Monday, November 7, 2011

Ang Usapan (Ay Usapan)

BABALA: Parang hindi angkop sa mga nakababata. Patnubay ng mga kaibigan ay kailangan.

***

Sinara ko ang pinto at hinarap ang kwarto. Maalinsangan. Mamasa-masa ang hangin. Siguro dahil hindi pa tuluyang nakakalabas ang kumulong pawis ng mga naunang gumamit nito. Well, wala na kong magagawa. Ayoko nang humanap ng iba pang kwarto.

Binaba ko ang aking bag sa dresser at lumakad ako papunta sa may paanan ng kama para buksan ang aircon. Pero bukas na pala. Sa init ng kwarto, ni wala man lang epekto. Hayaan mo na. Mamaya lalamig din iyan. Pumunta na lang ako sa banyo para buksan ang exhaust fan dun. Sana makatulong yun.

Umupo ako sa kama at nagtanggal ng aking sapatos. Nilabas ko ang aking cellphone mula sa aking bulsa at nilagay sa "General" mode. Nag-text ako. Numero. Binaba ko ang cellphone sa dresser, katabi ng bag ko. Binuksan ko na rin yung supot na naglalaman ng sabon, extrang kumot, at tuwalya. Kumuha ako ng isang twalya. Tapos nagtanggal na rin ako ng damit. Hinalukay mula sa ilalim ng isang side table ang mga nakasupot rin na tsinelas. Pati yun,mamasa-masa pa din. Napasimangot ako at medyo nadiri. Hmp. Hayaan mo na.

Nagpunta ako sa banyo at nag-shower. Masarap dahil mainit ang tubig. Maliit yung sabon. Medyo mahirap hawakan. Siguro dapat pinag-igihan ko ang paliligo para mamaya pero pumapatak kasi ang oras. Pero okay lang kasi maliligo naman ulit ako pagkatapos. Nang tapos na ako ay hinablot ko ang tuwalya na sinabit ko sa may tapat ng salamin. As usual, nag-steam na naman sa loob at lumabo ang salamin. As usual din sinulat ko ang salitang "Reason" dito. Yun din kasi yung ginagawa ko dati kapag kasama ko yung Baby ko. Dati pa yun. Matagal-tagal na rin.

Sinuot ko ulit ang aking damit at tumawag sa telepono. Nag-order ako ng isang bote ng Cobra. Kinuha ko ang yosi ko mula sa bag at nalaman kong wala pala akong dalang lighter. Tumawag ulit ako para bumili ng lighter.

Umupo muna ako sa kama at nanood ng America's Next Top Model Rewind sa ETC. Ilang minuto lang, may nag-doorbell. Sinara ko ang mga butones ng polo ko at binuksan ang pinto. Dumating na yung Cobra pati yung lighter. Abot ng pera tapos "No, keep the change." Kulay itim yung lighter. Cricket.

Dali-dali akong nagsindi ng yosi habang pinapanood si Tyra. Wala akong iniisip kundi ang kababawan pinapanood ko. Walang profound na mga bagay. Walang existential angas o kalunos-lunos na drama. Wala. Parang wala din namang bago sa kapaligiran ko. Parang nasa bahay lang ako.

Maya-maya pa, nag-text ka na. Paakyat ka na, sabi mo. Tumayo na ako mula sa kama.

Ding-dong!

Binuksan ko ang pinto at medyo nagtago sa likod nito. Nilingon mo ako at ngumiti ka. "Uy," sabi mo. Sinarado ko ang pinto. Sinarado lahat ng tatlong kandado nito.

Paglingon ko nasa kama ka na. Hinubad mo ang T-shirt mo pero na kay Tyra pa din ang mga mata ko.

"Ano gusto mo?" tanong mo.

"Ang gusto ko? Ang gusto ko ay manood lang tayo ng TV dito. Gusto ko lang minsan ipahinga ang ulo ko sa balikat ng iba. Gusto ko ng mga stress-free na usapan. Tawanan at lambingan lang. Gusto ko lang ulit maramdaman na may katabi ako sa kama."

Pero siyempre hindi talaga yun ang sinagot ko.

"Ang gusto ko? Ang gusto ko ay iparamdam mo sa akin na ako lang ang mundo mo. Gusto ko iparamdam mo sa akin na gusto mo ako. Yung bastos na klase ng gusto. Yung hindi ako teacher at hindi ka..."

Pero siyempre hindi rin yun ang sinabi ko. Actually wala akong naisagot.

"Ano?" sabi mo.

Tumango na lang ako dahil kinakabahan ako at ayoko magsalita. Pero wala na akong magagawa. Ang usapan ay usapan.

***

"Ano ba yang tattoo mo?"

"Snowflake."

"Ah. Ang ganda ng kulay. Bakit snowflake?"

"Umm... komplikado eh."

"Ano nga?"

"Basta."

"Ano nga?"

"Alam mo yung... Emergence?"

***

"My gifted chemist..." bulong mo habang magkayakap tayo. Masaya ako pero hindi ko pinapahalata. Masaya at kuntento. Swabe lang ang lahat. Halos perfect nga para sa akin. Pero hindi ko dapat ipahalata.

Hinalikan mo ako tapos hinigop mo ang hininga ko. May parang-plunger na tunog. Nahilo ako nang konti sa kawalan ng hangin. Ang hilig mong gawin yun.

Nilipat mo ang TV sa Discovery Channel. Hindi ko alam kung bakit yun ang napili mo. Hindi nababagay sa scenario. At dahil madaldal ka, maya-maya nag-uusap na tayo ng Chemistry. Ayoko sana nang ganung usapan pero parang yun talaga ang gusto mo.

"Alam mo, ang ganda ng mata mo," sabi mo. "Parang..."

Hindi ko naintindihan kung parang ano nga dahil ayoko makinig sa mga papuri. Ayoko ng masyadong mabait sa akin. Pero dahil ikaw yun, kinikilig pa din ako. Ayoko nang ganito. Hindi ako dapat sumaya nang ganito. Kasi wala na namang papatunguhan 'to. Ayoko nang ganito kasi parang... Parang totoo. Pero alam natin pareho na umaarte lang tayong dalawa.

***

Malapit na tayong umalis mula sa kwartong yun at niyakap mo ako nang mahigpit na mahigpit. Pwede sana akong magpakalunod sa sandaling iyon. Pwede ko sanang paniwalain ang sarili ko na baka ano nga... Baka pwede. May sinasabi ang mga tao na "the sex of their lives". Alam ko, noong mga panahong iyon na ito nga iyon para sa akin. Pero siyempre, hindi ko yun sasabihin sa iyo.

Nag-desisyon tayo na hindi tayo sabay lalabas para hindi awkward. Nauna ka dahil medyo gabi na din at may pasok pa bukas. Tumayo din ako para ako na ang magsara ng pinto. Para bang bisita kita talaga sa aking bahay.

"Bye, Sir," sabi mo.

Umupo ako sa harap ng salamin at nag-yosi. Wala akong nararamdaman. Walang bago. Parang wala lang talaga.

Tumunog ang aking cellphone. Nag-text ka.

"Thank you."







No comments:

Post a Comment