Saturday, July 1, 2006

Sa Motel

WARNING: This blog entry is Rated R. Those who are below 18 years old (especially my past students) are strongly advised not to proceed reading this. This might contain details which some of you may find umm... distasteful? If you are going to proceed though, please keep in mind that even if I am a teacher, I do have my own personal life separate from my profession. I am a normal person, just like you. Don't worry this isn't erotic. (It's funny actually...)


***


10 am, naglalakad ako sa may _______. Palingon-lingon. Kabado. Sobrang kabado. First time ko 'to gagawin. At sa hindi ko pa kakilala. Naisip ko nga na mag-bungee jumping na lang kaysa ituloy ito. Pero, hindi, inisip ko na kaya ko 'to. Ako pa? Si Bryan, susuko? Maduduwag? Adventurous yata 'to. Paano ko malalaman kung hindi ko susubukan? (Clarification, sa girls hindi na ako virgin... Read on.)


Kung saan-saan pa ako nagkalat bago pumunta sa aming meeting place. Ang daming tao, tapos parang lahat pareho nang gagawin ko. Over paranoia. Nakaka-praning kasi mag-isa ka lang, tapos yun pa... Yung gagawin mo. Kabadong kabado ako pero sige, masaya din naman 'to... Sana. Text na lang ng text. Saan ka na? Malapit na ba?


Sabi nya, naka-yellow daw sya. Kaya hayun, tuwing may dadaan na naka-yellow nate-tense ako. Siya na ba yun? Ito kaya? Napa-yosi na ko sa tensyon. Nung pangalawang stick ko na, heto na siya. Lumapit sa akin. Nag-smile. Tumango ako. "Let's go."


Anong itsura nya? Hmmm basta sa tingin ko, mas pogi naman ako. Hehehe. Pero okay naman siya. Of course, mas malaki katawan kaysa sa akin. (Given na un.)Mabait, for one thing. At hindi effeminate. E di lakad na kami papuntang motel. Alam nya yung lugar, so sunod lang ako sa kanya. By that time, tinadyakan ko na ang confidence ko. Tuloy, siya pa yung mas mukhang kabado at bago sa gagawin namin. Na-intimidate kaya siya sa itsura at asta ko?


Oo na, reader. Alam ko tinatanong nyo ang mga sarili niyo kung bakit ko ginagawa ito. Tinanong ko din ang sarili ko nun, habang naglalakad na kami. Alam ko na parang mababa ang tingin niyo sa amin. At bumaba pa dahil nag-eengage ako sa casual sex. Pero para sa akin, wala lang un. For fun lang. At yun nga, para masubukan ang mga bagay na hindi ko pa nagagawa. Sus, 21 na ako. Minsan lang ako magiging bata, kaya habang maaga, go lang nang go! And besides, kaya ko nang alagaan ang sarili ko. Kung magkasakit man ako, kasalanan ko na yun. Aware ako dun.


Anyway, heto na. Pumasok na kami sa motel. Ano pangalan? Alam nyo na yun dahil sukang-suka na tayo sa pangalan nya at ng kanyang lurid trademark colors. Secret pala yung pasukan niya. Ginagawa pa nga ung pinto nung pumasok kami.


Nahiya ba ako sa mga attendants? Hindi. As I've said, ang confident ko nga e. (You have to give it to me. Kung ikaw siguro, umihi ka na sa floor or tumakbo sa takot.) Three hours or two hours? tanong nung attendant. Three hours daw sabi ng kasama ko. May pagka-mahal sya ha. Mga Php 3**. At ako pa ang pinaka-usap nya dun sa babae, e sya nga tong supposedly na mas sanay. Pero ayos lang naman. Bigay ng bayad at iniabot ang susi na may napakalaking key chain.


Pagpasok namin, narealize ko na ang laki pala talaga nya. Hundreds of rooms yata. Pero malinis at mukhang hotel talaga. Makitid ang corridors at maliwanag. May elevator pa nga e. Pag may nakakasalubong kaming staff, nag goo-good morning pa. Ano kayang iniisip ng mga ito sa 'min? Tanong ko sa sarili ko. Pero go lang nang go. Sanay na naman yata sila.  Pasok na kami sa Room ***.


Hayan na ang kwarto. May bed. Malinis na CR. TV at anong tawag dun? Ung table na may drawers at salamin para makapag-makeup ang mga girls. Kulay red-orange ang light sa may bed pero may fluorescent din na naka-off. May fone din siyempre. Ung remote ng TV nakakabit sa wall (at wala syang battery, pano kaya un?) Sa table, may nakalagay na towel at extra bed sheet (pero hindi ko siya napansin agad.) May dalawang red slippers pa nga e. Umupo muna ako sa bed at huminga nang malalim.


