Three hours ago...
Haay ang init naman. Bakit kanina nung lumabas ako ng bahay malamig naman? January night naman ha. Dapat yata hindi ko na sinuot yung bago kong jacket. Kaso hindi na din kasya sa bag ko eh, so why not isuot na lang? Kesa naman hubarin ko pa dito sa kalye.
Kung huhubarin ko, hassle pa 'no. Una, aalisin ko yung bago kong shoulder bag (yung regalo ni Yummy) tapos hahawakan ko muna, tapos aalisin ko yung backpack ko pa. Baka manakawan pa ko ng celfone dahil magmukha akong easy prey 'no. No way 'tol. Tiis na lang sa init. Besides, ayos naman yung jacket mo di ba?
Bakit ba kasi ang tagal ng bus? At bakit ba kasi ang daming tao ngayon e gabi na? Anong oras na kaya? Wait... Hindi ko suot ang relo ko. Sa fone ko titingnan? Ngye, ano ako, hilo? Dami kaya magnanakaw dito. Never ko nilalabas ang fone ko in this area. Baclaran kaya ito. Notorious.
Ah Wednesday night kasi. Madami ang nagsimba. Naku baka ma-karma ako ngayon. May pagka-antichurch pa naman yung latest blog ko.
Asan na ba yang lintek na Fairview bus na iyan at nang makauwi na ako. Kailangan ko na i-text bf ko. Naghihintay na yun sa kin. Pagdating ko sa KNL, magpapa-load agad ako. Tapos internet. Tagal ko nang hindi nagblo-blog eh.
Sakyan ko na kaya itong Fairview bus na 'to? Kaso Ayala kasi ang daan eh. Malayo pa yung iikutan. Mas mahal pa. Taxi na lang kaya?
Pasukan na ulit! Excited na ko sa school bukas! Gising ako maaga para pumasok sa school (that is, kung makakatulog ako tonight). Aayusin ko muna nang kaunti ang table ko, baka inalikabok na. Maghahanda nang kaunti for the lesson... kuno. Actually gusto ko lang pumasok nang maaga kasi maguupload ako ng pictures para sa Friendster. Hehe. Nasa PC kasi sa faculty yung program sa pag-transfer ng files ng fone ko.
May magaganda pa naman akong pics na nakuha kagabi. Niligpit na kasi yung Christmas lights kaya pinaglaruan ko muna. Ang astig nung effect nung lights. As in! Sigurado kapag naipost ko ang mga ito sa Friendster ang ganda. Marami na naman magvieview sa profile ko. I'm so excited na talaga. Dapat mai-upload ko na ang mga pics na yun asap...
LIntek ang tagal talaga ng bus. Pinapawisan na ko. Ang usok pa. Makapunta nga dito sa gilid baka
ILABAS MO ANG CELFONE MO DALI!
Shet shet shet shet shet. Whaat ano ito? Bakit may nararamdaman akong matulis sa likod ko?
HUWAG KANG PAPALAG KUNDI TUTULUYAN KITA!
Ang bilis talaga ng mga pangyayari pero ang weird ha. Ninanakawan na ako pero composed pa din ako. Asus. Halata naman na hindi sanay yung mga thieves na ito. Dalawa sila. Isa sa likod ko, isa sa harap. Ang friendly nga nung nasa likod ko dahil naka-hug pa siya sa akin. Ang tight pa ng hug, may hawak nga lang na kutsilyo. Yung nasa harap ko, nasa mga pockets ko naman yung mga kamay. Sa totoo lang kung hindi lang ako medyo shocked at that time, iba siguro ang maiisip ko.
O HETO ANG PERA KO. WAIT LANG.
Ang shiny nung kutsilyo na nasa harapan ko. Mga 5 inches siguro. Tinutok nga nya sa akin yun for a while sa ribs area. Matulis nga. Pero ewan ko ba kung bakit hindi ako natakot. Resigned na kasi ako at that time eh. Resigned na isuko ang fone ko.Or ang buhay ko. Or wala lang talaga akong pakialam.
