Monday, July 16, 2012

Kalayaan

Matutulog na sana ako pero inatake na naman ako. Paulit-ulit sa isip ko ang mga salitang "I want to die" at kahit na napapadalas na rin ang mga ganitong episodes ko nitong mga nakaraang taon ay hindi ko pa rin ito natututunang labanan. Ang tanging nagagawa ko na lang ay busisiin ang aking isip at ang aking mga nararamdaman tuwing ganito.

Kapag nasa ganitong mood ako, alam kong hindi ako nasa tamang pag-iisip. Alam iyan ng mga kaibigan ko na kilala talaga ako. Kapag nasa labas ako o may ibang tao, mukhang normal naman ako. Mukhang masaya naman. Pero kapag ganito, iba talaga kasi. Para ba siyang nasa DNA ko talaga. Kung ang ibang tao may mga normal na needs kagaya ng pagkain o sex, ako naman may dagdag na need na magpakamatay. Ganun siya. Kusa na lang dumarating. At mahirap pigilan. Pahirap nang pahirap.

Hindi ko mapigilang magplano ng mga para-paraan kung paano ako magpapakamatay. Nakakaisip ng iba-ibang strategies (na hindi ko na ilalagay pa dito dahil baka pigilan niyo pa ako). Marami-rami na rin akong mga planong nai-ayos sa utak ko. Ang problema ko nga ngayon ay hindi kung paano ako magpapakamatay kundi kung saan. Kasi iniisip ko din naman kung paano yung scenario kapag matatagpuan ako. Ayoko namang makadamay ng iba masyado. Pero tandaan ninyo ha. Hindi ko ito sinasadya talaga. Natural na lang na hindi ko mapigilan ang isip ko na bumuo ng mga planong ganito.

Sa paglipas ng panahon, nag-improve na din ang mg motibo ko kung bakit ko gusto mamatay. Siyempre nagsimula iyan sa petty personal issues na ngayon ay nalamapasan ko na. Ngayon siguro, kapag iniisip ko kung bakit nga ba ako na-aattract sa kamatayan ay dahil pagod na lang talaga ako. Pagod na ako mabuhay.

Pagod na ako. Kasi paulit-ulit lang naman ang lahat. Kasi kahit na nakakalampas naman ako sa mga episodes na ito (feeling ko makakalampas din siguro ako sa current episode na ito) ay alam kong mauulit na naman siya in the future. At kahit na ang dapat ko ngang gawin kapag ganito ay i-distract ang sarili ko, yung aksyon na iyon mismo ang ikinakapagod ko. Yung pagsummon ng will na iyon para i-distract ang sarili ko. Yung will na yun para mabuhay. Yun ang napapagod na akong ipa-alala sa sarili ko nang paulit-ulit.

Nailathala ko na sa mga dati ko nang naisulat ang pagka-intense ng mga damdamin at mga iniisip ko, at isa pa iyon sa dahil ng aking pagkapagod. Pakiramdam ko kasi lagi na lang ang tindi ng dating sa akin ng mga feelings. Kapag saya, sobrang saya. Kapag lungkot, sobra din. Nakakapagod. Parang nagagasgas na masyado ang loob ko. Kaya minsan parang ayoko na.

Sa totoo lang, tinutulungan ko din ang sarili ko. Kapag may sobrang sayang moment nga, talagang sinasabihan ko ang sarili ko na "See? Kung nagpakamatay ka, hindi mo ito mararanasan." Pero sa ilang beses ko na na nagawa iyon, parang wala pa din. Makakalimutan ko din iyon o maisasawalang-bahala kapag umatake na naman ito.

Isa pang way na naiisip ko para mapigilan ang sarili ko ay kung may boyfriend ako. Kasi isa siyang effective na distraction, hindi dahil sa lonely ako mag-isa dahil matagal ko nang na-overcome ang factor na ito. Yun lang. Isa siyang distraction. Pero at this point in my life, medyo wala akong gana na talagang makipag-relasyon kaya mukhang mahihirapan akong gawing way ito para humaba ang buhay ko.

Isa pang possible way ay kung mabibigyan ako ng panahon na makapagpahinga man lang talaga saglit. Yung tipong isang taon na hindi ako magtratrabaho or mag-aaral. Yung pupunta lang ako siguro somewhere far away tapos doon mag-iisip at magrere-assess ng buhay ko. Yung titingin lang ako sa nature tapos magsusulat ng mga tula. Yung walang ayos ang pagtulog at paggising ko talaga. Yung wala akong burden at kahit anong responsibilities. Kaso dahil walang kuwenta (I'm sorry pero totoo naman kasi talaga) ang mga magulang ko pagdating sa survival in general ay sigurado akong hindi nila ako mapagbibigyan. Mamamatay yung mga yun sa gutom kapag tumigil ako. Scholarship allowance ko na nga nung undergrad pa lang ako hinihingi pa eh, paano pa kaya ang sweldo? So dahil dito, I doubt na matutugunan ang naiisip kong tanging long-term solution sa suicidal problem ko sana. Pero I doubt pa rin na pang-long term nga ito. Baka nga kapag nabigyan din ako ng panahon para makapagpahinga, baka doon pa ako magpakamatay talaga.

