Gabi. Hindi ka pa umuuwi. Nasa'n ka na kaya? Tanong ko sa sarili ko. Shet, ang hirap talaga ng walang fone.
Buong araw nasa apartment lang ako. Walang magawa. Nag-internet. Nag-yosi. Kumain ng Chippy. Nagbasa. Wala nang ibang magawa kundi ang hintayin ka. Iniisip ko, bakit ganito? Baka... ano... kwan. Wala lang ito.
Humiga ako sa kama. Maluwag, dahil wala ka. At nagbasa. Tapos, hayun, bigla kong narinig ang boses mo sa baba. Natuwa ako. Napangiti pa. Sa wakas, umuwi ka na din.
Nagpanggap akong nakikinig ng music para hindi halatang hinihintay kita. Ang tagal mo bago umakyat. Kaya inaliw ko muna ang sarili ko sa pagbabasa. Tapos, andyan ka na. Naramdaman ko. Tinanggal ko ang headphones ko at inulit mo ang sinabi mo.
"May pasta sa ibaba," ang iyong sabi. Malamig ka. Parang malayo. Napangiti na lang ako. At sinabi ko sa sarili ko, "Heto na naman tayo..."
hay sa wakas...an entry about me...hehehe (self-righteous daw ba)dahil jan, uuwian kita ulit ng pasta dahil hindi ka nakakain last time.:P
ReplyDelete