Kagabi, walang magawa. Naisipan kong uminom nang mag-isa. First time! (Dati kasi, beer lang. E hindi naman ako agad nalalasing dun...) Hayan na. Timpla na ko ng pomelo juice (first time din) tapos halo ng GSM Blue. Masarap siya actually, yung GSM Blue. Kaya nung hinalo ko na nga sila, masarap din ang kinalabasan. Halo sa pitcher, tapos dagdag ng yelo at presto! Handa na akong maglasing, kahit walang kainuman. Pinatugtog ko na ang aking mga CD's.
Hindi na ko gumamit ng shot glass kasi ako lang naman ang iinom so mapapagod lang ako sa kakatagay nun. Narealize ko na medyo kulang pa ang tama, so dinagdagan ko pa ng gin. Hanggang sa ayos na, inom lang nang inom, sabay kain ng favorite ko na Chiz Curls. Yung mascot nga lang nun (yung parang Powerpuff Girl) ang kausap ko. Hwahahaha! Hayan na ang tama! Talon diyan, sayaw dito, higa dun sabay iyak at tawa. May tama na nga ako. Tapos, dahil boring na (hindi naman kasi sumasagot yung Chiz Curls Girl), tinatamaan na din ako ng antok. 10pm pa nga lang e. Kahit na hindi ako satisfied sa tama ko, nagligpit na din ako. Kalahati lang ng pitcher yung naubos ko (pero note na may yelo pa yun tapos dinagdagan ko pa ng gin). Ang hina ko! Pero inaantok na kasi talaga ako. Alam ko naman na kaya ko pa. Muntik ko pa ngang maitumba yung ref namin dahil hindi kasya yung pitcher sa loob.
Paggising ko, wala namang hang-over. Frustrated, dahil hindi ko din na-accomplish ang aking goal na magpakalasing nang todo. Wala naman kasing mag-aalaga sa akin just in case. Ewan ko, sa lahat nang dinanas kong mga problema, kulang na kulang ang paglalasing na iyon. Mamaya na lang ulit siguro...
***
I got this concept from Alan Lightman's "Einstein's Dreams." The book was a collection of stories about different worlds, each of which has a different type of time. In one, there were two kinds - body time and mechanical time.
People following body time do not depend on clocks or watches. They eat when they are hungry, they stop working when they're tired. Those following mechanical time have rigid schedules. They have lunch at noon, dinner at 6pm. They do not eat when it isn't the proper time yet. I tried to do an experiment on myself to see to which group I belonged.
I wear my watch all the time, except when I'm home (where I can simply look at the wall clock), or when I'm taking a bath, or sleeping. After a few minutes of not wearing it, I became uneasy and agitated. I kept wondering whether it was time to go to the internet cafe yet, or whether it was already time to eat lunch, or get out of bed even. Like most of you out there, I realized that I am a slave of mechanical time.
***
Bago pala ako uminom, nung hapon pa, nagpunta ako sa UP at tumambay lang sa Sunken habang nakikinig ng music from my upcoming album. Gusto ko sanang magpakasenti at lamunin ng nostalgia pero lintek! Ang dami palang tao. Yung mga joggers at iba pang sporty people na nagsosoccer at frisbee. Ang dami pang lovers dun, ung tipong pahiga-higa pa sa lap at ano pang kalandian. Holding hands, konting hug diyan. Hindi nakatulong ang pagpunta ko sa Sunken. Naglakad na lang ako around the Academic Oval.
Nung pabalik na ako, may nakasalubong akong little girl, kasama ang dalawang matandang babae (siguro relatives nya). Nung malapit na ako, may inabot na papel yung bata sa akin. Siyempre nagulat ako, nakikinig din kasi ako ng music nun. Yung papel, may naka-stapler na candy. Tapos yung message sa papel, "Do you believe in Jesus Christ?" napa-smile na lang ako, at tumawa din yung bata. Sa loob-loob ko, sabi ko, "Shet, is this a miracle? Is God reaching out to me, finally?" Pero after a while, nakalimutan ko na agad ang aking planong magbalik-loob. Napuno na ang isip ko ng usok ng yosi, ng mga busina ng mga sasakyan at iba pang ingay-tao habang pabalik ako sa KNL. "Nothing's gonna change my world" sabi nga ni Fiona Apple habang tumatawid ako ng kalsada.
***
Nanaginip ako kanina. Tinitingnan ko daw ang picture mo. Yung todo close-up with your close-up smile din. Tapos bigla ka daw pumikit, at unti-unting gumalaw. Parang picture sa mundo ni Harry Potter. Sabi ko pa daw nun, dapat pala dati ko pa ito ginawa. Hayun, nakatingin lang ako. Pinapanood ka. Pinapanood ko ang mga kilos mo, tapos masaya na ako. Sana hindi na lang ako nagising.
***
Nanaginip din ako ng action dream. May barilan daw. Tipong ala-NPA vs the government. Sa mall nangyari ang lahat at may kasama ako na panig ng mga NPA. Heto barilan daw, at in fairness marunong daw ako bumaril at umilag sa mga bala. In the end, natamaan daw yung friend ko na NPA. Yung kasama ko na girl, hindi pa. Tatlo lang kami.
May nakasakay daw sa kotse - isang lalaking nagdadrive at si Jean Garcia (wow). Nabaril daw namin yung driver kaya bumaba na si Jean. Nakatago daw kami sa damuhan (by then nasa labas na kami ng mall). Nagka-ubusan na ng bala at yung mga attempts ko na barilin siya ay nag-fail dahil dun. Tapos heto sya, nakita nya na ang hiding place namin. Tumayo ako, pero yun nga wala na ngang bala yung baril ko. Dinare daw niya ako at tumayo siya sa tapat ko dahil alam nyang wala na nga akong bala, bago niya ako barilin. Nagtarget na ako, isang hila, at bumagsak siya. Sabog ang puso.
Kung kaya ko pumatay sa panaginip, kaya ko din sa totoong buhay. Hindi ba ganun iyon? Dahil habang nanaginip ka, akala mo totoo yun.
Loved the book too...
ReplyDelete