Shet, heto na, sabi ko sa sarili ko. Paano ba ito? Konting usap diyan para naman may magawa. Bukas ng TV at nood ng porn. Actually, sawang-sawa na din ako sa porn e. Hehe. Kaya wala na syang effect sa akin. Tapos...


O, akala mo ba ikukwento ko lahat? May privacy din naman ako tsong no! Pero sige, heto na lang mga funny moments... Please para doon sa mga conservative, or masusuka sa mga ganitong klaseng "aksyon", huwag nyo na ituloy ang pagbasa. Kaawaan niyo ang sarili ninyo.


Funny moment 1: Nalock-jaw ako. Lintek! Pero naibabalik ko din naman. Mahirap pala talaga sya gawin... Kaya pala wala akong karapatan na mag-complain kung may gumagawa nun sa akin. Mahirap pala siya.


Funny moment 2: Connected dun sa funny moment 1, di ko sya nagustuhan. May point na muntikan na kong masuka. Haha!


Funny moment 3: Before naman kami mag-meet, ine-encourage nya ko na malaki daw ung sa kanya. Alam nyo na... dirty talk. But no, nung nandun na e biglang napa-Ha? na lang ako sa sarili ko. Ito na ba yung sinasabi nyang  malaki? Pero, hindi naman sa minamaliit ko siya ha (double meaning un a). Siguro malaki lang talaga ung sa akin. Hehe.


Funny moment 4: Wala nang hiyaan sa paghuhubad! Sabagay, naka-ilang sex na ba ako para mahiya pa? Napansin ko lang na, un nga, nung nakita nya yung sa kin, siguro na-intimidate sya kaya medyo tinanggal nya muna sa lime light ung kanya until nagbihis na kami. Actually, nahihiya nga ako maghubad ng brief hindi dahilsa modesty, kundi dahil wala akong... alam nyo na... proper response. Nakakahiya for him un di ba?


Please, kung nagbabasa ka pa rin ngayon at hindi mo na kinakaya, huwag mo na ipagpatuloy. Sasabihin nyo ko ng "Yuck, Bry!" o "Yuck, si SIR!". Ahaha! Kebs naman ako pero winarningan ko na kayo ha. Tao ako. Totoong tao at hindi ako nahihiya dahil parte naman talaga 'to ng buhay. Ako lang kasi ang may guts sa inyo na umamin at magkwento e. Puro kayo hiya! Ewan ko sa inyo! Modernong panahon na kaya yang mga utak-Neanderthal nyo, pwede ba, pakitapon na.


Funny moment 5: Walang effect sa akin ung ginagawa namin sa bed. Shet, sabi ko sa sarili ko. Ano ba 'to? Akala ko gusto ko. Akala ko kaya ko. Kasi parang nung nakita ko na nga, parang "So? Meron din naman ako nyan. Mas malaki pa..." Kaya nag-suggest sya na mag-shower daw. Sabi ko pa, "Naku wala akong towel..." E shongs may towel nga dun di ba na provided? Halatang hindi sanay e.


Funny moment 6: In fairness, may warm shower. May sabon din. Okay... fast forward... sorry! Hanggang sa hayan, may nangyari na sa kanya. Napunta sa legs ko. Wala man lang akong "Holy shit!" na reaction. Wala. Walang exhiliration. Tapos when it was my turn, aba, hindi ko nagawa! Kung anong powers na ng imagination ang ginamit ko, wala pa din! (Ano kayang naisip nya?) So in short, hindi ako nag-iwan ng bakas sa kwarto namin.


Funny moment 7: Kung hinihintay nyo ang tungkol sa part na masakit, well, sorry hindi ko ginawa yun. Kasi sa totoo lang, gusto ko na ako ung "male" part sa amin, e parang never pa sya naging "female" part so, kaya din siguro walang pinatunguhan ang ginawa namin. Well, at least for me walang masyadong erotic benefit. Pero nakapag-shower naman ako, at least. Hehehe.


Hayun kaya heto, may lakas pa kong mag-internet about that. Pero don't take me wrong, hindi ko pinipintasan yung kasama ko. Sa totoo lang, I'm very thankful dahil walang nangyari sa aking masama at tinulungan nya ako na mag-explore. Maswerte ako at siya ang nakasama ko ngayon.


O anong conclusion? Straight yata ako. Or asexual. Haha. Madami din sigurong factors kung bakit ganoon ang nangyari... Bahala na ang future pero I wouldn't say no to another round. Of both. (Kuha mo?)


