Monday, June 5, 2006

Suicidal Blog Entry

This morning I transferred my belongings to my new table in the faculty room. And as I was rummaging through my things, it dawned upon me that - shet, isang taon na pala akong nagtuturo.



Grabe - the year that was. Kakaiba. Ang daming nangyari simula nang magturo ako dito sa UP. Iba ang feeling talaga. Kanina nakita ko pa yung mga lab notebooks ng past students ko. Medyo may sentimental value pa din, kahit na mga lab notebooks lang. Di ko magawang itapon. Pati nga mga postlabs e. Pati yung panyo na naiwana sa lab na wala pa ding umaamin kung kanino.



Nalulungkot ako. Kasi namimiss ko na sila. O sasabihin nyo na namang kacheapan to. Well, baka nga. Pero iba talaga kasi e. Iba akong teacher, at ibang klase din ang mga students ko.



Isang taon na sina Zynka at Marnie, sina Lyn at Reya, sina Caps at Mr. Linquico, sina Kristel at Tom. Kamusta na kaya sila? Naaalala pa kaya nila ako? Si Sir Harry Potter?



Sa ngayon, kakaiba ang nararamdaman ko. Nakita ko din yung kanilang mga special postlabs at naramdaman ko talaga na nakareach-out din ako sa kanila. Ang sarap basahin ng mga sulat nila. Yung mga tipong "Hindi kita makakalimutan, sir", "Salamat sa lahat", "Astig ka!", "Yosi pa!", "I never thought that I would enjoy Chem..." Hehehe.



Yung mga souvenirs na nakuha ko sa kanila - si Elmo, ung picture nila Zynka and company na nakalagay sa picture frame ko, ung pencil na ibinigay ni Jen, ung anime drawing ni Dhesz, ung last postlab ni Marnie, pati ung mga clay models ng molecules (tinatago ko pa din yun), pati ung latest addition ko - ung binigay ni Ey na board with matching "Kapag mainit, maligo!" Plus, yung yellow na lobo na may mukha ko na gawa nina Lee.



Kanya-kanya na kaming buhay ngayon. Tapos na yung mga panahong nakikita ko sila lagi. Yung mga tawanan at kwentuhan namin. Bawat klase, may moments. Mahal ko bawat isa. Kahit na yung 125 class ko...



Naiisip ko minsan na ang liit naman ng sweldo ko. Pero yun nga, kung nagtrabaho ako sa iba, puno nga ang bulsa ko, maginhawa ang buhay, bago ang mga damit, pero paano naman ang soul ko? Ang puso ko? Walang laman. Ang buhay ko, walang lalim.



Iba talaga ang bonding ko sa mga students ko. Kaya ang hirap kapag nawawala sila.



Ikaw, reader, hindi mo ito nararamdaman kaya sasabihin mo lang - blog nang blog na naman tong si Bryan, wala namang kwenta. Putang-ina mo Bry! Magapakamatay ka na nga! Gago ka! Fuck you! Go to hell! And so forth. Puro teaching chorva lang, paulit-ulit lang naman siya. You thought wrong. Gago ka! Putang-ina mo, anong teaching chorva? Hehehe joke lang.



Isa sa mga greatest wish ko, kapag paalis na ko papunta sa abroad, magkikita kami lahat ng mga students ko. Isang malaking despedida para sa akin na sagot nila lahat ng gastos. Tapos maaalala namin lahat nang ginawa namin in and out of the lab. Gusto ko balikan lahat.



Puso kung puso. Puro ako puso. Kahit na nasasaktan ako, natutuwa ako kasi dito ako natututo. Ngayon nga, kaya kong umiyak dito sa computer shop. Pero siyempre, may tamang lugar para sa mga ganito.



Bakit ba ang lungkot ko na naman? Una, dahil mag-isa na naman ako sa mundo. Pangalawa, ewan...



Nung saturday night, nag-inuman kami ni mommy. At habang medyo lasing pa ako, sinabi ko na sa kanya ang aking pagkatao. Anong reaksyon nya? Siyempre, umaasa sana siya na magkaka-apo siya. Kaya yun, hindi niya masyado tanggap... pero through time siguro, maiintindihan niya din.



Nung past days, walang trabaho. Walang magawa sa bahay. Hindi ako makatulog, kahit na puyat na puyat na ko. Naisip ko na mag-laslas. Minsan, kasi nagsasawa na ako sa ganitong kalagayan ko ngayon. Pinipilit kong tanggapin ang sarili ko na silahis ako, pero hindi pala ganoon kadali. Akala ko noong una, kasi tago pa ako. Pero ngayon na alam mo na, at alam na din ni mommy at daddy (by now, sinabi na ni mommy yun), hindi pa rin pala madali. Kasi ang kalaban ko dito, hindi talaga ang ibang tao, kundi ako.



