Thursday, July 12, 2012

Mitsa

Tinitingnan kita habang nakalapat ang iyong mga kamay sa papel. Nakakunot ang iyong noo sa taas ng salamin mong hindi ko alam kung may grado ba talaga. Wala nang tao sa loob ng kuwarto kundi tayong dalawa na lang at para bang ang tahimik ng lahat na tila marinig ko na halos ang kaluskos ng iyong ballpen sa pagsulat ng mga sagot mo. Bumaba ang mga mata ko sa mga isinusulat mo. Kunyari tinitingnan ko ang iyong sagot pero ang kinikilatis ko ay ang iyong kamay. Paano kaya ang pakiramdam kung mahawakan ko ang kamay mo? Kahit sandali lang? At napa-isip pa ako kung ano kaya ang mga bagay na huling hinawakan mo. Napunta ang isip ko sa mga bagay na hindi ko dapat naiisip habang ako ay nagtratrabaho at hinayaan ko lang gumana ang aking imahinasyon dahil minsan na lang naman ako makaranas ng mga ganitong pakiramdam. Hanggang isip na lang ako ngayon. Hanggang isip na lang...

Hindi ko namalayan na nakatingin ka na pala sa akin. At dahil malalim ang aking mga iniisip ay hindi ako nakapaghanda at nahalata mo ang aking gulat at pagkahiya sa pagkahuli mo sa akin. Namula na naman ako dahil naramdaman ko ang pag-init ng aking mukha. Huli na ako. Ngumiti ka na lang at pinukaw ang aking titig.

"Okay lang iyan Sir," sabi mo.

At iyon ang naging simula ng ating sikreto.

***

Nagpa-iwan ka sa klase habang binubura ko pa ang white board pero hindi kita pinapansin. Nakalabas ang iyong cellphone na para bang may hinihintay kang mangyari.

"Sir..."

Lumabas ako ng kuwarto at sinarahan kita ng pinto.

***

"Sir pwede bang mag-make up quiz?"

"Bakit ka ba absent?"

"Kasi nagkasakit ako Sir. Sige na po Sir."

"Okay. Ano ba ang free sked mo?"

"Ahm, 6pm po Sir."

Masyado nang late yun at ilang oras nang tapos ang aking huling klase para sa araw na iyon. At saka wala nang ibang tao sa faculty room. Sasabihin ko na sanang sa ibang araw na lang pero...

"Okay. Sige."

Naramdaman ko ang pagdaloy ng asido sa aking tiyan.

***

Binuksan ko ang pinto.

Pumasok ka at tumayo nang malapit sa harap ko. Hindi kita matingnan sa mata. Nakatingin lang ako sa uniform mo. Sa dibdib mo na sumisilip nang bahagya sa gewang ng mga butones ng polo mo. Isinara mo ang pinto sa likod mo at narinig ko ang pag-click ng lock.

"Okay lang iyan Sir."

Kinuha mo ang aking kamay at inilapat sa iyong tiyan. Inalis ko agad ang aking kamay pero pilit mo itong ibinalik doon. Kumakawala ang aking kamay na para bang napapaso talaga ako.

"Bakit..."

"Okay lang iyan Sir."

"Hindi pwede..."

"Okay lang iyan Sir."

Hindi na ako nakapagsalita. Dahil sa kaba. Dahil sa pagnanasa. Dahil hinalikan mo na ako.

At tila ba gumuho lahat ng aking mga pagpapanggap na okay lang ako. Na kaya ko. Na hindi ako napapagod sa buhay ko ngayon, sa aking trabaho, sa aking mga raket. Na hindi ako natatakot na baka kasi dumating ang araw na hindi ko na kayanin mag-isa lahat-lahat ng mga responsibilidad na unti-unting lumalapat sa aking mga balikat na nais pa ring isawalang-bahala ang lahat.

Siguro may panahon rin na ako ang papasayahin at hindi ako ang laging gagawa ng paraan. May panahon rin na hindi kailangang mag-isip. Siguro ito na iyon. Ito na iyon, sabi ko. Kinumbinsi ko ang sarili ko. Kailangan ko ito. Ito na iyon. May panahon din para sa akin.

At hinayaan ko ang sarili ko na bumigay dahil naintindihan kong hindi naman kailangang maging sunud-sunuran sa mga patakaran palagi. Na may mga pagkakataong pwedeng isantabi ang mga iyon dahil may mga mahahalagang bagay tayong maiinitndihan lamang sa mga pagsuway sa mga bagay na itinakda.

Ano naman kung bawal kung wala namang napahamak? Ano naman kung bawal kung wala namang naging biktima?

"Okay lang iyan, Sir," sabi mo. "Sige lang po, Sir."

At hinayaan ko na lang ang sarili kong malunod sa iyong mga mata.

***

Nabubuhay kami para paunlarin ang buhay ng iba. Mga kandilang inuubos ang sarili para mabigyan ng liwanag ang iba. At para magawa iyon, minsan kailangan naming isantabi ang aming mga sarili. Kapag nasa harap ka ng klase, hindi ka pwedeng maging mahina dahil ikaw ang inaasahan ng iba. Ikaw ang kanilang pag-asa. Hindi ikaw ang mahalaga kundi sila. Pero sa pagkabura ng white board ay nabubura din ang ilusyon na kami ay walang pakiramdam. Sa pagsara ng pinto ay bumabalik kami sa totoong buhay - na dakila man ang nagawa, sa huli ay pawang mga tao lang din kami. Na minsan kami din ang napupundi. Na minsan kami din ang nangangailangan ng pagsindi.

WAKAS

***



*Ang kuwentong ito ay kathang-isip lamang mga parekoy. Hehe.




No comments:

Post a Comment