Wednesday, April 13, 2011

I Kissed A Girl

August 16, 2008


Strangely, now that I'm as good as married, I never thought that one of the things I'd be missing was... that stuff.
It's Katy Perry's fault.
Haha.

Sh*t Happens

August 4, 2008

(And no, I'm not going to talk about anal sex gone wrong. I'm serious this time.)
I cannot pretend forever. I cannot convince myself anymore that I'm unaffected. It just crashes into you one day - God, he's gone Bryan. You left him again and where does that leave you now? Why are you always so hungry for melancholic and masochistic events like this? Why did you have to do this?
Was it for your album? For Gun? For an album most of your students will not even feel and appreciate?
The weather isn't helping either. It's always cold now. And you're awake during the night. You sleep through the day until past noon so you miss the warmth and you neglect your duties. Your job. You neglect yourself. You waited for 24 full hours before you ate again last time. You can almost feel you bones jutting out in protest.
It's just that - you know, when you're in this stage, you ask yourself who you are living for? What is the purpose of everything that you do?
It gets so bad at times that you don't even want to leave your bed. Where will you go anyway? Your bed is the place for you right now. It's the only place you can really be alone.
And yet I get to thinking why some of my friends still love me despite who I am.
You know, what teaching really taught me is how to let go. I've learned not to be attached to my students anymore. I've learned to savor each moment while it lasts and when it's gone, I can fully accept it because I've prepared myself for it. I've learned not to cry about it. Add that to what I've gone through with Esme, Hunter, and lately, Ian. I've mastered the art of letting go.
I didn't even shed a tear when my pet cat died. He was my late night companion for almost eight years and not a single tear!
I'm becoming harder and harder and numb to worries and if all the people I care for disappared in an instant, at this point, I would hardly feel the difference.
I've held on to my dreams and to my ideals for a long time - I thought they are the things which make me me - but this world has a nasty habit of melting them away from you. The world loves to see you suffer. To show you that everything will not be as you expected it to be. And now I'm darker than ever. Darker and darker, no wonder Heath Ledger committed suicide.
If I go on at this rate, after ten years I'll probably be a black hole, sucking in happiness. If I'm still alive that is.
***
See how bad it is? I talk about shit just to avoid the real problem.
And I don't even know how to mend it. Or do I have the strength to do that? Do I care at all? I don't even want to go through this for me. I don't deserve to get to the end unscathed.
***
And yet when my friends (most of them past students) ask me how I'm doing, wishing me well, somehow... Somehow I find the strength to make it through another day.
But it's never going to be enough.

On the Red Corner

May 23, 2008

May tanong ako sa inyo: sino sa dalawa na ito ang pipiliin mo?

Sa isang banda, andun yung taong nagmamahal talaga sa iyo. Na kahit saktan mo siya, hindi ka niya iniwan. Nung nahulog ka para sa iba at bumagsak ka, siya ang sumagip sa iyo. Nag-eeffort siya para mapasaya ka kahit kaunti. Sinasamahan ka niya kung kailangan mo ng kasama. Hangga't kaya niya, ibibigay niya sa iyo kahit na nasasaktan na siya.

Pero ang feelings mo sa tao na iyon, parang wala na... Hindi mo naman kayang magpanggap kung iba na talaga ang nararamdaman mo. Sinusubukan mong ibalik yung dati niyong pag-iibigan pero may bago ka kasing nakilala... Kahit na anong pilit mo, nag-iba na talaga ang mundo ninyong dalawa...

Sa kabila naman, andun yung "someone new". Yung tao na hinahanap mo sa buong buhay mo. Yung tao na masaya ka na basta't makasama lang siya kahit sandali. Yung taong hinahangaan mo, anumang aspeto ng buhay niya. Yung taong kaya mong ibigay ang lahat para lang mapasaya siya. Yung tipo ng tao na ipagpapalit mo yung karelasyon mo kahit na hindi ka naman sigurado sa nararamdaman niya sa iyo. Yung tao na nakakapagpasaya sa iyo kahit na sa simpleng usapan lang. Yung tao na nagparamdam sa iyo ng mga bagay na ngayon mo lang naramdaman sa buong buhay mo.

Pero ang feelings ng tao na iyon para sa iyo, hindi mo talaga sigurado. Actually, parang WALA naman talaga pero hindi pa kasi talaga malinaw kaya umaasa ka pa din. At kahit na malaman mo na mahal ka din niya, hindi naman magiging kayo dahil planado na ang buhay niya. Inalay niya ang buhay niya sa Diyos at hindi niya pwedeng ipagpalit iyon sa iyo. Pero walang duda na mas gusto mo itong tao na ito kaysa sa isa.