Bakit ba kasi hindi ko matanggap? Kasi, hindi iyon ang gusto ko. May mga panahon na naisip ko na finally, I can be myself. Na feeling ko masaya ako. Na ayos na magkagusto sa lalaki, pero hindi pa rin. Ano ba ang kailangan kong gawin?



Mahirap ang mga problemang kagaya nito. Tipong internal kasi. Mas madali pa ang problema sa pera, mga LQ, mga deaths, mga bagsak na exam (kahit na hindi ko naranasan hehe), pressure sa studies. Iba.



Alam mo, kung nagbabasa ka ng blog ko, mag-comment ka naman or mag-message. Kasi hindi ko inilalagay ang lahat ng ito dahil walang dahilan. Kailangan ko ng tulong, advice. Kailangan ko ng comforting words. Ang tagal ko nang ginagawa ito nang mag-isa. Eventually, darating din ang kasagutan. Darating din ang ligaya pero sa mga panahong kagaya nito na wala pa siya, kailangan ko ang tulong mo friend. Pare, (mare?), konting help naman dyan, pasayahin mo naman ako minsan.



Masarap ang ganitong buhay. Walang comfort zone. Walang sagot, kasi, alam mo, kapag tumanda na ako, ang dami kong makukuha sa mga ganitong experiences. I'll be a better person. Ang saya kilalanin ang sarili mo. Ang saya makipag-usap sa sarili. (Baliw na kaya ako?) Ang saya kasi may mga napagdaanan na akong hindi ninyo napag-daanan. Yung tipong masaya na ko dahil sa contentment na ok na ko with myself. Yung ganung kababaw na level that you take for granted. Maappreciate ko na ang ganoong kasimpleng bagay.



So anong gagawin ko for the mean time? Magtrabaho, kasi excited na ako sa isang panibagong sem. Isang panibagong taon. Heto nga may... secret na lang!



HIndi naman ako nada-down masyado na feeling ko hindi na ko makakakita ng bagong karelasyon (the term). Kasi kahit kulang ako sa looks, bawi naman sa personality. Bawing-bawi talaga, umamin ka na, gusto mo din ako. Hahaha (hollow laugh).



Confidence lang naman iyan. Kung alam mo yung worth ng sarili mo, you will do well. Kita mo ako (heto na naman sa Mr. Hangin...) Saan ka pa ba makakakita ng taong kagaya ko? Wala! Huwag ka na magsinungaling! I am very interesting (kung nababasa mo kaya 'to, ***? Natauhan ka na ba? Joke lang.)



Sabi ko nga sa mga students ko, ang totoong magaling, hindi na nagyayabang. E hindi naman ako nagyayabang e, sinasabi ko lang ang totoo. (Sabay kidlat, with matching paghaba ng ilong pa.)



Kagaya nito, kahit papaano, napasaya ko ang sarili ko habang nagsusulat nito. Nung una, ang sad ko, but now, may mga hirit na na jokes! I'm so great! (Kitams, joke un!)



Pero syempre, pag-uwi ko sa apartment, paghiga ko sa bed, back to normal na naman ako. Sad. Sorrowful. Lonely. Not happy. Makapunta nga sa Word at makahanap ng synonyms.



Anyway, ano bang sense nitong pagblo-blog ko. Ilang percent lang ba ng aking friends ang nagbabasa nito? Minsan nga naiinggit ako kay Chiyo, kasi ang daming nagcocomment sa blogs nya. Ako, nasan ang mga friends ko? Huhuhu.



Ay sus, sasabihin ng mga students ko diyan. Si Sir, nagtampururot na naman. Mabatukan nga. Syempre, Sir, andito lang kami, walang iwanan forever! (For sure may mag-cocopy and paste nito at ipopost as comment. Pero un nga, sino lang ba ang mga makakabasa nito? Wala din...



Makabili na nga ng fone. Kaso gabi na pala. 1am FYI.



Wala akong maisip na title for this blog. Hmmm ano kaya? Grabe talaga ano? Wala nang maisulat kaya tipong pati mga ganitong thoughts tina-type pa. Ano ba naman to... Gutom na ko. Sa pag-ibig? Sa laman? Gago.