Hi reader. Wala lang, masaya lang ako today. Hindi siya sa sexual ha, emotional happiness. Medyo natututunan ko nang mahalin ang sarili ko at mas maging open sa mga ganitong bagay. Alam mo ba, kaya ko din isinulat ito dito ay para ma-open ang mga isip ninyo about these things. Sana tanggapin nyo na ang ganitong mga bagay ay normal. Walang masama dito. Naging masama ba ako sa ginawa ko? May nagbago ba sa pagkakakilala nyo sa akin?


Sana wala. Kasi sa totoo lang (class) dapat ngang tularan at hangaan ang mga kagaya ko dahil hindi ako nahihiya na silahis ako (o bakla o straight o kung anuman - di ko pa talaga alam e.) Hindi ako nagtatago, kagaya ng iba diyan na nasa denial stage pa din. Ano bang masama dito? Ang mga sarili lang naman natin ang totoong kumakalaban sa atin. Huwag na nating labanan pa. Mahirap gawin yun, oo alam ko. Napakahirap, pero hahayaan lang ba nating manaig ang ideya ng ibang tao kaysa sa mismong sarili nating pagkatao. Nabubuhay ka ba para sa kanila? Sila ba ang tama at ikaw ang mali?


May tiwala ako sa iyo, reader. Alam ko na hangad mo din ang kaligayahan ko kaya sana masaya ka din dahil sa ginawa kong ito, naging mas kuntento ako sa sarili ko.


Kitams, may kalibugan ba sa entry na 'to? Kung meron kang naisip, ikaw ung green-minded hindi ako ha. Hehehe.


Salamat sa pagbabasa. Sana may natutunan ka. (Bukod sa tips, hehe.)


P.S.
Totoo pala yung nahuhuli ng mga misis kung nambabae si mister nila dahil sa amoy ng damit or ng katawan. Wala lang, kasi naaamoy ko pa din sya sa akin hanggang ngayon.


7 comments:

  1. Weird. It felt like an "informative-type" blog entry. I am conservative, but I don't find this entry offensive either.

    Well, there are plenty of motels "sa may Ermita" so we had a GE subject whose curriculum included briefly talking about how motels are usually designed and fashioned. (If present) The mirror, if I'm not mistaken... is a one-way mirror in some motels (I dunno which ones). It is placed at that particular area for your pleasure.

    Maraming mga bahagi ng entry na eto ang hindi ko naiintindihan... kahit na ba 21 na rin ako. I am thankful for this bold entry. Reminds me of those days. When I hang out with my guy friends, there are times when they seem to sometimes forget that I'm with them... and then I hear their straightforward play of words on sex. Sometimes, they later explain it to me... eh kasi naman sila lang ang nagkakaintindihan! Besides, we are all trained to be open-minded in UP. You know that such a belief exists, but you don't necessarily have to make it a part of your system.

    ReplyDelete
  2. Hi sir! I had to highlight while dragging down just to read everything. Hahaha persevering. Hehehe cheka lang.

    When experimenting next time, just make sure the "variables" are controlled (gets?). Ayon nga sa napanood ko minsan sa MTV, "spread the message, not the virus". Kailangan pa ng mundo ng magagaling na teachers na kagaya mo! Hehe.

    ReplyDelete
  3. Wow, Bry! I know we're not that close pero bilib ako sayo. as in. Looking forward to the next blog entries. I enjoyed reading it. :)

    ReplyDelete
  4. feeling ko sir, kulang ung emotional part kaya wlang nangyari on your side. you don't know him eh at pure sex lang ang usapan nyo.

    tuloy lang ang exploration!!! goodluck at ingat! lilinaw din ang landas kapag nakita nyo na ung tamang tao. girl man un o boy. :p

    ReplyDelete
  5. hah hah! good luck din sa exploration...

    sana yung enlightenment kung ano ba talaga ang trip mo, e maabot mo na...

    pero kahit hindi ka pa rin makapili, ok lang. natutuwa talaga ako sa entry mong ito.

    ingat ingat lang ha!=)

    ReplyDelete
  6. hahaha bry.. dont worry... hindi lang ikaw nalolock-jaw... been there... and yeah, its really hard... nwz, great experience... it was an exhirilating read... =) keri lang ang casual... just be safe all the time!

    ReplyDelete
  7. wagi part 2... sir, tandaan mo to ha... as an HRIM student.. ahem.. ang mga motels at hotels ay nagproprovide talga ng mga basic needs ng guests nila especially the toiletries... okay...
    ganyan din experience ng iba kong friends... asus...

    ReplyDelete