Saturday, September 22, 2012

Minsan

Sabi mo, sabi mo.

Ako lang yung taong. Kakaiba sa lahat ng nakasalamuha mo. Ako lang yung taong. Kapareho mo mag-isip. Ako lang yung taong. Nakausap mo. At nakapagpalimot sa iyo. Ng pagdaloy ng oras.

Sabi mo, sabi mo.

Iba talaga ako. Kaya kapag ako ang kasama mo. Kaya mo ring sabihin sa akin. Ang mga bagay. Na hindi mo kayang sabihin sa iba. Sabi mo iyon sa akin. Nung magkaharap tayo sa mesa. Nag-yoyosi tayo. At napaliligiran ng mga. Taong mayayaman.

Sabi mo, sabi mo.

Huwag ako dapat mahulog sa iyo. Sabi mo, dapat. Pigilan ko ang sarili ko. Kasi ayaw mo na ako. Ay maging isa na namang biktima. Ayaw mo akong mabilang. Sa mga nahuhulog sa iyong bitag. Gusto mo sana akong maiba sa kanila. Dahil sabi mo nga. Ako ay. Kakaiba.

Pero sabi ko, sabi ko.

Ang kapal ng mukha mo. Mag-assume. Sabi ko, sabi ko. Alam ko. Ang mga ginagawa ko. At hindi na ako inosenteng bata. Na tanga pa sa larong ito. Na kung akala mo ikaw ang nangunguna. Ay mas nauuna ako.

Pero, pero

Sabi-sabi ko lang iyon. Kasi ang totoo. Ay okay lang akong. Magpaka-tanga. Para sa iyo. Minsan talaga. Minsan. May mga makikita tayong mga tao. Na alam nating. Worthy. Ng ating pagpapaka-tanga. Minsan talaga. Nangyayari yun. Sa atin.

Yung gabing iyon. Nung sumabog ang utak ko. Kasi nayakap kita. Yun lang yun. Yun lang. At dumaloy ang luha ko. Kasi na-realize kong. Gustong-gusto talaga kita. At sa buong buhay ko. Doon ko lang naranasan. Yun. Akala ko dati. Naranasan ko nang lahat. Hindi pa pala.

Pero sana, sana

Hindi mo na lang nalaman. Kasi ngayon, wala ka na. Kasi ngayon masaya ka na. Sa piling ng iba. Kaya ngayon, sabi ko, sabi ko. Manhid na ako. Kasi mas mabuti pa iyon. Kesa maramdaman ko yung sakit. Na minsan may dumating sa buhay kong. Kagaya mo. Umalis ka. Pero hinayaan lang kita. At wala akong ginawa.

Sana lang, sana

Minsan. Maalala mo din ako. Na minsan may nakilala kang ako. Na nahulog sa iyo. Minsan nag-usap tayo. Sa ilalim ng dilaw na ilaw. Minsan niyakap kita. Minsan niyakap mo ako. Sana maalala mo. Na minsan nag-yosi tayo. Sa paligid ng mayayamang tao.



No comments:

Post a Comment