Hayun "Suicidal Blog Entry" na lang title. Para kabahan kayo nang kaunti at basahin nga ang blog na ito. Pero totoo nga ung attempts ko. Masakit pala siya. At sabi nga ni Chiyo dapat blade daw ang gamitin ko at hindi knife. Mamaya, don't worry, bibili ako ng blade. Papakita ko sa iyo ung scar ko sa wrist. As a ghost! Hwahaha.

8 comments:

  1. Gago. Tangina ka.
    Kung magpapakamatay ka, wag sa apartment, at lalong wag sa harap namin ni chase. Mahirap maglinis. At san naman namin ilalagay ang bangkay mo, aber?
    Pero seriously chong, anong kacheapan yang suicide2 na yan? 1. pano na lang ang future students mo? e di wala na silang "sir harry potter" (ewww...sapilitan to) 2. e di wala na kong shopping buddy at fashion consultant 3. wala na kong kasamang titingin kay venus 4. mawawalan ako ng isang matalik (the term haha)na kaibigan (na kahit SOBRANG DAMING atraso sa kin e pinagtiyatiyagaan ko pa rin, iba na talaga may mabuting kalooban)5.kawawa naman si tita, mahal magpalibing ngayon. atbp..
    Di ba matapang ka pare? Walang inuurungang problema? Ulol. E di patunayan mo.

    ReplyDelete
  2. Kelan kaya ung paalis na kayo papuntang abroad? Kayo pa naman ung taong dahil sa achievements e madali na lang makapuntang abroad anytime. Naku, hindi pa naman ako nagpapakita sa mga despidida ever. Dun na lang tayo magkita kung saan man sa abroad kayo pupunta.

    ReplyDelete
  3. oi chiyo, wala naman sa tapang-tapang iyan. i dont care kung sabihin ng ibang tao na duwag ang nagpapakamatay. the fact is, gusto ko lang syang gawin. wala akong pakialam sa sinasabi ng iba kasi mali naman sila. actually, katapangan nga ang pagsusuicide dahil hindi lahat ng tao nakakagawa nito.

    ReplyDelete
  4. oi bryan, ganyan ba talaga kabigat ang problema mo? feeling ko nga, kasi pag nagbabasa ako ng blogs mo, bumibigat ulo ko sa haba ng mga pinagsusulat mo. bakit ko binabasa pa? la lang, interesting nga kasi talga buhay mo. nakakainis ka, puro ka student...kaming mga friends mo di mo na inalala!!! hmmpf, sino nga naman ba kami sa buhay mo.

    kala ko, ako na ang may pinakamabigat na problema dahil 2x na akong bagsak ng cpa boards...naisip ko din magpakamatay kahapon at kanina kala mo...ibabangga ko ung kotse sa rumaragasang trak o kaya iinumin lahat ng tableta at capsule na makita ko dito sa bahay...pero di ko nagawa kanina e. saka na lang pag sobrang tindi ng emosyon ko, ung tipong la na ako talaga sa ayos mag-isip. wag ka ng maglaslas kasi makalat, madugo, masakit at malansa...think of a better way (joke!) JOKE TO BO HA!

    ReplyDelete
  5. la lang.

    wag ka na pakamatay...
    ako din di na...
    pakasaya na lang tayo!

    sa june 24 kita kita tayo kina ESMERALDA, ambagan daw tig 50.

    pakasaya tayo, pakalasing at pakabusog.

    at fyi lang prob sa amin yang identity mo...love ka pa rin namin.

    wag ka ng magworry sa sasabihin ng mga tao, basta enjoy life na walang sinasaktan.

    love life? partner? mahirap nga mawalan, pero makakahanap ka din or babalikan ka din. kaw pa?! (nanjan naman si baby mo!)

    paramdam ka naman, sama ka sa 24. miss ka na namin at mga kwentong kakaiba mo.

    minsan nga naisip namin magsit in sa clas mo e.

    pakatatag ka!

    ReplyDelete
  6. kaawaan ang nilalang na 'to. hala sige pakamatay ka na!!! hahaha!!!

    ReplyDelete
  7. wow...eto na yata ang blog na nakapag-generate ng maraming response...dahil dyan gagaya ako...hehehehe...

    ReplyDelete
  8. bo...
    hahah...ndi ka madaling mamamatay sa paglalaslas...mdjo matagal un kasi aantayin mo na mghemorrhage ka ng todo...joke lang...

    wala lang i just miss you...gusto kitang kausapin pero ndi ko alam sasabihin ko...so wala lang hi lang muna sana mgkita tayo mamaya...

    god bless you../

    ReplyDelete