Naaalala mo pa ba noong nagholding-hands tayo habang naglalakad bago pumunta sa Math Quiz Bee noong elementary?
Naaalala mo pa ba ang foggy day noong hawak-kamay tayo habang naglalakad sa park noong birthday ko, kasama sina Lori?
Naaalala mo pa ba noong Experiment 7, Gases, at nagtouch ang ating mga kamay habang tinitingnan natin ang Lung Setup?
Naaalala mo pa ba noong nagholding-hands tayo pagkatapos manood ng "The Breakup", noong araw na umalis ka na sa apartment?
Naaalala mo pa ba noong high school, kapag nagrereport ka ay hindi ako makatingin sa iyo dahil hindi ko mapigilan ang pag-blush ko?
Naaalala mo pa ba noong nasa labas tayo ng Chemsoc Tambayan, noong tiningnan mo ako at sinabing hindi pa talaga "tayo"?
Naaalala mo pa ba noong nakaupo ako sa table sa lab, nagbabasa ng manual at nahuli kitang nakatingin sa akin nang walang dahilan?
Naaalala mo pa ba noong nasa apartment tayo, nakaupo sa carpet at tiningnan mo ko at tinanong kung minahal ba talaga kita?
Naaalala mo pa ba noong inilagay mo ang ulo mo sa balikat ko noong Christmas Party natin kanila Remay?
Naaalala mo pa noong hinalikan mo ako sa van ni Roldan, at sinabing "Etong si Bry? Love ko 'to eh!"?
Naaalala mo pa ba noong sembreak at nag-text ka sa akin, at sinabing hindi ka makapag-concentrate sa pag-aaral para sa exam dahil namimiss mo ang lab class natin?
Naaalala mo pa ba noong nagigitara ako ng "You and Me" habang kinakantahan ka na para akong isang rock star?
Naaalala mo pa ba ang iniregalo ko sa iyong methyl red indicator at mga test tubes, na feeling ko ay hindi mo naman na-appreciate?
Naaalala mo pa ba ang mushy dedications natin sa isa't isa sa acknowledgement page ng ating mga theses?
Naaalala mo pa ba nung nakita mo kami ni LE papuntang Beach House, kung kailan iniwasan mo ko na para akong may nakakahawang sakit?
Naaalala mo pa ba ang mga yosi breaks natin sa rooftop, at dala-dala ko ang aking discman at isang mug ng Pop Cola habang naghihintay tayo ng shooting stars?
Naaalala ko pa ang lahat. Ang lahat ng mga alaalang nagpaparamdam sa akin na parang ang tanda ko na. Na parang ang dami-dami nang nangyari sa buhay ko.
Lahat ng iyon ay aking aalagaan. Lahat ng mga alaalang hindi ko na maibabalik pa. Mga alaalang masaya, malungkot. Mga alaalang nasaktan kita at nasaktan ako.
Lahat ng mga iyon ay magiging parte pa rin ng aking buhay, kahit na kanya-kanya na tayo nang landas na dinadaanan ngayon. Lahat tayo ay may natututunan sa ating mga nakaraan. Kahit na may iba na akong mahal ngayon, nais kong malaman niyo na lahat kayo ay minahal ko, minahal niyo man ako o hindi. Ikaw, ikaw, ikaw, at ikaw.
parang kilala ko ung IKAW (in green)...hehehe...:)
ReplyDeletehaay yung sa high school lang ako di maka-relate (dahil wala pa ko nun sa buhay mo, friend). pero mukhang alam ko din kung sino yun. kilala ko silang lahat. naikwento mo silang lahat. bry, minahal ka din nila kahit papano... hindi man romantic lahat (not sure though) pero alam kong they all cared for you somehow
ReplyDeletewow, bryan, you know, i can so totally relate to this particular blog of yours. and sheeet, ang tanda na natin... sigh. Sometimes i'm glad about it and sometimes, i'm not. mwah!
ReplyDeletenakakatouch. ewan. may mga naaalala tuloy ako dahil dito.
ReplyDelete