Naku nakuha na nga yung fone ko. Nasa bulsa na niya. Napa-smile pa yung nasa harap ko. Hindi naman siya cute. Nagbigay ako ng bill mula sa bulsa ko. Hindi ko na nakita kung ano.
ASAN NA YUNG IBA?
ID KO NA YUN 'NO.
Aba nakuha ko pang ngumiti. Ang worry ko talaga ay makuha nila pati yung ATM card ko. Buti na lang umalis na sila. Na-satisfy na agad dun sa aking fone.
Natulala ako for a while dun sa kalye. Naglayuan ang mga tao sa akin, na-realize ko.
O, MAGLAKAD KA NA PAPUNTA DUN MAG-ISA.
HA?
Ay nasa harapan ko pa pala yung isang magnanakaw na mukhang goon. Maglakad daw ako dun papalayo. E di sige, maglakad. Wala na akong fone. Ulit. Pangatlong beses na ito!!!!!!!!!!
First reaction: Seek help. Magreport sa police. Punta agad ako dun sa MMDA churva. Walang tao. Hay hayaan na nga. Uwi na ko.
Saan ako uuwi? Babalik ba ko sa Las PInas? HIndi na no. Tuloy na ko sa KNL. May pera pa naman ako. Nakita ko from my pockets na bente lang pala yung naibigay ko na bill. Hahahaha. Samantalang yung natira sa pocket ko ay mga 100 bills na lahat. Maswerte pa din ako.
Second reaction: Frustration. Why oh why? And other shitty thoughts habang para akong lost sa Baclaran na ayoko nang balikan pa.
Third reaction: Anger. Hay pakshet talaga! Nampucha! Parang gusto kong mang-away nun eh. Kailangang mailabas ko ang galit na ito or else!!!
Fourth reaction: Pag-eemote. Bakit ganito ang life? Kung kailan akala mo kumpleto na, saka mawawalan ka. Hindi ka hinahayaang maging masaya for long. The Wheel turns at nasa ilalim ka na naman.
Last reaction: Resignation. Ganun talaga. BIbili na lang ako ng bago. Nakakahinayang dahil andun yung mga pics. Yung mga messages ni Yummy na nai-save ko. 9thou din yun no. Pero at least hindi ako nasaktan. Bente lang ang nakuha sa aking pera. At hindi kinuha pati ang mga gamit ko. Buti walang nakuhang mga important documents na hassle pa para mapalitan. Maswerte pa din talaga ako, kung iisipin. Kung ipagpipilitan...
Pero pakshet pa din 'no! Paano ko matetext baby ko ngayon?! Putang-ina!!!!! Isa pa, mas malutong na PUTANG-INA!!!!!!!
kausap lang kita nung isang gabi!
ReplyDeletenagglobe p naman kami...
pakshet...
oh no bo!!! ano bei ito...grrr... ndi b parang nalulusaw n yelo ung feeling mo?? grabe tlga..ganyan nangyari sakin 2 days before our grad nung high school... di bale mapapalitan m yan... haaayyy...
ReplyDeletegrabe bry....what a way to start ur year....anyways....cellfone lang un....atleast un lang ang nakuha no....looking at the brighter side....may reasin ka na ulit para bumili ng new fone....
ReplyDeleteay sad...
ReplyDeletehmm, sir cd namin ^^ juk. isipin nu nln, makakarma sila.
ReplyDeleteParang stages of death yan ah! deh joke..as soon as u get ur new num, post ka agad ha..:b
ReplyDeletehmm. sad nga mawalan ng fone. i guess i should be more careful with my stuff. last sem lang nanakawan yung friend ko WiTHIN UP. imagine that! at ang taas ng araw nun ah. grabeng mga magnanakaw yan. wala man lang pinipiling lugar. WAG SILANG MAKALAPIT LAPIT SA AKIN. kung hinde ay....
ReplyDeleteewan...
sasabihin ko wala akong fone. hahaha..
hope that works.
omg! so sad nmn, kanina rin muntik na kong madukutan ng N95 sa baclaran buti na lang alerto ako, salarin eh yung nagtititnda kuno ng plastic bag na green.. sana maipost mo to pra mawarn yung iba di na ko ng-react kase syempre lugar nila yun ryt?
ReplyDelete