas nakakapagsulat ako kapag malungkot, eh masaya na nga ako ngayon di ba? Tapos stable naman ang love life ko. Wala na tuloy akong makwento. Haay...



Wait! May na-realize ako. Parang may experience points pala ang buhay. May mga mangyayari sa iyo na problema tapos kapag nalampasan mo yun, tataas ka na ng maturity level. Kagaya nung nagkaroon na kami ng closure ni "O" at tinanggap ko na talaga, pakiramdam ko ang laki ng itinanda ko. It was the end of an era. Kaya heto ako ngayon, nag-iiba na...



Actually, nalulungkot din ako sa papalapit na launch eh. Kasi patapos na din ang era ko ng paggawa ng albums. Kaya din ako nag-insist na i-push through ang event na ito kasi I have a feeling na baka wala na 'tong kasunod. Kung baga ito na yung culminating activity ng paggawa ko ng albums kasi malapit ko na ma-outgrow yung phase na yun.



Nakakalungkot. Kasi... itong mga bagay na ito ang nagbibigay ng kahulugan sa aking buhay. Paano na lang kung next sem, hindi na ko magsha-share sa mga students ko? Paano na lang kung wala na silang album? Paano na lang kung magsara na ang blog na ito?



So ibig sabihin ba nito ayaw ko na magbago ako? Ibig sabihin ba ayaw ko ang mga mangyayari sa akin in the future?



Gustuhin ko man o hindi, ganoon talaga ang mangyayari sa akin. Ayaw ko man o gusto, wala akong magagawa sa pagiging mas mature ko habang tumatanda ako. Alangan namang 40-years-old na ako tapos nakiki-party pa din with students di ba? Medyo freaky na yun.



Nakakatawa talaga. Kapag bata ka, gusto mo maging matanda. Kapag matanda ka na, gusto mo naman maging bata ka ulit.



Ang iisipin ko na lang siguro, at least, noong nasa ganitong phase ako ng buhay ko, na-enjoy ko naman siya. Wala akong pinalampas na pagkakataon. At least nagawa kong:



  • manligaw (ng girls and boys)


  • masaktan (ng girl and boys)


  • magka-girlfriend


  • magka-boyfriend


  • mag-sexplore (hay nako, hormones talaga)


  • madevirginize


  • magpakalasing


  • mag-yosi


  • mag-party at gumimik, trips with friends etc


  • magsulat nang napakadami at mag-publish ng libro


  • gumawa ng albums


  • kumita ng pera


  • maging noble at bayani ng bayan sa pagiging isang guro ng UP!


  • mag-share


  • mag-OUT


  • maka-touch ng mga buhay (drama)


  • mag-speech sa mga totoong events (salamat sa Chemsoc)


  • mag-perform (go boron trifluoride!)


  • mag-move on (woohoo! clap clap clap!)


  • marami pang iba


At higit sa lahat



  • mag-organize ng sariling event with the help of my friends (I'M TALKING ABOUT THE LAUNCH, MAN!)


***Promotional chorva lang pala itong blog na ito. Hehehe.



Pero seryoso, at least may mga nagawa naman akong mga bagay na makaka-improve sa buhay ko (at hindi lang sa acads noh, 'di ako nerd uy). Kahit na tapos na yata yung phase na yun, I did what I could.



Pero nakakalungkot pa din.



Kulang talaga ang panahon 'no? Kaya dapat go lang ng go!



2 comments:

  1. Sir nako! Ibig sabihin ba nyan di ka gaano nag eenjoy samin? O talagang nag babago ka na,LEVEL UP na?ü
    Sir tama ka maganda ngang may document ang events ng buhay mo, or else, pag gising mo isang araw, "Ay ano nga yon?" na lang nh?
    Hoy sir, nkakarelate naman kami! Di lang umiimik or nag cocomment. Di naman kasi recitation mode.ü Haha!

    ReplyDelete
  2. Ganun talaga...pana-panahon lang yan...

    Everybody's changing and I don't feel the same...


    :)

    ReplyDelete