Siguro masasabi mong obsessed ako sa ideya ng kamatayan. Madalas ko iniimagine ang pagsasaksak ko sa sarili kong puso. Ewan. Para bang ang sarap niya talaga gawin. Hindi ako nagbibiro. As in. Pati yung feeling na baka kumaskas siya sa ribs. Yung mararamdaman ko yung kutsilyong tumatama sa muscle ng aking puso (Eww kaya nga dapat mabilisan ito eh). Pero dahil sobrang risky nito at kulang ako sa sufficient surgical skills ay malamang hindi ito yung way ng pagpapakamatay ko.

Obsessed ako sa mga last moments ko. Yung pagdilim ng paningin ko kapag mamamatay na ako ay ilang beses ko nang inimagine. Kung ano kaya ang mararamdaman ko nung mga huling segundo ko na iyon. Kung ano ba ang mga huli kong salita (if ever may ibang tao, kung gusto kong melodramatic talaga ang suicide ko). Basta. Kinakabaliwan ko ang mga ito. Pangarap ko nga sana na nagsusulat ako sa blog ko habang namamatay na ako. (Oops may hint ka dito tungkol sa isa kong strategy, think: slow-acting venoms.) Pero baka kasi bigla na lang dumating yung kamatayan tapos hindi ko man lang ma-click ang Publish. Napahiya lang ako.

Natatakot din ako sa mga failed suicides. Yung tipong lalabas lang na isa akong problemadong bata na naghahanap ng atensyon. Nakakahiya! Or worse, yung makaka-survive pa pala ako pero I'll be incapacitated in some way. Parang shit talaga yun. Karma for being suicidal. Kaya nga ang hirap din mag-suicide eh. Kasi dapat sure shot talaga. And speaking of shots, I swear, kung meron lang akong baril. I swear talaga, magiging madali sana ang buhay ko. Literal.

Ang hassle nga din mag-suicide eh. Ngayon pa lang naiisip ko na yung mga preparations.Nakaka-stress. Kasi as much as possible, ayoko ngang maging hassle sa ibang tao ang sarili kong pagpapakamatay. So ayun, siyempre may mga farewell letters. Ano ba talaga ang feelings ko at state of mind. Ano ba ang aking objectives talaga. Mga details kung paano ang gusto kong mangyari sa wake ko dahil unconventional nga ako at atheist pa, etc. Plus yung schedule pa at ang dami pang ibang logistics. I swear, isa itong major hindrance.

Alam ko na sa punto ngayon ay ang daming pumapasok sa isip niyo na maaaring sabihin sa akin kung bakit hindi ako dapat magpakamatay. Pero I doubt kung may masasabi ba kayong hindi ko pa naisip before. Magsabi ka, at malamang sasabihin kong "Alam ko na iyan pero ito pa din ang stand ko." Kung pumaparaan ang isip ko kung paano magpakamatay ay mas pumaparaan pa rin ito kung bakit ako kailangang mabuhay. Kaya nga andito pa ako ngayon. Ibig sabihin, so far, nagwawagi pa din naman ang pagnanais kong buhay. Or actually, ang mas nagwawagi ay ang katamaran ko pang isa-aksyon ang mga plano kong magpakamatay.

Sinabi ko na dati pa na hindi nga siya dumarating porke't malungkot ako. Hindi siya petty na ganun. Malalim din naman ang dahilan. More of existential at hindi personal issues ang main trigger ko eh. Kaya yun, medyo mahihirapan siguro kayong i-argue ako out of this kasi parang I'm decided na talaga. I'm set. Kung mapapa-agree mo ako, alam kong temporary lang yun. Babalik at babalik ako sa ganitong state.

Hay, sa totoo lang kaya ko din isinulat ito ay para maging paraan para maalis ako sa ganitong state. Siguro gusto ko pa din talaga mabuhay. Siguro. Pero yun, dahil nagamit ko na ang "card" na ito, hindi ko na ulit siya pwede magamit for future attacks.

Hay buhay.

Hay buhay talaga.

Maayos naman ako di ba? Hindi naman ako baliw ngayon di ba? Pagod lang talaga ako. Pagod na lang talaga ako.

Hindi na ako umaasang gagaling pa ako dito, kung sakit nga bang maituturing ito. Tingin ko parte na ito ng pagkatao ko. Ang tanging pag-asa ko na lang ay sana, wala akong masyadong masaktang mga tao kapag namatay ako. Sana lang magawa ko siya nang maayos. Sana lang makapaghanda. Hay, nakakapagod. Or dahil baka sa sobrang pagod ko in general pati mga plano kong details sa pagpapakamatay ko ay isawalang-bahala ko na din ang mga ito. Sige lang. Spontaneous suicide.

May statement pa din until the end.

Oh to be free from it all. To be free! 

No comments:

Post a Comment