Sumasakit na ang ulo mo. Gusto mo munang magpahinga pero exam mo na sa ilang oras. Ilang pages pa ng notes at libro ang kailangan mong basahin. Antok na antok ka na.
Kinusot mo ang iyong mata at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Puro highlights at underline ang mga notes mo. Ang mga readings. Kung hindi ka lang OC, pati libro susulatan mo na din. Gumagalaw ang iyong mga mata, sinusundan ang bawat linya ng notes at mga equations. Tuloy pa rin ang basa kahit na wala nang pumapasok sa utak mo.
Gawa-gawa ka ng mnemonics kuno para mas madali mag-aral. Notes dito. Notes dyan. I-summarize ang lesson. Pagsama-samahin ang mga equations. Index cards galore.
Hindi ka mapakali kung saan ka pupuwesto para mag-aral. Sa study table? Sa kitchen table? Sa sofa? Pati sa banyo dala-dala mo ang iyong mga notes. Sa kama na lang para mas komportable. Mas malambot. Mas conducive for learning. Hayan relaxed na relaxed ka na sa pag-aaral. For sure mataas ang makukuha mong score sa exam. Yes! Uno here I come!
After 10 seconds, gusto mong matulog muna saglit. Oversleep? Hindi yata. Tatlong alarm clocks ang gagamitin mo para hindi mangyari yun. Alam mo namang kailangan mo talaga mag-aral kaya for sure gigising ka din after one hour siguro? For sure pagkagising mo, mas handa ka nang mag-aral. Konting pahinga muna tapos tuloy-tuloy na. Haaay ang lambot ng bed mo. Yakap mo na si teddy bear. Game? Game!
***
Zzzzz
Ring!
snooze
RING!
Snooze!
RRRINNGGG!
SNOOZE!!
***
Maya-maya...
Cheneztry 16
SECOND LONG EXAM
Instructions: Churva churva churvaloo. Chenes! Karirin!
Question # 991: What is the cheverloo of chukchakchenes if 459.38 Chuvs is chukchak with 3.409857 Keverloo? (Hint: 23.423 Shomabels = 82346 Chismax)
Nerdy Classmate: Keverloo is Chismax to the Nth level. So chuva chukchak chenes times ederlyn. 3434 + 5694859 = 34987 x 23492187 + 1! Square root of shomabels divided by 343 echos. Answer is 1!
Ikaw: ??? Huhuhu... Bakit ganito ang buhay? HIndi pa ba sapat ang ginawa ko? I did my best! Life is so unfair! UNFAIR!
Proctor: Ssshhh...
Luha: (patak... patak...)
Proctor: No crying during the exam please. Deductions chuva remembah...
***
Haaay... Ganyan talaga ang buhay estudyante, kiddo. Lalo na't nasa UP ka... Ang masasabi ko lang bilang teacher ay...
Umattend na sa mga review sessions ko. Hehehe. Inuman na tayo! Woohooo! Hahahaha. Punta tayo UP Fair kids ha? Bonding tayo! :P
HAI! ganyan na ganyan feeling ko nung saturday jan27. chorva yung exams ko... 28 at 33.1 ON THE SAME DAY!!!! ni hindi ako nakatulog the night before dahil sa pagrereview... resulta?? hindi ko na tinapos pagisipan ang mga hindi ko nasagutan sa chem33.1 exam... dahil. ihing. ihi. na. ako. ph1100 ba naman eh! >.
ReplyDeletehaayyy...
ReplyDeletesir, tama kayo jan....
buhay UP....
hehe...
pero masaya din nman khit papano....
tulad n lng ng fair....
haha....
xempre sir, di ko palalagpasin ang fair n un...
1st tym ko yta!...
hehehe...
P.S.
sir, si HYDE (or Hideto Takarai) nga po pla ung kumanta ng The Cape Of Storms...
may pics cia at vids sa friendster profile ko....
hehehe....
>^^,<
tsk. ayaw aq papuntahin ni boyfriend sa fair... magluluksa na kooooo!!!
ReplyDelete"Pati sa banyo dala-dala mo ang iyong mga notes."
ReplyDelete^ haha. ganyan nga ako. ehehe. saya mag-aral. sana lang. hehe.
oversleeping.. yan mismo ang nangyari sa review ko for 28. haha. loser. >_
leche nung jan 27. sabay yung 28 at 33.1. okay lang yung sa 28. parang sample exam lang. problemado ko sa 33.1. napakahirap nung calculations part. naku bat ba ganito ang life. palagi na lang akong pinapahirapan sa acads. hmpf! one day... gagraduate din ako ng chem... humanda sa akin yang organic chemistry...GRRR!!
ReplyDeletehaha... i like this one.. napaka-churva!! it's so "me".. ;P
ReplyDeletesakto... lahat ng mahahalagang okasyon sa buhay ko nakapaloob sa week ng up fair.. hihihi... ;P
haha.. okey 'to sir ah, nice entry, hehe!.. the UP life nga naman.. =]
ReplyDelete