SINO NGAYON ANG PIPILIIN MO?

YUNG TAONG NAGMAMAHAL SA IYO O YUNG TAONG MAHAL MO?


Ian

May 20, 2008

Masakit isipin na wala ka na. Masakit isipin na hindi ka na magtetext. Masakit isipin na wala nang magsasabi sa akin na "you're not alone"...

Ikaw pa mismo nagsabi that I should hold on... And I did. I held on until the very end. Even now, I am holding on to you. Kahit na wala ka nang pakialam kung ano man ang sakit na nararamdaman ko ngayon... Wala na akong patutunguhan eh. Ikaw na lang. Ibinigay ko na ang lahat para sa iyo at iiwanan mo pa ako.

Alam mo kasama ko yung ex-boyfriend ko kagabi... Yung ipinagpalit ko para sa iyo. Tapos sinusubukan kong ibalik yung dati naming pinagsamahan. Kaso wala eh. Minsan nandoon, kapag iniisip ko yung mga good times namin together. Pero panay pa rin ang tingin ko sa fone just in case mag-reply ka na. Maraming nag-tetext sa akin lately at todo asa ako na baka ikaw yun kapag nag-vibrate na yung fone ko... Pero lagi na lang hindi ikaw eh. Dapat hindi na siguro kita i-text para hindi na ako umasa. Mas masakit lang eh...

Ikaw na ang nakatira sa puso ko ngayon. Ikaw na. Sinusubukan kong paalisin ka pero wala kasing tutumbas sa mga naramdaman kapag tayo lang ang magkasama. Sa buong buhay ko, ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng mga iyon. Kaya hindi ko kayang basta na lang i-give up ang mga alaala natin.

Marami rin kaming pinagsamahan nung ex ko alam mo ba? Pero ang hirap na talaga ibalik yung dati eh. Ikaw pa din ang iniisip ko. Bawat minuto. Bawat araw. Iniisip ko pa rin kung paano ka babalik bilang kaibigan ko... Iniisip ko pa rin kung paano makalimot sa sakit. Iniisip ko kung nagkamali nga ba ako...

Siguro kung hindi ako umamin, magtetext ka pa rin. Sasabihin mo na napakinggan mo na yung album. Magtatanong ka about your grade. Sasabihin mo na nakaka-miss din ang class natin. Na nakaka-miss din ako...

Siguro kung hindi ako umamin, makakasama ka pa rin sa future gatherings ng class natin. Makikita pa kita. Alam mo naman na hindi ako masaya kapag hindi ka kasama... Makakausap pa kita about life and love and religion and yung pagiging antukin mo... Hehehe

Naalala ko pa yung first and last Starbucks natin. Nakakatawa na caramel frappe yung inorder mo eh yung code name mo nga sa mga usapan namin ay "caramel"... Naalala ko na pinicturean mo yung Starbucks logo. Naalala ko yung nag-bluetooth tayo ng mga songs... Sinama ko nga yung dalawa na yun sa album.

Naalala ko pa nung nag-usap tayo after the practicals. Yung pinapatugtog mo pa yung "Hands on Me" ni Vanessa Calrton pagpasok ko sa room kung saan ka naghihintay. Naalala ko pa yung mga ngitian natin na hindi maipaliwanag talaga ang mga kahulugan. Alam ko naman na alm mo eh. Dati pa. Hindi mo ba inakalang aamin ako? Hindi mo ba inakalang ganito katindi ang nararamdaman ko para sa iyo?

Naalala ko pa yung sinamahan mo pa din ako after para mag-yosi kasama sina Ara at Adonis. Dun ko ibinigay sa iyo yung "Leap of Faith" na pinapagtugtog mo lagi bago ka matulog...

Hindi ko na kaya... Saka ko na lang itutuloy 'to

Murahin Mo Mahal Mo

May 20, 2008

*WARNING: Explicit content

Ano ba ang masama sa pag-amin at kailangan na lang ako laging iwan?

Ano ba ang masama sa pagiging totoo?

Bakit ba lagi akong tinatakbuhan at hindi maintindihan?

Bakit ba pagkatapos kong mag-ipon ng tapang para ilabas ang totoong nararamdaman ko ay lagi na lang akong naiiwang mag-isa?

Bakit ba niya hindi maintindihan?!

Akala ba niya hahabulin ko siya? Akala ba niya pupuwersahin ko siya? PUTANG-INA MO! Hindi mo man lang naisip ang mga ginawa ko para sa iyo! Putang-ina mo! Bakit mo ba ako pinapahirapan nang ganito?

Sa LAHAT LAHAT nang mga ginawa ko... Sa LAHAT LAHAT ng sinabi mong payo, ikaw din pala ang hindi susunod! 

PU - TANG - I - NA - MO!

PUTANG-INA NG MUNDO NA 'TO! Lagi na lang ganito. Kung lahat lang ay nag-iisip at nakakaintindi kagaya ko, walang magiging ganito!

PUTANG-INA!

Nahihirapan na ako eh. Imbis na hangaan man lang ang tapang ko sa pag-amin, lalayuan pa ako. Putang-ina!

Putang-ina talaga!

Putang-ina...

O Diyos ko...

Putang-ina...

Sa dami ng ginawa ko PARA SA IYO AT SA IYO LANG, ito pa ang ibabalik mo sa akin!

Putang-ina... Lagi na lang akong malas sa mga nagugustuhan ko.

Putang-ina, hindi ko na alam kung saan ako lulugar...

Putang-ina talaga...

Ayoko na.

Paulit-ulit lang ang lahat.

PAULIT-ULIT LANG...


Hay Bryan...

Take yourself away. No one can take you there but yourself...

You've been this close...

Can you ever come back to who you were?

Will he ever come back?

PUTANG-INA ang mga pangarap!

PUTANG-INA ang mga panaginip!

PUTANG-INA ang Rainbow's End!

HINDI SILA TOTOO

NANIWALA AKO PERO HINDI SILA TOTOO


PUTANG-INA!!!!!!!!!!!!!

Bukas

May 16, 2008


Bukas. Aamin na ako. Bukas. Sabay kami breakfast. Bukas. Magkakaalaman na. Kahit na sa ganitong panahon, gabi at lasing na naman ako, alam ko na ang sagot niya. Hindi na naman ako uumaasa na magiging kami. Ang dami na niyang earlier commitments. Wala na akong espasyo sa buhay niya.

Pero bukas, magkakaalaman na nga. Handa na ako.

Ano man ang mangyari, alam ko na wala akong masamang hangarin. hindi ko siya pipilitin. Masaya na ako at makakasama ko siya kahit sandali lang... Breakfast. Bukas. Sa philcoa.

Alam ko na, mga kaibigan, na hindi naman magiging kami. Nakipaghiwalay ako para sa wala. Pero para sa akin, mas mahalaga yung nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko.

Sige na, umaamin na ako. Umaasa ako kahit papaano. Kasi pagkatapos nito. Kapag lumipad na siya pauwi, hindi ko alam kung saan na lang ako pupulutin. Pero masaya ako dahil bukas makakasama ko siya. Na kaming dalawa lang. Kahit sandali lang.

Masaya na ako dun.

At least, nagawa kong maging malapit sa kanya.

Putang-ina,

Ang hirap talaga magmahal.

Kahit sarili mo, nakakalimutan mo na.

Basta masaya lang siya, masaya na din ako.

HEHE

Nakapag-blog ako kahit lasing ako.

Hehehe.

Bakit Hindi?

May 10, 2008

Ang dali sanang tumalon mula sa 6th floor condo unit ni Ally. Ang dali sanang lumipad para matapos na ang lahat ng kaguluhang ito. Tamag-tama kasi lasing ako. Tamang-tama kasi sabog ako. Hindi niya ako tinetext at hindi siya makakapunta - sapat na dahilan para lumipad. Nakakaakit ang mga anino ng mga puno sa baba. Parang tinatatwag nila ako na pumunta na sa dilim para sumaya na ako nang tuluyan. Madali lang naman sana kasi ako lang mag-isa sa balcony.

Ang gulo ng buhay ko ngayon. Ang gulo-gulo ko. Hindi na nga ako makapagtrabaho nang matino. Napabayaan ko na ang career ko sa chemistry dahil hindi ko naasikaso ang mga papeles ko para makapag-PhD, ang aking tax problem, ang dorm renewal. Hindi ako makapag-check ng formal reports.HIndi na nga ako kumakain kasi wala talaga akong gana. Sinasabi ko lang na wala akong panahon dahil 10 to 5  araw-araw ang sked ko pero palusot lang iyon. Ayoko lang talaga. Nahihilo na kasi ako.

