Wednesday, July 18, 2012

Kulangot Sa Pader

Kulangot sa pader
Isa siyang kulangot sa pader
Hindi kaaya-aya ang itsura
Sana ay hindi na lang nakita

Sana minsan bago maghayag
Konting karunungan ay idagdag
Mga post na wala namang saysay
Ay di makakatulong sa buhay

Lahat gusto ilabas
Minu-minuto, oras-oras
Lahat nais ipasiwalat
Gayong di naman tayo sikat

Wala akong masasabi
Sa mga nais magbahagi
Ang tanging hiling ko lang
Oras ko ay di masayang

Paumanhin kung nagalit
Di ko naman ipinipilit
May karapatan ka sa kung anuman
Ang lumabas sa iyong lalamunan

Naisip ko lang na kahit minsan
Mag-share tayo ng karunungan
Bakit di hasain ang talino
Para sa ikauunlad ng mundo?

Mga kuwentong may lalim
Mga puntong may diin
Mga jokes na witty
Pangyayaring nakakakiliti

Sa huli'y okay lang talaga
Sa Facebook, bahala ka
Isa lamang paalala
Kung ano ba ang mahalaga

Ay sus, naiintindihan ko
Kasi ganyan din naman ako
Pare-pareho lang ding tao
May sari-sariling prinsipyo

Lahat kayo'y aking kaibigan
Galit sa aki'y wala naman
Konting atensyon lang talaga minsan
Ang ating higit na kailangan


No comments:

Post a Comment