Alam ko naman na hindi ka totoo. Alam ko naman na gumagawa lang ako nang dahilan para masabing may koneksyon nga tayong dalawa. Alam ko, hindi mo ko naiisip kagaya nang pag-iisip ko sa iyo minsan, lalo na kapag nalulungkot ako. Alam ko din naman na hindi ganoon ka-importante ang tingin mo sa akin dahil alam kong maraming tao ang nakapaligid sa iyo. Sila ang naiisip mo.
Alam ko, na sa bawat kuwento ko tungkol sa iyo, na pinipilit kitang gawing totoo sa mundo ko sa classroom. Na ginagamit ko lang ang imahinasyon ko at ng aking mga estudyante para palabasin na merong isang tao sa buhay ko na kaya akong intindihin kahit na ano pa ang gawin ko. Na merong isang tao na magmamahal sa akin, yung may "thrill" kagaya ng isang fairy tale, kung saan parang may mahika ang lahat. Yung tipong isang tiniginan lang nating dalawa, magkakaintindihan na tayo. Yung tipong isang ngitian lang at happily ever after na.
Alam ko, hindi ka totoo. Alam ko na pagpapanggap ko lang ang lahat. Alam ko, pero naniwala pa din ako sa iyo. Naniwala ako na kaya mong punan ang anumang kakulangang nararamdaman ko ngayon, kahit na alam kong hndi mo alam kung paanong interpretasyon ang ibinibigay ko sa simple mong mga salita. Naniwala ako sa sarili kong kathang-isip na binigyan ko ng halo ng realidad sa pagkatao mo.
Natatawa na lang ako sa sarili ko minsan. Na parang ang kapal ng mukha kong umasa na may mangyayari ang gusto ko sanang mangyari. Nakakatawa kung paano ko ipagpilitang may patutunguhan nga ang imahinasyon kong ito. Nakakatawa kasi matanda na ako at hinayaan ko pang maniwala ako sa mga ganitong bagay. Nakakatawa kasi inakala kong malulutas ang mga problema ko kung kaya ko muna silang isantabi at mag-isip na lang ng kung anu-anong mga masasayang bagay na hindi naman magkakatotoo.
Nakakatawa pero nakakalungkot din. Kasi ngayon, naiintindihan ko na na hindi lahat ng gusto ko ay makukuha ko. Na hindi lahat ng puwede kong gawin sana ay dapat ko ngang gawin. Naiintindihan ko na na hindi puwedeng sundan ko lang kung ano bang gustong gawin ng puso ko.
Naiintindihan ko na na hindi na ako bata para maglaro at makipag-flirt sa kung sino-sino na lang. Naiintindihan ko na na kailangan ko ngang gamitin ang utak ko minsan.
Nagpapaalam na ako sa iyo, alpha. Paalam na sa isang panaginip. Paalam na sa lahat ng mga gawa-gawa kong mga ilusyon na hindi naman pwedeng mangyari ni minsan. Nagpapaalam na ako sa mga pangarap. Hindi na ako bata. Hindi na ako naniniwala sa Harry Potter. Hindi na ako naniniwala sa mga animes at sa mga fairy tales.
Ang kailangan kong harapin ay ang katotohanan. Ang kung anong meron ako - ang aking boyfriend. Na kahit hindi man ala-fairy tale ang aming love story. Na kahit hindi man kasing puno ng mahika ang aming relasyon - ay totoo naman at hindi kathang-isip. Naiintindihan ko nang hindi naman ideyal ang lahat. Na kahit magkaroon nga ng problema, ang dapat kong gawin ay ayusin ito, at hindi umasang may darating na iba na totoong makakaintindi sa akin.
Masaya ngang isipin ang ganun - yung ideyal na relasyon. Yung tipong walang away-away. Yung tipong nagkakaintindihan kayong dalawa nang buong-buo. Kung ganoon nga ang relasyon ninyo, maswerte kayo. Pero alam ko din na bihira lang ang mga ganun. Lahat nagkakalabuan din minsan. Lahat nagkakasakitan din minsan.
Pinasok ko ang relasyong ito at may responsibilidad akong dapat sundin. Pero kung huli man ako at ngayon ko lang naintindihan ito... Kung huli man ako at gusto na akong iwan ng boyfriend ko dahil pang-ilang beses nang nangyari ito... Kakayanin ko na lang. Pero kahit papaano ay may tiwala ako sa sarili ko kasi naturuan na niya akong tumayo sa sarili kong mga paa.
Malungkot... Pero buhay pa din ang "Forca"...
***
Suppose I said
I am on my best behavior
And there are times
I lose my worried mind
Would you want me when I'm not myself?
Wait it out while I am someone else?
Suppose I said
Colors change for no good reason
And words will go
From poetry to prose
Would you want me when I'm not myself?
Wait it out while I am someone else?
And I, in time, will come around
I always do for you
Suppose I said..
You're my saving grace
Would you want me when I'm not myself?
Wait it out while I'm someone else?
Would you want me when I'm not myself?
Wait it out while I'm someone else?
***
From John Mayer's "Not Myself"
Hmm. Err... there there?
ReplyDelete(offtopic: hey, it's the same levi i was talking about.)
ReplyDelete*pat pat*
it'll turn out okay. at least D and you got around to talking. and at least now you know where the two of you stand. maybe now you'll get around to fixing things.
you'd better get around to fixing things. or else. :|
take care, now. and feel better. and don't let this be a phase.
*hug*
Mas mabuting magpaalam sa isang panaginip... kaysa manatiling nananaginip at biglang gisingin ng isang bangungot.
ReplyDeleteMas mabuting magpaalam sa isang panaginip... kaysa manatiling nananaginip at biglang gisingin ng isang bangungot.
ReplyDeletec0mfort jfa.. everything will turn out fine.. *hhhuuuuggg*
ReplyDeletekaya po yan, sir. if he really loves you, he'll understand. ang mahalaga naman po ay you've come to realize things. wag ka na po sad. God bless, sir.
ReplyDeletesir... miss ko na kayo.. :)
ReplyDeletekaya niyo yan sir... ma-oovercome niyo rin yan.. :)
hi sir.. sana okey ka na.. =]
ReplyDeletemga karanasan sa buhay nga naman.. 'di madali..