Madalas, tuwing Miyerkules, kung wala namang meeting or kung anumang kailangang gawin sa trabaho, mag-isa lang akong namumuhay sa apartment. Napapanis nga ang panis ko nang laway dahil wala naman akong kausap sa buong araw. Wala naman kasi akong klase, kaya wala akong kachokarang mga students ko. Hindi naman kami nagkikita ni LE dahil wala din kaming klase sa MS. Si Chase naman, ang housemate ko, may trabaho sa St. Luke's at madalas gabing-gabi na siya kung umuwi kaya hindi na kami nag-aabot minsan dahil tulog na ako pag-uwi niya.
Minsan naiisip ko na ang weird na wala akong makausap sa buong barangay ng Krus na Ligas na maituturing mo ring isang malaking factory ng mga bata sa dami ng mga tao (at hayop). Hindi naman kasi ako yung tipo ng taong nakikipag-friends sa mga kapitbahay, or nakikipag-friends sa kung sino mang makasalubong ko.
Ang mga nasasabi ko lang sa buong araw ng Miyerkules ay:
"Pabili po..." (ng isang kaha ng Marlboro Menthol, o kaya ay Coke Sakto sa tindahan sa kanto)
"Bayad po..." at "Sa tabi lang po..." (kung sasakay man ako ng jeep papuntang SC o tricycle papuntang Philcoa)
"Pwede po dun?" (habang tinuturo ang available na computer kung mag-iinternet ako dito sa Dizontech)
"Dalawang cheeseburger nga po tsaka isang ham sandwich" (kapag feel kong mag-merienda)
"Isang chili chicken nga po tsaka extra rice" o "Large spare ribs and regular sarsi" (kung feel ko naman mag-dinner sa Bomika o sa Chowking) at
"Don't know what I'm doing here in the studio..." o "I'm here without you baby..." (kung feel kong kumanta mag-isa habang nagpapatugtog ng CD's sa apartment sabay yosi)
Madalas, kapag mag-isa lang ako sa apartment, hindi naman ako nalulungkot. Dahil may pagkatamad nga akong tao, kuntento na ako sa paghiga sa kama at pagbabasa ng mga libro buong araw. Sa ngayon, nabasa ko na lahat ng mga librong meron ako dito sa apartment, pati yung mga libro ni Chase. Ilang ulit ko na ngang nabasa yung iba. Siguro isusunod ko nang basahin yung dictionary dahil wala na talaga akong mabasang iba.
Naisip ko din na sanay na pala akong mag-isa. Kahit na wala man lang kaming TV sa apartment, at nawala pa ang aking lecheng fone, nabubuhay pa din naman ako. Kahit dati pa, noong nag-uuwian pa ako sa bahay ng parents ko sa Las PiƱas, madalas nagkukulong lang ako sa kuwarto.
Noong mga panahong iyon, para aliwin ang sarili ko, may ginawa akong music countdown (mahirap i-explain 'to) na sinimulan ko pa noong high school. Wala pa kasi akong PlayStation noon kaya wala talaga akong magawa. Sa paggawa ng aking komplikadong countdown, naaaliw ko ang sarili ko sa tulong lang ng aking ballpen, data notebooks, at scientific calculator. Natutuwa ako na "Wow, nag-number one itong song na ito" or "Shucks, successful na naman ang album ni Britney." Para nga akong baliw minsan. Nang ikwento ko nga kay D ang countdown ko, na-freak out siya.
HIndi ko rin naman kasi masyadong makausap ang parents ko. Hostile pa kami ni Daddy noon. Yung tipong nagsisigawan kami bawat gabi at nabubugbog ako madalas. Si Mommy naman, laging may ginagawa. Hindi pa kami ganoong ka-close kagaya ngayon na parang magkapatid na lang kami kung mag-chikahan at magtuksuhan.
Siguro napapansin ito ng mga students ko dahil tuwing may klase, bago ako mag-discuss or habang nagpapahinga ako sandali, gustong-gusto kong magkwento sa kanila. Sila naman, game na game makinig dahil malamang, ayaw na nilang makinig sa lessons. Naiintindihan ko naman na napapagod din sila sa pag-aaral kaya mutual ang aming benefits sa mga kwentuhan sessions ko.
