Sa Chowking. Kanina. Iniisip ko. Kung bakit ganito. Ako. Tumigil. Ang baso ko ng Sarsi. Papunta sa aking labi. Sa kakaisip. Kung bakit.
Nakakunot. Ang aking noo. Dahil nagalit ako. At nagagalit pa rin. Dahil nakuha mo na namang. Pasakitin ang aking ulo. Kahit na. Wala ka namang ginawa.
Naiinis ako. Dahil ayoko nang nagpapatalo. At ayokong maging tanga. Para sa isang taong. Wala man lang pakialam. Kung makakasakit siya. Wala man lang pakialam. Sa pakiusap. Wala nang inisip. Kundi ang putang-inang sarili niya.
Naaalala ko pa rin. Kung gaano kahirap. Ang umamin sa iyo. Na may nararamdaman ako.
Naaalala ko pa rin. Kung paano mo sinira. Ang dapat sana. Ay isang maayos na usapan. Kung paano ka nagpadaig. Sa sarili mong kaduwagan. Sa sarili mong kayabangan.
At ngayon. Mas malinaw na sa akin. Na wala ka talagang kwenta. Na hindi karapat-dapat. Na sayangin ko ang pag-iisip. At pagmamahal ko. Para sa walang kwentang taong. Kagaya mo.
Oo. Malinaw na nga iyon. Matagal na panahon na. Pero bakit. Kanina. Nakasabay na naman kita. Sa Ikot. Apat na beses na kitang nakita. Nitong linggo. At pareho tayong mag-isa. At kahit ano mang isulat ko dito. Kahit ano mang paghahanda ko. Dito sa blog. Sa aking sarili. Hindi ko pa rin magawang. Hindi maapektuhan. Ng mga sitwasyong. Para sa iyo. Ay walang kabuluhan. Na para sa iyo. Ay mga sitwasyong. Dapat lang iwasan. Dahil wala ka namang. Pakialam. Kung ano man. Ang nararamdaman ko.
At kanina. Sa Chowking. Habang ako ay. Mag-isa. Iniisip ko ang lahat. Habang nakalapat. Ang labi ng baso. Sa aking sariling labi.
At kanina. Sa tricycle. Habang papunta ako dito. Ay naisip kong. Hindi pagmamahal. Ang hinahanap ko. Hindi iyon. Ang kailangan ko sa iyo. Ang dahilan. Kung bakit ako nagagalit. Kung bakit pa kita iniisip.
Gusto ko lang na. Gumanti. Gusto kong masaktan ka. Gusto ko ring. Maranasan mo. Ang hirap na dinanas ko. Dahil sa pagka-makasarili mo. Gusto kitang. Makitang. Luhaan. Magulo ang mundo. Gusto nang magpakamatay. Dahil. Sinaktan mo ako. At kahit na. Gumawa ako. Ng paraan. Para masagip. Ang sarili ko. At ang sarili mo. Ay hindi mo pa rin ako. Sinagip. Kahit na anumang. Pagmamakaawa. Pakiusap. Pag-intindi. Wala kang. Ibinigay. Hindi mo ako. Pinakinggan. Ni isang kusing.
Kaya dahil doon. Gusto kong mawala ka na. Dito. Umalis ka na. Ayaw na kitang. Makita pa. Sinaktan mo ako. At alam mo iyon. Pero wala ka pa ring. Ginawa. At ang paghihiganti na lang. Ang nakikita kong paraan. Para maayos. Ang sitwasyon. Dahil ayaw na ayaw ko. Ang nagpapatalo.
At ang mas. Nakakainis pa. Ay bakit ko pa. Sinulat dito. Ang lahat ng ito. Dahil ang pagsusulat nito. Ay isa nang pahiwatig. Na alam ko sa sarili ko. Na talo nga ako. Na binasted mo nga ako. Na bitter ako.
Alam ko naman. Sa sarili ko. Na nakamove-on na ako. Noon. Walang pagsisinungaling. Ayoko nga lang. Na nakikita ka ulit. Ayoko nang. May nagpapaalala sa akin. Na minsan. Ay nagmahal ako. At nasaktan. Natalo. Napahiya. Na minsan. Ay nagmahal ako. Iniwanan. At kinalimutan.
=s
ReplyDeletesakit nun ah. tagos.
ReplyDelete