Friday, February 16, 2007

Sana

Ilang pulgada lang ang distansya natin sa isa't isa kanina sa maluwag na Ikot. Isang lingon ko lang, pwede na kitang matitigan. Igalaw ko lang ang aking braso at pwede na kitang mahawakan. Pero hindi ganoon ang nangyari. Hindi ganoon ang ginawa ko. Parang may nabuong pader na gawa sa hangin sa pagitan nating dalawa.



Si LE na nasa kaliwa ko, panay ang ngiti sa akin. Sa lahat ba naman ng pagkakataon, kung kailan hindi niya dala ang kanyang kotse, saka pa kita makakasabay. Pero buti na lang din at kasama ko siya para tabla tayo. May kasama ka, may kasama din ako. Ayaw na ayaw ko sa lahat ang nagpapatalo.



Tuloy lang ang kwentuhan namin ni LE. Tuloy din ang kwentuhan nyo ng kasama mong babae. Tuloy lang ang buhay nating dalawa na para bang wala kang ginawang masama sa akin. Na parang hindi tayo magkakilala talaga. Na parang hindi mo ginulo ang buhay ko nang isang taon. Tuloy lang ang kwentuhan.



Naaalala ko noong Martes, nakita ka raw ni LE sa Fair at lingon ka raw nang lingon sa kanya. Bakit, akala mo ba papansinin ka niya at lalapitan? Hinahanap mo ba ako dahil alam mong lagi kaming magkasama? Bakit mo ako hinahanap? Para magtago? Para ituro ako sa mga kaibigan mo at para pagtawanan? Bakit mo pa ako hinahanap? Akala ko ba kinalimutan mo na ako?



Hindi kita natingnan nang maigi pero napansin kong nagbago ka na mula noong huli kitang makita. Hindi ka na mukhang totoy. Maporma ka na. May gel na ang iyong buhok. Iba na ang iyong sapatos (kulay black na). Pumoporma ka ba kasi may girlfriend ka na? O baka naman boyfriend?



Bumaba na kami ni LE sa SC. Nauna akong bumaba. Nagmamadali pa nga ako at umalis na sa aking upuan kahit na hindi pa talaga tumitigil ang jeep. Hindi kita pinansin. Nakatingin lang ako sa sahig. Akala ko ilalayo mo ang iyong tuhod para makadaan ako nang mas madali. Pero wala. Wala lang. Hindi tayo magkakilala. Hindi siya big deal. Walang nangyari.



Nang makababa na kami ni LE, sabi niya nag-bye ka daw sa kanya. Bakit sa akin hindi? Sabagay, hindi naman kita pinansin. Pero masisisi mo ba ako dun? Masisisi mo ba ako kung hindi kita kayang tingnan man lang? Masisisi mo ba ako kung bakit nasaktan ako dahil kaya mo akong kalimutan nang ganun na lang? Na parang wala man lang talaga tayong masasayang pinagsamahan, ikaw at ng iyong mga classmates? Ikaw at ako? Masisisi mo ba ako kung bakit pinagsisisihan ko ang makilala ang isang mayabang na gagong katulad mo?



Ayoko na kasi, Lui. Ayoko nang maging tanga para sa iyo. Siguro, akala mo pagbaba ko kikiligin ako? O kaya naman ay mapapaiyak? O kaya...



O kaya...



...



Sana...



Sana nandito ang baby ko... Sana kasama ko siya...



Sana...



Sana hindi ako tanga... Sana hindi na lang kita nakilala...



Kasi.



Kasi... Minsan...



Tanga talaga ako.



...



...



...



...



Sana nandito ang baby ko...







7 comments:

  1. oh.. how we wish na SANA hindi na lang tayo nakakilala ng mga CERTAIN na tao na pag nakikita natin eh cnasaktan lang tayo uli.. nang hindi nila nalalaman..

    kaya mo yan..

    ReplyDelete
  2. mayabang na gago xa sir.. totoo un.

    ReplyDelete
  3. marami na pala akong namiss!

    nweiz, i agree with kristel. gago nga un. kaya wag niyong iblame ang sarili niyo sir sa nangyari. tama nga.. wag kayong patalo! ;P

    ReplyDelete
  4. ang buhay nga naman 'no Sir?.. kung iisipin natin masakit nga yung experience.. pero sa kabilang banda, minsan talaga kailangang ipadama sa 'tin ng buhay kung paaano ang masaktan, ipadama at ipaintindi sa 'tin ang kalungkutan, pighati at mga masasakit na emosyon para maicompare at contrast natin sa mga opposite emotions ng mga ito tulad ng kaligayahan, katuwaan, tagumpay at higit sa lahat, PAG-IBIG.. sa pamamagitan nito, mas maaapreciate natin ang mga positive things na nangyayari sa buhay natin at mga kaakibat na mga pakiramdam sa likod ng mga positibong bagay.. [hehe.. Sir, may talent po talaga kayo sa pagsulat..'da best, hehe.. Stay happy..] =]

    ReplyDelete