Madalas, kapag naaalala ko ang baby ko habang mag-isa ako, nalulungkot ako. Sa apartment kasi nangyayari ang aming mga quality times. Sa kama, sa may hagdan, magkatabi lang kaming nakaupo. Kahit hindi kami nag-uusap, hindi maipaliwanag ang contentment ko. Basta nandun lang siya, kasama ko, masaya na ako. Kaya tuloy kapag umalis na siya, damang-dama ko na parang may nawala sa akin.
Kanina nga lang, tumawag siya sa office at siyempre, kinilig na naman ang lola mo. Ang saya-saya ko na kapag naririnig ko ang boses niya. Wala na nga akong pakialam kung may nakakarinig sa akin sa faculty room kapag kausap ko siya sa telepono. Wala akong pakialam kung alam man nila na boyfriend ko ang kausap ko.
Madalas, kapag kumakain ako ng dinner sa labas, at nakikita ako ng mga students ko na mag-isang kumakain at tatanungin nila akong, "Sir, bakit mag-isa ka lang?", itataas ko na lang ang balikat ko kasi wala akong maisagot. Kasi wala dito ang baby ko, iniisip ko na lang. Kasi once a week lang kami magkita. Kasi nagtratrabaho siya ngayon. Kasi hindi kami magkasama.
Matagal na naman akong ganito namumuhay, pero ngayon ko lang naisip na kung tutuusin, madalas pala akong mag-isa. Na malungkot pala talaga kung mag-isa ka. Dumarating yung mga panahon, kagaya ngayon, na nami-miss ko ang baby ko. Napag-usapan na namin noon na dapat ay hindi ako malulungkot kapag hindi ko siya kasama. Dapat maging independent ang kaligayahan ko sa kanya. Pero... ewan ko.
"It wouldn't hurt so bad if it didn't feel so good."
Hindi ko nga maisip kung wala ang baby ko ngayon. Paano na kaya ako? Kahit papaano kasi ngayon, kapag namimiss ko siya, alam ko na magkikita na naman kami sa Sabado. Meron akong inaasahan. Meron akong awareness na somehow, kahit mag-isa ako ngayon, sa Sabado, mayayakap ko na naman ang baby ko. Mahahalikan ko na naman siya. Mahahawakan ko na naman ang kanyang mga kamay.
Mahirap talaga kapag wala kang celfone at hindi mo man lang ma-text ang baby mo. Pero mas mahirap ang buhay kung wala kang minamahal at wala ring nagmamahal sa iyo. At kapag naiisip ko iyon, sumasaya na ulit ako.
Iyon lang iyon.
:)
ye. i can relate. nafeel ko rin mga nafifeel mo ngayon.
ReplyDeletehaay, bryan.. nakakamiss tlaga kung hindi mo na maxadong makasama ang taong dati rati ay madalas mong kasama... nakakarelate din ako dhil hndi ko na din gaanong nakakasama ang aking "bompren", unlike dati na halos araw-araw eh kasama ko xa...
ReplyDeletenga pala.. isa na ko sa dumadaming fans mo.. pag nag-oopen ako ng account ko d2, i make sure na ttignan ko muna kung may bago ka ng nai-blog.. mejo hassle nga lng naun kc iniba na naman ng friendster un layout (tama ba un tawag?)niya.. pero d un naging hindrance para basahin ko un blog mo, oh db?
basta, naalala ko tuloy nung high school (2nd year at nagccmula ka na nga gumawa nung mga countdown mo) ikaw un lagi ko ka-share ng lunch ko, nag-uunahan pa tayo sa ulam... i miss the days, ewan king naaalala mo pa un.. kc isa kaw si d ko malilimutan dun sa PArSci eh..
nga pala nasakin pa un binigay mo sakin na cassete tape (CRUSH un title, nirecord mo un).. nakatabi pa un, di ko nga lang lam kung gumagana pa.. hehe..
oo naman, naaalala ko pa yun
ReplyDeleteiba na kc tlga hershey 'no? pag tumatanda na tau... ang dami nang nangyari. buti buhay pa yung "crush". hehe. fave ko pa rin dun yung "always you"
haaay. daming memories.
:)
pero buti na lang may friendster 'no? at least in touch pa rin tayo. salamat sa pag-comment! really appreciate it!