Sunday, January 29, 2012

Gilgamesh

Nasa bus ako nun, nakatingin sa langit. Ganun naman ako madalas kapag nasa bus. Halos idikit ko na nga ang mukha ko sa bintana. Wala namang bago sa mga nakikita ko. Wala lang, ganun lang talaga ako.

Nakatingin ako sa langit nun. Nag-iisip lang tapos bigla ko na lang na-realize na nakilala ko na pala ang gusto kong mapangasawa. Parang yung mga ideas na bigla na lang dumarating. Yung di mo pinilit isipin. Para bang isang ideya na matagal mo nang alam tapos nakalimutan mo lang. Nagulat ako nang narealize ko yun. Sa sobrang gulat ko nga ipinost ko pa sa Facebook pag-uwi ko pero binura ko din naman agad.

Iisa lang naman yung tao na sa tingin ko ay kaya kong pakisamahan habangbuhay. Yung tipong kaya kong tumira sa isang bahay na kasama siya tapos hindi ako mabobore at magsasawa. Yung alam kong laging may bago at laging exciting. Yung kaya naming sakyan ang kalokohan at kawirdohan ng isa't isa. Yung tipong parang soundwaves na may feedback tapos nagba-bounce tapos palaki nang palaki yung resonance. Yung ganun. Gets mo ba?

Iisa lang naman yung tao na yun. Kaya siguro nahihirapan akong humanap ng bago lately. Kasi parang kapag naranasan mo na yung ganun katindi, parang wala nang dadaig pa dun. Kaya parang ang lahat ng mga susunod ay magiging panakip-butas na lang. Kaya siguro wala akong ganang makipag-relasyon lately. Parang natatanggap ko na na kailangan kong malampasan yung gaung katinding mga emosyon. Tapos parang narerealize ko na sa pagtagal ng panahon, parang mas nagiging imposible na na may dadaig pa dun. Na may dadaig pa sa amin.

Akala ko nalampasan ko na ang malaking trahedya ng aking lovelife. Akala ko yun na yun. Pero ito pala ang mas malala. Kasi kahit ano mang pilit pa, huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sa aming dalawa. Wala nang magagawa. At kung meron man, ay hindi ko na rin gagawin. Huli na kasi ang lahat. Wala nang balikan na pwedeng maganap.

Minsan dumarating pa din ako sa punto na halos napapaiyak pa din ako kung bakit naging ganito. Parang ang saya na kasi sana. Pero wala eh, force of nature din ang humadlang sa isang tinginang tila ba isang force of nature din.

Naaasar pa din ako sa mga bagay na hindi ko kayang baguhin. Kung bibigyan man ako ng kakayahan na mamili ay hindi ito ang pipiliin ko. Hindi para sa akin. Hindi para sa iisipin ng iba. Kundi para sa kanya.

Pero ang totoo ay minsan lang naman din yung mga ganung moments. Sa huli mas nananaig pa din na siguro, ito na nga ang pinakamasayang pwedeng mangyari. Wala na naman kasi talagang iba pang pwedeng mangyari.

May mga pagkakataon pala na ang comedy at tragedy ay pwedeng maging isa sa iyong buhay.

- April 2009


No comments:

Post a Comment