Kinakabahan ako nang kaunti. Tiningnan ko nang patago ang mga pasahero ng bus, lalo na yung mga nasa likuran. Wala. Wala namang nakatingin. Hindi nila tayo makikita. Yung konduktor nasa harap. Hindi siya lalapit sa upuan natin. Hindi nila tayo makikita.
Hinablot ko ang kaliwang kamay mo at dinala ko ito sa maliit na espasyong namamagitan sa atin. Nakakakaba pa din. Kapag may nakakita sa ating naka-holding hands, baka kung anong sabihin nila. Baka ipahiya nila tayo.
Tinakpan mo nang bahagya ang ating mga kamay ng iyong bag para hindi mapansin ng ibang mga pasahero. Nakahinga ako ng mas maluwag pero may kaba pa din kasi pwede pa rin nilang mahulaan ang ginagawa ng ating mga kamay.
Naalala ko bigla yung lumang commercial ng Kodak. Yung mga Kodak moments. Yung isang scene na may nerdy guy at may isang cool girl na hindi nagpapansinan pero magkatabing nakaupo sa isang mesa. Sa unang tingin, hindi talaga sila magkasama. Pero sa ilalim pala ng mesa, magkahawak sila ng kamay.
Parang ganoon yung naramdaman ko kanina. Ako, nakatingin sa may bintana sa kaliwa. Ikaw naman, nakatingin sa kanan. Parang walang namamagitan sa ating dalawa. Hindi lang nila alam, sa ilalim ng bag mo, may namumuong init sa pagitan ng ating mga palad...
Umandar ang bus at umandar rin ang aking puso, ngunit hindi nagtagal ay nagbitiw rin ang ating mga kamay dahil may kukunin ka sa iyong bag. Pero sa saglit na panahong iyon na magkahawak-kamay tayo sa loob ng bus, malayo na ang narating ng puso ko. Mas malayo pa sa naiandar ng bus. Mas malayo pa mula sa Philcoa hanggang Boni.
***
Malayo na nga ang narating ko ngayon, baby. Minsan tiningnan ko ang mga luma kong entries dito sa blog. Parang napakalungkot ko pa noon. At nakakatawa din dahil napaka-bitter at emotional ko. Pero ngayon, ang saya-saya ko na. Lahat na lang ng entries ko ngayon, sa huli, laging mababanggit kita kahit hindi ko naman talaga iyon ang intensyon ko nang simulan ko ang pagsusulat.
Ibang-iba na ako. Hindi na ako ang malungkuting si Bryan. Wala na akong suicidal tendencies. Tinatawanan ko na lang ang mga iyon. Ngayon, parang lahat na lang ng mga bagay, masaya. Ewan ko ba. Hindi ko rin maipaliwanag talaga. May mga malulungkot akong entries noon na halos umiyak na ako dito sa computer shop habang sinusulat ko. Ngayon, naiiyak din ako. Pero dahil sa sobrang tuwa naman.
Kagaya nang paglilinis mo sa kuwarto ko kagabi, naging maaliwalas na ang buhay ko. Kahit na ang lungkot ko noon kasi wala na akong kama, ngayon parang mas gumanda pa ang kuwarto ko. May mga decors na sa pader. Maayos na ang mga libro at mga accessories ko. Nawala na ang mga alikabok at kalat hindi lang sa kuwarto ko, pati na rin sa buhay ko.
Nang nagsosort tayo among my things para malaman kung alin ang pwedeng itabi at itapon, nakita ko ang sulat sa akin ni Chie-Chie noon pa na nakatago sa luma kong bag. Binasa ko ito saglit at napangiti na lang ako.
Ipinakita ko din sa iyo ang original colored cover ng "Lovely" na nahalungkat ko sa kahon. "Ang pogi ko dito 'no?" sabi ko. "Oo nga, except that you're oily," ang sabi mo naman. Tiningnan ko ito saglit at ibinalik sa kahon kasama nang ibang CD covers nang nakangiti.
Nakita kong nakatambak sa isang sulok pati ang mga isinagot ng mga estudyante ko sa second task noong unang sem ko pa ng pagtuturo. Nakita ko ang sagot ni Demigod, miyembro ng Gryffindor. Tiningnan ko ang sagot niya at naalala ko ang aming klase. Tinupi ko ang papel at isinama ko ito sa mga kailangan nang itapon.
Lumingon ako sa iyo at nakita kitang nagkakabit ng decorations sa pader, seryoso sa iyong paggawa. Inisip ko kung bakit mo ginagawa ang lahat nang ito para sa akin. "Dahil OC ako," iyon ang tiyak na sagot mo. Pero iyon lang ba talaga baby? Iyon lang ba? :)
Salamat sa lahat, baby. Salamat sa paglilinis ng buhay ko. (Yikes, bakit ba kapag in-love ka, nagiging corny ka? Hehe) Nasabi ko na ito sa iyo kanina pero sasabihin ko na lang rin ulit...
"Advanced Happy Valentine's Baby!"
it's comparatively happier than your earlier posts. yay! :)
ReplyDeletethe bus thing was somehow sad, tho.
nyappy~!:) o(≧∀≦)o
ReplyDeletesir!!! really miss you. glad things are going well for you. thanks so much for all your advices. really appreciate it. stay happy!
ReplyDeleteano ba yan sir parang cleaners nung highschool and gradeschool... hehe
ReplyDeletemwah!
ReplyDelete