Sunday, May 15, 2011
Lalaki Sa Bintana
Lumabas ako ng apartment para makapag-yosi. May dala akong tasa ng kape. Dala ko din ang mp3 player ko. Ayos lang na mabingi sa mundo. Hindi ko naman kailangan ng pandinig o ng panlasa sa pinaplano ko. Ang kailangan ko lang ay ang aking mga mata. At ang aking imahinasyon.
Lumabas ako ng apartment at umupo sa plastic na bench sa may hagdan. Lumabas ako para silipin ang lalaki sa bintana. Sa kabilang gusali siya nakatira. Madalas na bukas ang ilaw niya. Pati ang bintana. Kaya kitang-kita ko ang tingkad ng pagka-asul ng pintura sa kwarto niya. Kapag umupo ako, nasa likuran ko banda ang kwarto niya. Pero ayos lang yun dahil magmumukha naman akong birdwatcher kung mismong nakatapat ako sa bintana niya.
Isang beses tumapat siya sa bintana niya at nag-yosi din. Sigurado akong nakikita niya ako kaya tuloy na-conscious ako. Pero kaunti lang kasi alam ko namang malayo ako. Kaya may lakas ako ng loob para makipag-eye contact.
Ilang segundo din siguro ang lumipas na magkatingin lang kami. Ilang hithit. Ilang buga ang lumipas. At sa saliw ng musika na pinapakinggan ko, naisip ko kung ano kaya ang iniisip niya.
Iniisip ko kung nalulungkot din kaya siya at mag-isa lang siya sa kuwarto. Iniisip ko kung giniginaw din ba siya minsan. Kung naghahanap ba siya nang makakausap.
Iniisip ko kung papapuntahin niya ako doon. Iniisip ko kung paano niya ako pagbubuksan ng pinto. Kung paano ako ngingiti at uupo sa kama niya. Kung paano ko kakapain ang asul niyang dingding. Tapos mag-uusap lang kami. Magkwekwentuhan ng kung ano-anong bagay. At sabay kaming magyoyosi sa bintana niya habang nakatingin sa plastic bench kung saan ako umuupo.
Tapos iniisip ko na din kung paano siya aantukin makalipas ang ilang oras. Kung paano siya magpaparinig na gumagabi na at kailangan ko nang umuwi. Naisip ko na din ang mga sasabihin niya na "next time ulit" pero sa totoo lang wala na siyang plano pa. Naisip ko na din kung paano ako nakayuko paglabas ko ng bahay niya. Malulungkot ako dahil nawala na ang misteryong bumabalot sa lalaki sa bintana. Na sa susunod na gabi na magkaabutan kami, hindi na niya ako papansinin kasi tapos na.
Mag-isa akong nagyoyosi sa puwesto ko. Malungkot akong nakangiti dahil may bago akong natutunan. Naunawaan ko na na minsan pala, mahalaga din na may mga bagay kang hindi dapat maranasan. Mga bagay na mabuti pang hindi mo na lang alam. Lalo na kung yun na lang din ang nagbibigay sa iyo ng hiwaga at kilig sa buhay mong puno ng kalungkutan at katotohanan.
English Translation (by Google)
Man In Window
I come out of the apartment to be able to cigarettes. I carried a cup of coffee. I brought my mp3 player also. Okay to deafen the world. I also do not need a hearing or a sensation I planned. I just need my eyes. And my imagination.
Take me to the apartment and sit on the bench with plastic tiers. Take me to the man peek out the window. On the other building he lived. Often open to light him. As the window. So prominent when I have the brightness of blue paint to his bedroom. When I sit, my band behind his bedroom. Order but also look like after all because I am birdwatcher if the window itself is situated around him.
Tumapat he once said window and are also cigarette. I'm sure he sees me so I'm going to be conscious. But only a little because I know I turn away. So there's strength within me to communicate eye contact.
Also maybe a few seconds later that we just magkatingin. Some absorption. Some stone has passed. And the accompaniment of music that heareth me, so I thought what he thought.
I wonder also unhappy so he and only he alone in the room. I wonder if he also sometimes cold. If he seeks to talk.
I wonder if papapuntahin me there. I wonder how I'm He opened the door. How I smile and sit on his bed. I kakapain how his blue wall. Just finished talking to us. Magkwekwentuhan of what kind of things. And once we magyoyosi her window while looking at the plastic bench where I sit.
Then I think how he aantukin also after some time. How he sounds that draweth and I need to go home. I thought he also say that "next time again" but in fact he plans no more. I thought as how I'm bent off his house. Sad because I lost the mystery surrounding the man in the window. The next night we magkaabutan, not because he ignored me done.
I'm alone I nagyoyosi spot. I'm sad smile because I learned before. Once I understood that way, there are also important things you should not experience. Other good things just do not know. Especially if that 's also just gives you the mysteries and twitches to life full of sadness and reality.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment