Tuesday, May 29, 2007

Ako Pa Din Si Sir

Hi! Hello! Ako pa din si Sir. Balita ko big-time ka na daw sa org mo ha? Ang galing mo naman. Although aminado akong hindi ko napansin na may ganyan ka palang talent noong nasa class pa kita. Ah... wait! Oo nga pala! Nag-absent ka pa pala sa class dahil sa org activity. Pero at least nagpaalam ka. Tungkol yata sa tarpaulin yun di ba?





Uy! Hello! Kamusta? Ako pa din si Sir. Mukhang di yata tayo nagpapansinan kapag nagkikita tayo ha? Pero naalala mo ba yung dati? Nung nasa class pa kita? Nung ginawa pa kitang spy para sa Second Task? Nakakatawa ano? Allergic ka pala sa hotdogs! Naaalala mo pa ba nung ikaw mismo ang nag-volunteer para doon? Nakakatawa ano?





Huy! Kamusta? Busy ka ba? Ako pa din si Sir. Parang hindi mo sinasagot ang mga emails ko ha? Galit ka ba? Pero naalala mo ba noon? Nung may Chem 16 ka pa? Unknown analysis, tapos kabang-kaba ka. Medyo natatawa nga ako sa iyo eh. Tapos gusto mo talagang siguraduhin yung anions mo kaya nagpaturo ka pa ng centrifuge kahit na pang-Chem 17 lang iyon. Naaalala mo pa ba yun? Yung sulfate, carbonate, at phosphate? Naaalala mo pa ba ang mga yun?





O, ikaw pala iyan! Kamusta ka na? Ako pa din si Sir. Talagang hindi mo sinasagot ang mga pangangamusta ko sa iyo ha? Mukhang nakalimutan mo na yata ako... Pero naalala mo pa noon? Yung dati pa? Nung teacher mo pa ako? Nung nag-bonding moment tayo sa class dahil ayaw niyo pang umuwi? Lahat noon nag-iyakan. Nag-share ng sad moments. Pero ikaw, yung sinabi mo, tungkol sa tatlong beses ka nang nakagat ng aso. Nagtawanan kami lahat. Naiisip mo pa ba ngayon na minsan, may nangyaring ganun?





Pssst! Ikaw! Oo, halika dito! Ako pa din si Sir. Mukhang sinungitan mo yata ako noong nag-YM tayo ha? Ano ba kasing kasalanan ko? Bakit kailangan mo pa akong saktan? Pero di bale, naalala mo pa ba yung dati? Yung Chem 16 class natin? Yung TFW2QR2 Ist Sem AY 05-06? Yung sa PH2206, 7 to 10am? Oo, yung teacher mo ako at student kita. Yung panahon na hindi pa komplikado ang lahat. Yung panahon na Gryffindor ka, at si Professor Snape ako. Yung panahon na hanggang doon lang ang lahat... Naaalala mo pa ba ang mga iyon?





Naaalala mo pa ba ako? Kung paano tayo magbiruan sa klase? Kung paano tayo mag-bonus questions sa quiz? Kung paano tayo mag-House Cup? Kung paano kayo mag-reporting? "Boy Abunda" ka pa nga di ba?





Naaalala mo pa ba ang lahat ng iyon? Nung last day na ng House Cup? Nung nanalo kayo? Nung binatukan mo pa si Xavier kasi akala mo mali sagot niya? Nung binigyan ko kayo ng pins, at siyempre, may "Gryffindor" yung sa iyo? Naaalala mo pa ba nung birthday mo? Kaya sinabihan mo pa akong mag-House colors na shirt para red ang suot mo?





Ikaw. Oo, ikaw. Naaalala mo pa ba noong napaiyak ako sa klase kasi last day na nating magkakasama? Natatandaan mo pa ba? Nang umiyak sina Zynka at MaiMai? Kilala mo pa ba sila? Kilala mo pa ba kami? Oo, ikaw nga. Ikaw ang kinakausap ko...





Ako pa din si Sir... Ako pa din si Sir. Oo, kasalanan ko kung bakit tayo nagkaganito ngayon. Pero kailangan mo bang kalimutan ang lahat? Hindi na ba pwedeng ibalik ang dati? Kahit alaala man lang... Kahit kaunti lang nang mga nangyari sa klase natin noon... Sana may matira sa isipan mo. Sa puso mo.





Naaalala mo pa ba ako? Oo, masama na akong kaibigan. Hindi tayo nagkaintindihan. Nasaktan kita. Nasaktan mo ako. Pero hindi lang naman iyon ang napagdaanan natin. Hindi natatapos doon ang pagkatao ko.





Hindi ka na kagaya nang dati. Hindi na ikaw ang Lui na nakilala ko... Kaya mo na akong barahin. Kaya mo na akong isantabi. Kaya mo na akong saktan nang walang pasubali. Pero kahit na ganun ka na, ako pa din si Sir. Hindi ako magbabago. Para sa mga naging students ko. Para sa iyo...





Ako pa din si Sir...





Ako pa din si Sir.







2 comments:

  1. *huggles*

    ...

    *huggles some more*

    ...

    i don't know what to say.

    ReplyDelete
  2. :'(
    ano p bng masasabi ko?
    mmmmm...
    ...
    ako p din c daisy!
    hehehe...

    ReplyDelete