Friday, February 23, 2007

Sa Kasal Mo

Sabi nila, intindihin ko na lang daw ang desisyon ninyo. This time daw, sabi nila, ako naman ang magpakumbaba. Ako naman ang umintindi. Eh ano ngayon kung malaman ko na hindi ako makakapunta sa kasal mo? Kailangan pang kumalat muna ang tsismis sa buong Chem bago ko pa talaga malaman (putang-ina) at talagang hindi sabihin sa akin ng derecho? Ano naman ngayon? Sino ba naman ako para masaktan eh hindi naman ako ang ikakasal. Araw ninyo iyon. Wala ako. Hindi ako kasama dahil ayaw ninyo.



Sino ba naman ako, ***? Ex mo? Oo. Pero ang pagkatao ko ba ay makukulong lang doon sa dalawang letrang iyon? Habang buhay na ba akong makikilala ng iyong asawa bilang iyon lang sa buong buhay nyong magkasama? Si Bry, ex ko. Iyon lang ba iyon, ***?



Paano na ang mga alaala natin? Ang mga tawanan sa biochem class? Reporting with Snowie? Ang pa-X na bra ni Jayson Victoria? STS? Paano na ang boarding house moments? Ang pagrereview para sa boards? Ang walang tigil na kwentuhan at heart-to-heart talks? Ang isang linggong libreng dinner mo mula sa akin bago ka umalis? Paano na ang lahat, ***? Sino nga ba naman ako?!



Ikakasal ka na! Ikaw, si ***, isa sa mga taong pinaka-hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko. Ikakasal ka na! At hindi man lang makikita sa special day mo na iyon. Hindi man lang kita mababati. Hindi kita makikitang naka-wedding dress at nasa simbahan. Hindi ko kayo makikitang mag-"you may kiss the bride." Ikakasal ka na, at wala ako doon dahil pinagbawalan niyo akong pumunta!



Putang-ina, ***, hindi niyo naiintindihan kung gaano kasakit! Putang-ina! Alam mo bang humagulgol ako sa apartment, umiyak sa harap ni Loida at ni Jason at nakipagsigawan kay Lea dahil sa desisyon ninyo? Iba kasi iyong hindi makakapunta sa talagang pinagbawalan eh. Iba yung dating. Tapos ang masama pa ay hindi man lang ipinaliwanag kung bakit.



Ano bang masama dun, ***? Akala ba niya manggugulo ako? Diyos ko naman, ang tagal na ng lahat di ba? Tapos na tapos na. Ang dami nang nangyari mula noon. At kung nasaktan man kita, lahat naman tayo nakakasakit kahit hindi natin gustuhin. Past is past at ang mahalaga ay maayos naman tayong nagbati.



Ewan ko talaga, ***, nasaktan ako. Kaya ako nagagalit dito ay nasasaktan ako. Kasal mo iyon, ***, at wala ako. Wala ako doon. Hindi niyo ako papapasukin. Hindi kita makikitang masaya. Hindi ako maiiyak sa tuwa sa simbahan dahil finally, masaya ka na. Mapapaluha dahil ikinasal ka na, si ***, isang matalik na kaibigan. Flowers. Lace. White. Nandun ka, kasama ang iyong pamilya, ang ating mga batchmates - sina Rhay, Tin, Loida, Lori, Chase, Iya. Walang Bry. Bawal si Bry. Wala ako doon. Bawal ako sa pinaka-espesyal na araw ng iyong buhay.



Mahirap man para sa akin, hindi ko na ipagpipilitan pa ang sarili ko. Kung ayaw ako ng asawa mong pumunta, sino nga ba ako para tumanggi? Iintindihin ko na lang, dahil kahit ano pa ang mangyari. Kahit na bawal ako pumunta ay masaya ako para sa iyo, ***, dahil ikakasal ka na. Magkaka-pamilya ka na. Mabuti ka pa, ikakasal. Ako, ***, makakapagpakasal pa ba ako? Nakakatawa 'no? Isa na nga lang iyon sa mga naiisip kong pampalubag-loob, na at least, makikita ko ang mga kaibigan kong ikakasal, masaya, habang buhay na may makakasama. Na makikita ko silang simulang tahakin ang landas na hindi ko madaraanan. Masaya na ako nun. Kaya nga excited na ako pumunta sa kasal mo... Tapos bigla ko na lang malalaman na...



Nalulungkot ako para sa aking sarili dahil... Wala ako doon... Bawal ako... Wala si Bry... Hindi man lang kita makikita... Sa kasal mo... Ikaw... Si ***... Na minsan ay nakasama ko sa boarding house. Na minsan ay naging best friend ko. Na minsan ay minahal ko. Bawal ako... I'm uninvited. I'm unwanted. At tanggap ko na kaya if ever man, huwag niyo na akong imbitahin pa.



Sana, ***, kahit na wala ako doon, maipadama ko sa iyo na masayang-masaya ako para sa iyo. Na kahit na wala ako doon, makita mo kong naiiyak sa tuwa sa simbahan, yayakapin ka, at sasabihing...



...



...wala siguro, maiiyak lang ako.



***



Nasasaktan ako, ***, dahil hindi niyo naiintindihan kung gaano din ka-importante sa akin ang araw ninyo.



4 comments:

  1. NOT fair 'noh sir? hay, i remember someone.. love equals sacrificial friendship. =s

    ReplyDelete
  2. at least you must've meant a lot to her, kung naiinsecure pa rin yung guy.

    still.

    you know we're always here. and if all else fails, we can all wallow in misery together.

    ReplyDelete
  3. whatever sa kanila.

    it's soooooo unfair.

    bahala sila. kung ayaw nila e di wag.

    pero sabi mo nga significant rin sa'yo ang araw na yun.. then at least ipabigay mo na lang yung wedding gift mo at ipasabi or ipaabot mo na lang yung sincere message mo na totoong masaya ka dahil finally masaya na siya..

    hay naku. it's not your loss.
    mapagninilaynilayan rin niya eventually na mali ang ginawa niyang pagtaboy sa isang tunay na kaibigan...

    oh well. pag kinasal ako (ehe kung ikakasal man ako..haha) invited ka..sila hindi.. hindi ko naman sila friends eh.haha.XD

    ReplyDelete
  4. Bry...pasensya na kung di kita na-console...noong umiyak ka sa harap ko...i know no words can ever console you...i know how you feel...or at least I got an idea...basta keep your head up...

    ReplyDelete