Pag-uwi ko sa dorm, derecho higa sa kama. Walang ginagawa. Nakatunganga lang. Maraming dapat asikasuhin pero hindi ko kaya pang kumilos. Makikinig lang ako ng musika, lalo na yung mga isasali ko sa "Rainbow's End." Kapag tumugtog na si Sarah McLachlan o si Damien Rice, mararamdaman ko na lang na basa na naman yung unan ko. Mamayang hatinggabi o madaling araw tatawagin na naman ako ng dilim kaya lalabas ako ng dorm para humithit muna ng sigarilyo.

Wala nang mas gaganda pa sa pagtaas ng usok ng yosi papunta sa langit, lalo na kapag gabi. Yung mga swirls and spirals na naiilawan ng dilaw na ilaw ng poste sa labas ng dorm. Ang ganda. Nakakaiyak pagmasdan lalo na't kasaliw ang magandang musika.

Kanina magkasama kami ng ex-boyfriend ko. Nagkita kami ng alas-3 ng umaga. Lasing ako. Puyat siya. Sinagip niya ako sa sarili ko nang ilang oras. Sa wakas, may sumagip din sa akin. Matatapos na din ang lahat. Babalik na din ang nawala kong pag-ibig para sa kanya.

Pero hindi pala. Nagkamali ako. Kasi hindi ko pa mapaalis ang bagong taong nakatira ngayon sa puso ko.

Putang-ina

Putang-ina talaga.

Napapamura na lang ako sa sakit at sa sarap ng mga pinaparamdam sa akin ng tao na ito ngayon.

Simula ng magkita kami nung Labor Day, nasundan pa ang aming mga pag-uusap. Langhiya, tinamaan talaga yata ako ngayon. Nagsuot pa nga ako ng dilaw na gumamela sa tenga ko nung isang araw para lang mapansin niya ako.

Putang-ina nabaliw na yata ako.

Tapos ngayon hindi niya ako tinetext.

Anyway, bawat araw na lang mas nahuhulog ako sa kanya. Bawat araw na kaming dalawa lang ang magkasama, mas nakikilala ko siya nang husto. Malabo pa rin. Walang kalinawan kung ano ba siya talaga at kung may pag-asa ba ako sa kanya. Minsan, pakiramdam ko alam na niya. Minsan pakiramdam ko may ipinapahiwatig siya.

Pero alam niyo, putang-ina ang pagkasarap ng pakiramdam kapag kasama ko siya. Yung tipong kaya ko nang mamatay basta andun lang siya. Ang sarap niya kasi kausap. Yung parang ang pakiramdam ko ay kung ano ang kulang ko, meron siya nun.

Kapag mag-isa na ako, putang-ina naman ang sakit. Kasi naiisip ko na hindi pa talaga siya handa sa ganitong klase ng relasyon. At sinasabi pa niya na masaya na naman siya na single. Gumuho yung pangarap kong sagipin siya at dalahin sa langit. Kasi parang andun na naman siya ngayon. Hindi ko matanggap yun. Pakiramdam ko may itinatago siya. Kung papaniwalaan ko yun, para saan na lang ang pag-iwan ko sa boyfriend ko? Saan ako lulugar ngayon? Ibig sabihin ba walang silbi ang hirap na idinulot ko sa sarili ko?

Aba putang-ina

Hindi ko matatanggap iyan. Ang layo na nang narating ko. Ginusto kong maging malapit sa kanya at nagawa ko nga iyon. Bakit hindi ko pa ituloy-tuloy? May mawawala pa ba sa akin e ibinigay ko na nga ang lahat para sa kanya?

***

"Bakit ako?"

"Bakit hindi?" ang sagot niya.

***

Kanina, habang nanonood kami ng "Ploning"...

"Sabihin mo sa akin Bryan," sabi ng boyfriend ko. "Sabihin mo sa akin na ayaw mo na sa akin dahil mas gusto mo si ***. Ikaw ang makipag-break..."

Nung una, hindi ko kaya. Kasi...

Kasi...

Maya-maya nasabi ko na rin.

"Break na tayo... kasi mas gusto ko si ***."

Naiwan ako sa sinehan na mag-isa.

***

At ngayon hindi sumasagot si ***...

Sino ngayon ang naiwan na mag-isa?

Sino na naman ang talo at tanga?



"I WILL LEAVE THIS MAN JUST TO OCCUPY ONE MINUTE OF YOUR TIME"
-Ingrid Michaelson "Corner of Your Heart"



Hayun.

Iniwan ko nga.