Dati pa man ay malaki na ang takot ko sa ROTC. Kahit nung high school CAT pa lang, never ko na nagustuhan ang para sa akin ay walang sense na pagpapahirap sa mga cadets. Marahil dahil lang iyon sa likas kong kakulangan sa testosterone. Hirap akong makisabay sa sobrang higpit na disiplina. Hirap akong maging sunud-sunuran sa anumang sabihin ng officers. At higit sa lahat, hirap akong mag drop like a log at mag-push ups.
First day ng ROTC sa UP at dahil sa aking pagpupursigi na mapadali ang aking haharaping kalbaryo, nabigyan ako ng isang doktor ng medical certificate na papayag sa akin para maging isang medic lang. Sabagay, sabi nga ng doktor, mababa nga daw ang blood count ko at madali akong mahilo at mapagod.
Kinailangan kong umalis ng 3:30 am mula sa Las Pinas para lang makarating ako sa Sunken Garden ng tama sa oras. Alas-singko pa lang pero ang dami na ng tao sa pagdating ko ng UP. Kakagaling ko lang sa sakit noong mga araw na iyon at hindi pa talaga ako tuluyang magaling kaya medyo hirap ako sa pagkilos. Nanlamig ang tiyan ko nang nakita ko na ang mga unti-unting namumuong mga military formations sa Sunken. Agad-agad kong hinanap ang koponan ng mga sissies na medics at sumali sa kanila.
Habang nakatayo kami in formation at nakatingin sa kawalan ay unti-unti ko nang nararamdaman ang nagbabadyang pagsusuka ko. Talagang hindi pa talaga ako magaling. In a way, natuwa ako dahil siguro bibigyan nila ako ng excuse para umupo panandali or baka nga pauwiin na nila ako. Maya-maya pa tumindi na ang pagkahilo ko at nandilim ang paningin ko. Tuluyan na akong sumuray at natumba.
Aware pa naman ako na may nakakita agad sa aking kondisyon na officer kaya inalalayan agad ako. May tumulong sa akin na kapwa ko cadet at pinaupo ako sa isa sa mga stone benches na nakapalibot sa Sunken. Pinainom ako ng tubig at tinanong kung okay lang ako. Sabi ko na kakagaling ko lang kasi sa sakit. Understanding naman sila at binantayan nila ako. Kahit na hilo-hilo ako, napansin ko pa rin na ang cute ng ilang officers, lalo na sa kailang fatigue na uniforms. Lalo na yung pinaka-head ng mga medics. Yung may pulang sumbrero.
May lumapit sa akin na isang nanay na binabantayan din ang kanyang anak. Binigyan niya ako ng Sky Flakes at kinausap nang kaunti. Mahirap talaga ang ROTC, sabi niya. Pag-alis niya ay tuloy ang pag-uusap ng mga officers sa likod ko. Ako naman, kahit medyo umayos na ang pakiramdam, ay nagpapanggap pa na medyo hilo pa dahil ayoko na nga sanang bumalik pa sa pagkakababad sa araw.
Maya-maya ay lumapit muli ang cute na head officer namin. Ang bait niya sa akin. Maalaga talaga siya sa mga pinamumunuan niya. At habang inosente akong nakaharap lang sa Sunken at iniisip kung ano pa ang mangyayari sa araw na iyon, bigla ko na lang naramdaman ang matigas niyang etits sa likod ko. Dinikit niya ito ng ilang segundo bago siya lumakad papalayo.
Lumipad ang utak ko. Gulat na gulat. Iniisip ko kung aksidente nga lang ba iyon pero talagang naramdaman ko ang pag-push niya against me. Parang pseudo fuck nga actually. Napapangiti ako nang kaunti (well dahil masarap din naman yung feeling) pero nangibabaw ang kaguluhan. At kaba.
***
Nang sumunod na linggo ay sa DMST na kami nag-meet. At tiyempong yun din ang panahon (2001) na kung kailan binabatikos at kinukuwestiyon ang ROTC ng buong bansa. Kaya tuloy nagkalat ang mga rallyista sa labas habang pinapahirapan kami sa loob. Ang nangyari pa, ginawa kaming human blockade ng mga offciers para hindi makapasok ang mga rallyista. Nakatayo lang kaming parang mga tuod at nakaharap sa kanila. "Kita niyo na, pinapahirapan lang kayo?" sabad ng mga tibak. "Lumabas na kayo diyan!" dagdag pa nila.
Totoong nahihirapan na din ako nun at gusto ko na talaga sanang sumama sa kanila. Pero ang nag-utos sa akin na tumayo doon ay ang aming officer na madalas ay laging ako ang inuutusan kahit na marami-rami naman kami sa grupo. Kunin ko daw ito, takbo daw ako doon. Pero para sa akin okay lang kasi mabait naman talaga siya sa amin at hindi lang nangtri-trip. "Nauuhaw ka ba?" tatanungin niya. "Kaya pa ba?" Minsan sinusubukan ko siyang tingnan kung aware nga ba siya sa ginawa niyang "pangmamarka" sa akin noon sa Sunken pero napangungunahan pa rin ako ng takot.
Di naglaon ay tumindi pa lalo ang isyu sa ROTC at nag-drop na nga ako. Sayang lang ang uniform ko (na actually, bagay sa akin). Sayang lang ang bota na pagkatigas-tigas. Ang tickler ko. Ang nametag.
Isang araw nakita ko yung officer namin na palakad-lakad lang sa UP. Halong takot (dahil baka galit siya sa mga nang-indiyan) at tuwa (dahil isa siya sa mga unang nag-make a move sa akin) ang naramdaman ko. Pero umiwas din ako ng tingin nang makita kong may kasama siya. Nakaakbay siya sa isang babae.
Umiwas na lang ako ng tingin.
No comments:
Post a Comment